CHAPTER 12 STILL RYKER POV Sumapit na ang alas-sais ng gabi, kaya nagpasya na rin kaming umuwi ni Xai. Magkatabi lang naman ang condo units namin, kaya pagkababa namin ng elevator, kanya-kanya na kami ng pinto. Pagpasok ko sa unit ko, tahimik. Malinis at minimalist, gaya ng nakasanayan ko white walls, black furniture, at floor-to-ceiling glass window na tanaw ang city lights. Agad akong dumiretso sa banyo. Gusto kong alisin lahat ng hospital smell sa balat ko. Pagkatapos ng shower, bathrobe lang ang suot ko habang naglakad papuntang kusina. Naghain lang ako ng tinapay at black coffee wala na akong energy para magluto. Habang kumakain, nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga kotse sa baba na parang maliliit na laruan. Hindi na rin ako nagtagal. Pagkatapos ng kape,

