Jhona: POV Habang papasok ako sa loob ng mansion ng mga grandparents ni Ryker, parang umiikot na ang paningin ko. Hindi ako sanay uminom dahil kain lang ang laging trip naming magkakaibigan . " Ate, pwede po bang humawak sa inyo? Nahihilo na talaga ako, baka mahulog pa ako pag-akyat natin," sabi ko kay ate Marilyn, ang katulong nila. " Sige, ma'am. Hindi po pala kayo sanay uminom . Hirap kasabayan sa inuman ang pamilyang 'yan, ma'am. Sanay sila, lagi mag-inuman dahil 'yan ang bonding nila pag-gabi, pag nandito silang lahat. " " Oo, ate. Hindi po ako sanay, eh. Ganito po ba malasing, ate? Ang init ng katawan ko, parang may apoy po. Siguro, iihip ko na lang ito para mawala ang init ." " Oh, pwede rin po, ma'am. 'Yan ang ginagawa ng iba para ma-himas-himas po ," wika ni ate Marilyn. Na

