CHAPTER 18 RYKER POV Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko. Walang ibang pangalan na iniisip ko kundi si Jhona. Hindi ko alam kung bakit, pero bawat minuto na hindi ko siya nakikita, parang may kulang. Tinawagan ko siya. "Hello?" mahina ang boses niya, halatang nagulat. "Magbihis ka," malamig kong sabi. "May pupuntahan tayo." "Ha? Saan?" tanong niya. "Huwag ka na magtanong. Hintayin mo ako." Binaba ko agad ang tawag. Ayokong patagalin. Alam kong sasama siya. Pagdating ko sa boarding house nila, andun na siya. Naka-simpleng dress lang, pero kahit gano’n, hindi ko maiwasang mapatitig. Parang lahat ng tao sa paligid, nabura bigla. "Ano ba’ng meron?" tanong niya, kunot ang noo. "Hindi ka pa rin titigil sa tanong? Sumama ka na lang," malamig kong sagot. Naglakad siya papasok sa ko

