CHAPTER 23 THIRD PERSON POV Pagkapasok pa lang nila sa maliit na kwarto, agad na napansin ni Jhona ang kalat nakatiwangwang ang jacket ni Ryker sa sahig, may isang medyas na parang tumakas papunta sa sulok, at may tubig na natapon sa mesa. “Grabe ka, Ryker, parang dinaanan ng bagyo dito!” reklamo ni Jhona habang pinupulot ang medyas gamit ang dalawang daliri, para bang hawak niya ay lason. “Seryoso? Isa lang medyas, asan yung kapartner nito?” Napakamot si Ryker sa batok. “Eh… baka may sariling lakad? Alam mo naman, independent yung medyas ko.” Napairap si Jhona pero napatawa rin. “Independent daw o. Ang corny mo.” Umupo siya sa gilid ng kama, halatang pagod. Samantalang si Ryker, todo pa rin ang energy, parang hindi napapagod ang mga ugat. Naupo ito sa tabi niya at nagdikit agad ang

