CHAPTER 24 RYKER POV Apat na araw na ang lumipas mula sa gabing iyon yung gabing akala ni Jhona ay nagbago ako, na sweet na ako sa kanya. Nakakatawa, diba? Ang dali niyang maniwala. Ang dali niyang magpa-uto sa mga lambing ko. Hindi niya alam na palabas lang lahat ng iyon. Tsk. Sweet? Caring? Romantic? Bullshit. Hindi ako ganun. At lalo na para sa kanya. Ang totoo, kaya lang ako nagpapakita ng kaunting kabaitan ay dahil may kailangan ako. Yung mana. Yung pera. Yung ari-arian. Lahat ng pwede kong makuha. At ngayong araw, heto kami sa mansion. Tahimik. Kami lang dalawa. Wala ang mga katulong, wala ang iba. Eksaktong pagkakataon para ipamukha sa kanya kung nasaan ang lugar niya. Nasa kusina siya, nagluluto ng sabaw. Amoy na amoy ang niluluto niya parang sinigang ba ‘yon o kung ano mang w

