Chapter (7) Kulitan

1940 Words
CHAPTER 7 XAI POV Ang buhay sa mansion ay parang pelikula pero ngayong araw, literal na naging slapstick comedy ang takbo ng eksena namin ni Ryker. Nasa swimming pool area kami ngayon, maganda ang panahon, maaraw pero hindi masakit sa balat. Pareho kaming naka-shorts lang, walang saplot sa itaas, dahil plano naming maligo pagkatapos ng matinding basketball game kanina. Pawis na pawis pa kami pero chill ang vibe. "Oi, Xai, nasaan na 'yung bracelet ko?" tanong ni Ryker habang sinisiyasat ang gilid ng upuan. "Baka nahulog d'yan sa tabi," sagot ko habang sinusundot-sundot ang water bottle ko sa may gilid. Bigla siyang tumuwad para pulutin ang bracelet na nahulog. At siyempre, sa sobrang tindi ng eksena, bumungad sa akin ang shorts niyang masikip at halos lumusot na ang kalahati ng boxer briefs niya. Napakagat ako sa labi ko para hindi tumawa. Pero alam mo 'yung pakiramdam na parang may demonyo sa likod mo na sumisigaw ng "Gawin mo na!"? Ginawa ko. Sinipa ko ang pwet niya. As in, full force na parang penalty kick sa football. "AY Putangina!!!" sigaw ni Ryker habang napasubsob sa semento. Tumingin ako, sabay tutok ng daliri sa kanya, "HAHAHAHA!" Literal na humahampas ako sa hita ko sa kakatawa. "NAKAKAHIYA KA RYKER! PUNIT NA ANG SHORTS MO!" "ANONG PUNIT?!" sigaw niya habang pilit na tinatakpan ang pwet niya. Pero huli na ang lahat napunit ang likod ng shorts niya sa may gitna, as in NAKANGITI ang puwet sa amin. “PWEDE BANG ISUMPA KITA SA LAHAT NG NILALANG?!” sigaw niya. “Damn you, bastard!!!” Dun ako lalo pang nalugmok sa kakatawa. Umandar ang takbo ng utak ko. Syempre, survival instincts: takbo, Xai, takbo! Agad akong humarurot papalayo habang si Ryker ay parang dragon na bubuga ng apoy sa likod ko. "XAI!!! HUMANDA KA SA AKIN!!!" Syempre, tumalon ako sa pool! SPLASH! “HALA!” sigaw niya. Pero hindi siya nagpahuli. Tumalon din siya sa pool. SPLASH #2. “HUY! HUWAG KA LUMAPIT SA AKIN!” sigaw ko habang lumalangoy paatras. "HINDI MO KAKAYANIN ANG GANTI KO!" banta niya, lumalangoy palapit na parang shark na naka-focus sa prey. Lumangoy ako paikot ng pool, nag-iwas habang tumatawa pa rin. "Hindi ko kasalanan na may punit kang shorts! Kasalanan 'yan ng masyadong tight na brief mo!" “HUH?! IKAW ANG NAGSIPA! IKAW ANG KASALANAN!” “MASYADO KA KASING MATUWAD!” sigaw ko habang sumisid paalis. “XAI, PAGNAHULI KITA, IPAPALUNOK KO SA'YO 'YUNG BRACELET KO!” Hindi ko na kaya. Parang sasabog ang tiyan ko sa kakatawa. Habang lumalangoy paikot-ikot, halos nalunod na ako sa kakatawa at tubig. “HALA! HALA! RYKER STOPPP HAHAHA!” “Hindi ako papayag na matapos 'to na hindi ka tumitiklop!” At boom! Hinila niya ang paa ko sa ilalim ng tubig! Napatili ako! “WAG WAG WAG WAG!” Pero wala na kinaladkad niya ako papunta sa gilid ng pool, pinatungan ako sa tubig at sinabuyan ng maraming tubig sa mukha. Feeling ko parang torture na may kasamang laugh trip. “YUNG SHORTS KOOOO!” sigaw niya. “NAGWAWALA ANG PUWET KO!” “HAHAHAHAHAHA! RYKER ANG PUTI NG PUWET MO! PARANG LOAF BREAD!” “MAKAKAGANTI DIN AKO!” Hinabol niya ako ulit at sinubukang i-dunk sa ilalim ng tubig pero masyado akong madulas. Nakawala ako. “MAGINGAT KA SA GABI! BABALIKAN KITA!” “AY! SERYOSO NA 'YAN! MAMA!!!” sigaw ko sabay tawa. Tumigil kami sa gitna ng pool, parehong hingal at nanginginig ang balikat sa kakatawa. Basang-basa kami pareho, parang dalawang batang inuntog sa kalokohan. “Grabe ka, Xai...” hingal ni Ryker. “Kahit ilang taon pa tayo magkaibigan, hindi talaga kita mapagkakatiwalaan.” “Ganon talaga kapag cute ang kaibigan mo,” sagot ko. “Mag-ingat ka lang, next time baka ‘yung brief mo na ang sumabog.” “Hindi pwede ‘yun, imported ‘yun!” Nagkatawanan ulit kami, halos sabay kaming humahampas ng tubig sa isa’t isa. Tumigil lang kami nung narinig namin ang katulong na si Manang Letty na sumigaw mula sa terrace. “HOY MGA WALANGHIYA! PARANG MGA BATA DIYAN! KUNG HINDI KAYO MAGPAPAKATINO, IPAPAKALAT KO SA GROUP CHAT NG FAMILY NI RYKER ANG VIDEO NYO!” Sabay kami napa-“OH MY GOD!” sabay takbo papalabas ng pool. Pero bago pa kami makatakbo, biglang dumulas si Ryker at... BLAG! “Tangina!!!” “HAHAHAHAHAHA! Ryker! Ang taas ng talon mo tapos dulas lang pala katapat!” Habang tinutulungan ko siyang tumayo, parehong nanginginig pa rin ang tiyan namin sa katatawa. Walang araw na katulad ng araw na ‘to. Puno ng kabaliwan. Puno ng saya. Puno ng... kalokohan. At hindi ko ikakaila, sa lahat ng kaibigan ko, si Ryker ang pinakamasaya kong kaaway sa asaran. Kahit ilang beses ko pa siyang pagtripan, bumabawi rin siya ng sobra. Pero sa puso ko oo, kahit hindi ko pa aminado may isang bahagi sa akin na nagsasabing baka hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya. Baka... Ay, ewan. Next time na 'yun. Baka masira lang ang kalokohan naming dalawa. Ngayon, enjoy muna. “Kape tayo mamaya?” tanong niya habang pinupunas ang buhok. “Game, pero huwag ka nang tumuwad. Baka mapunit pati kaluluwa mo.” “Gago ka talaga.” At sabay kaming natawa ulit. Pagkatapos ng walanghiyang riot sa pool, nagpasya na kaming umahon at mag-ayos. Ramdam ko pa rin ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa habang hawak ko ang tuwalya at sinusubukang hindi muling mapatingin sa pwet ni Ryker na parang nasunog sa araw sa sobrang puti. “Grabe, Ryks. Legit. 'Pag nag-artista ka, puwede ka nang gawan ng meme: 'The Assassination of Shorts by the Coward Pwet.'” sabi ko habang pinipigilan ang tawa. "Shut up, Xai. Bumalik ka dito at ihampas ko sa'yo 'tong sira kong shorts," banta niya habang sinusubukang ibalot ang tuwalya sa bewang nang hindi nadudulas. Nang makabalik kami sa loob, sumalubong agad si Manang Lalay, ang legendary mayordoma ng Crowley Mansion. Nakalagay ang dalawang kamay sa bewang at parang may theme song siyang "Final Boss Battle." "Aba! Aba! Aba! Ano 'to?! Olympic Aquatic Circus?! Bakit kayo basang sisiw na parang bagong ligo sa ulan?! At RYKER, bakit punit ang shorts mo?!" Napaatras si Ryker. Literal. Yung tipong CEO ng Asian Crowley Medical Center na parang estudyanteng nahuling kumain ng fishball sa gilid ng kalsada. "Manang, it's not what it looks like," pilit niyang paliwanag habang tinatakpan ang likod niya gamit ang throw pillow sa sala. "Talaga lang ha? E kung hindi pa ako sumigaw kanina, baka naglaplapan na kayong dalawa sa pool!" “HUY!” sabay naming sigaw ni Ryker, parehong halos mabulunan sa embarrassment. Ako na ang tumayo para ipagtanggol ang dignidad naming wala na talagang dignidad. "Manang, naglaro lang kami. As in, bonding lang ng mga straight na lalaking puno ng testosterone." “Bonding?! Pwes, ibobond ko yang mga ulo n’yo sa pader ‘pag di kayo nagbihis at nagkape in five minutes!” Agad kaming nag-disperse. Si Ryker dumiretso sa kwarto niya, ako naman sa guest room. Nagpalit ako ng damit shirt at jeans lang, tapos nagpabango. Pagbalik ko sa kusina, nandoon na si Ryker, bagong ligo, naka-white polo shirt na bukas ang unang dalawang butones at naka-itim na slacks. Parang board member ng langit. "Uy, CEO look activated ka na naman," biro ko habang inaabot ang kape. "Bakit ba, may appointment tayo sa impyerno mamaya? Para presentable ako kahit pa-pick upin ako ni Satanas." "Pakisabi kay Satanas, i-cancel muna, may lakad pa tayo sa Asian Crowley!" Napakunot noo siya. “Right. Speaking of... may kailangan akong i-check sa hospital. May report sa HR na apat na janitor ang nag-resign kahapon kasi daw ‘haunted’ ang 5th floor.” “Or baka haunted ng utot nila 'yan. O baka ng mukha mo. Aminin mo na kasi, Ryks, kapag ikaw ‘yung sumalubong sa kanila sa hallway nang hindi nakangiti, parang horror movie na ‘yung shift nila!” "Baka. Pero mas malamang, ikaw ‘yung dahilan. Huwag mo nang ideny." Napatawa ako, pero tumigil din agad dahil narinig namin si Manang Lalay na nagbabadyang sumigaw ulit. “Umalis na kayo bago ko ipatawag ang exorcist!” “Kape muna, Manang!” sagot ko habang sinisipsip ‘yung kapeng may gatas. “Love you!” “Mas love ko ‘yung vacuum ko kaysa sa inyo!” Pagdating namin sa driveway, naglalakad kami palabas ng mansion. Si Ryker may dala pang tablet at seryosong nagsi-scroll habang ako naman ay abala sa pagtingin sa reflection ko sa salamin ng sasakyan. Pagpasok sa black SUV niya, tanong ko, “So anong drama ngayon sa ospital? May nanganak ba ng kambal na may sungay?” "Wala. Pero may isang pasyente na buntis daw ng tatlong buwan, tapos ang sabi virgin pa raw siya.” “SAY WHUT?! As in Mary 2.0?!” napasigaw ako. "Yup. And guess who will handle that case?" “IKAW?! Tangina. Ako na lang ang maging Joseph!” Hindi siya kumibo. Umiling lang. Pagdating namin sa Asian Crowley Medical Center, nagulat ako. Literal na parang premiere night ng artista ang vibes. May crowd ng nurses, med techs, janitresses, even ilang doctors na nakatambay sa main entrance. Pagbaba namin ng sasakyan, sabay silang nagsigawan. “KYAAAAAH!!! SI DOC RYKER!!!” “XAI!!! ANAKAN MO AKO!!!” Napahinto ako. Napatingin kay Ryker na parang statue ng Greek god na may side-eye. Cool lang siya. Diretso lang ang lakad, walang lingon, walang reaksyon. Ako naman, syempre, artista-mode activated. "GOOD AFTERNOON MGA BEBE KO!" sigaw ko habang pinapadyak ang paa ko na parang beauty queen. May biglang sumigaw: “DOC RYKER!!! FINGER NIYO ANG CHOLALAT KO!!!” “PUTANGINA!” sabay naming napatingin ni Ryker sa pinanggalingan ng boses. Isang matanda, naka-face mask, pero may dalang cardboard sign na may drawing ng stethoscope... at malabong illustration ng... basta, bastos. “Security,” bulong ni Ryker habang nagmamartsa papasok ng building. Ako? Takbo rin. Nakakahiya pero nakakatawa. Pagpasok namin sa loob, nagsalubong kami ng tatlong nurse na parang nagpa-practice ng t****k pero nang makita kami, bigla silang nag-pose ng parang nasa photoshoot. “Doc Ryker, need n’yo ba ng kape? Lalaki po akong barako!” “Xai, ikaw talaga ang paborito ng katawan ko!” Napa-“Ayyyyyy grabe kayo!!!” ako, sabay lapit para mag-high five sa isa sa kanila. Si Ryker? Deadma. Parang may sariling soundtrack na classical music sa utak niya. Naglakad siya diretso papunta sa elevator, hindi man lang nagtaas ng kilay. Pagkasakay namin sa elevator, huminga siya nang malalim. “Kailangan natin ng janitor. Gusto mo ba, ikaw na lang?” “Excuse me?! Ang hot ko para mag-mop!” “Exactly. Kung may spill ng dugo sa hallway, baka magpa-slide show pa ‘yung mga tao para lang makita ka.” “Hay naku. Kung di mo lang ako best friend, sinungkit ko na ‘yang kwelyo mo at pinakasalan kita sa elevator.” “Lucky me.” Tumunog ang elevator. 5th floor. Bago pa bumukas ang pinto, biglang may narinig kaming “waaaaahhhh!” na sigaw ng babae mula sa loob. Napalingon ako kay Ryker. “Haunted nga talaga?” Bumukas ang pinto... walang tao. Tumingin siya sa akin. “Ikaw muna.” “AYOKO! Ikaw may sweldo dito!” “Exactly. Ikaw expendable.” “Rude!” At sabay kaming naglakad palabas ng elevator, parang mga bida sa horror-comedy film. Ready sa anong kabaliwang hatid ng araw sa Asian Crowley Medical Center. At ‘yan ang buhay kasama si Ryker. Laging may asaran. Laging may kalokohan. Pero sa puso ko, kahit hindi ko pa sinasabi mas gusto ko na kasama siya palagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD