Chapter 3

1206 Words
Leslie Alegria Pov. Samut-saring bulungan ang naririnig ko sa aking paligid. Para ba'ng may mga taong pinag-uusapan ako sa kabila ng nangyari. Iminulat ko ang aking mata dahil sa naririnig na tinig, sumalubong sa akin ang isang ginang at dalaga na ngayo'y nagulat pa sa biglaang pag-upo ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo, ineng?" iyon ang tanong ng ginang sa akin habang nakatingin naman sa akin ang dalaga. Ang kasuotan nila ay isang uniform na pag-kasambahay. Nakikita ko rin ang paligid ng buong silid at masasabi ko'ng napakarangya naman ng lugar kung nasaan ako. "N-nasaan ho ako?" ngumiti ang ginang sa akin bago ako sagutin. "Nasa mansyon ka ng mga del vega." saglit na nawala ako sa sarili dahil sa sinabing iyon ng ginang. "Kasama mo'ng dumating si senyora flora." nangunot ang noo ko dahil iniisip ko ang nangyari bago ako magising sa kinauupuan ko. Nang maalala lahat ng kaganapan kanina, muli ay namilog ang mata ko bago ko balingan ng tingin ang dalawa. "S-si Senyora Flora iyong na-holdap kanina?" tumango ang ginang sa tanong ko. "Kasalukuyan kasing pinaghahanap si señiorito akhiro. Nag-aalala si senyora flora kaya't bumaba na ito ng bayan upang sumama sa paghahanap, malas nga lang dahil may nagtangka pa'ng magnakaw sa bag niya." Sa haba ng sinabi niyang iyon, hindi pa rin ako makapaniwalang nasa mansyon ako ng mga del vega. Ang pamilyang ito ang pinakamayan sa probinsyang ito, kilala ang mga del vega sa buong san nicolas ngunit madalang lang kung sila'y lumabas. At ngayong nasa mansyon nila ako, para bang nais ko'ng sampalin ang aking sarili upang kumpirmahin kung hindi ba ito panaginip. "B-bakit po nila ako i-isinama dito? H-hindi ko naman po kasabwat ang magnanakaw na iyon." "Kakausapin ka ni senyora flora mamaya. May inasikaso lang sila saglit dahil nahanap na nila ang kanilang anak." hindi na ako nagbigay kibo pa dahil iniisip ko ngayon kung anong sasabihin ng senyora. Iniisip ba nito na kasabwat ako ng magnanakaw? O magpapasalamat lang siya sakin? Pero bakit kailangan pa niya akong isama dito? "Magpahinga ka muna riyan, ipapaalam ko lamang kay senyora na gising ka na." Tumango na lamang ako bilang pagtugon. Lumisan na silang dalawa at iniwan akong mag-isa sa magarang silid. Ngunit hindi ako mapakali kaya't umalis na ako sa kama at naglakad patungo sa malaking bintana. Nalulula ako sa sobrang laki ng silid, ang bintanang nasa harapan ko ay malaki pa sa akin ngunit kitang-kita ko ang maalwalas na hardin sa labas at ang magagandang mga bulaklak. Ngunit mula sa bungad ng gate, natanawan ko doon ang pamilyar na kotseng sinakyan ko kanina bago ako mawalan ng malay. Hindi ko alam kung bakit bigla ay kinabahan ako, paano na lang pala kung iniisip ng senyora na kasabwat ko ang lalakeng kalbo? Baka ipakulong nila ako at sapilitang paaminin na kasabwat ko nga iyon. Nanlaki ang mata ko bago ilibot ang paningin, naisip ko ng umalis na dahil baka totoo ang iniisip ko. Paano na lamang ang pangarap ko, gusto ko pang mag-aral. Nais ko pang maipatayo ang bahay na nais ko, gusto ko pang makita si ina at makasama siya. Dahil hindi nakasara ang pinto ng silid, malaya akong nakalabas ngunit tila ba bigla ay napunta ako sa ibang destinasyon. Napamaang ako habang unti-unting tumitingala ang aking ulo dahil sa malaki at mataas na pasilyong bumungad sakin. Hindi ko alam kung sa kanan o kaliwa ako tatakbo dahil masyadong mahaba ang pasilyo at napakaraming pintong nakasara. Ngunit hindi na ako nag-isip pa, tinahak ko ang kaliwang daan upang doon tumakbo. May isang pinto rin akong pinasukan ngunit nahinto rin ako ng makitang mga instrumento lang ang bumungad sakin. Dahil sa nangyari, napapikit ako bago muling buksan ang pinto sana. Ngunit kinabahan ako ng hindi ko na iyon mabuksan, ilang beses ko pa itong pinihit ngunit nakapagtataka lamang kung bakit tila ayaw ng bumukas ng pinto. Napapikit akong muli sabay hilamos sa aking mukha. Sa sobrang laki ng silid, maaari na akong magtago dito ngunit hindi ko alam kung kailan at anong oras ako makakalabas. Hindi ako makapaniwala na kaya nilang ilaan ang silid na ito sa mga instrumento lamang. Para ba'ng buong bahay na namin ito kung titingnan. Ngunit wala akong oras upang purihin ang bawat nakikita ko, kailangan ko ng mag-isip ng paraan para maka-uwi na. Siguradong aabutin ako ng gabi at malalagot ako kay inang helen dahil sa ginagawa ko'ng ito. Habang nakatayo ako sa gitna ng silid, bigla ko na lamang narinig ang pagpihit ng pinto senyales upang tumakbo ako sa likuran ng malaking piano at doon magtago. Narinig ko 'ngang bumukas ang pinto dahilan upang pumikit ako at magdasal ng limang beses. Maawa naman kayo sakin, ama. Ayoko pang maging bihag ng mga del vega. Nakakatakot pa naman si senyora flora kanina, baka ipakulong niya ako ng wala sa oras. "Walang pinagbagong ang probinsyang 'to. There's a lot of man without manners." Nakarinig ako ng isang tinig ng lalake na nagmumula malapit sakin. Sinasabi ba niyang walang pinagbago ang probinsya namin dahil maraming lalakeng walang galang? Teka. Minamaliit ba nito ang san nicolas? "I really don't want to stay here, dvmn it." napaigtad ako ng bigla ay tumunog ang piano ng kay lakas. Tila ba binagsak niya doon ang kanyang dalawang kamay dahilan upang mabingi ako at mapatayo ng wala sa oras. "Who the h/ell are you?" tila ba yelo na lang akong nanigas dahil sa biglaang pagtatanong sa akin ng lalake. Yumuko ako at mabilis na isinuot ang hoodie na nasa likuran ko. "Im talking to you, what are you doing here?" Lumakad ako paatras upang lumayo sa kanya dahil naririnig ko ang paghakbang nito na ngayo'y lumalapit sa akin. "Magnanakaw ka ba? Isa ka'ng magnanakaw!" nanlaki ang mata ko dahil sa paratang niyang iyon. Dahil doon ay aksidenteng nagtama ang aming mata ng mag-angat ako ng tingin. Nangunot ang noo niya ng makita ako, ngunit mas lalo akong hindi makapaniwala dahil sa nasaksihan ko'ng binata ngayon. Marami siyang pasa sa magkabilaang labi, magulo rin ang kanyang buhok at may band-aid ang gilid ng kanyang kilay. "Your a woman." aniyang anas habang nakatitig sa aking mata. Hindi ako makapagsalita dahil ang lalakeng nasa harapan ko ngayon ay ang lalakeng tinulungan at isinugod namin sa ospital kanina lang umaga. "Come here with me!" lumapit siya sakin at mabilis na hinawakan ang hoodie na suot ko. Para ba'ng kulang na lang ay sakalin niya ako gamit iyon para lamang sumama ako sa kanya. Inilabas niya nga ako habang hawak ang hoodie ko. Hinihila niya iyon ngunit hindi naman pwersahan dahil para ba'ng nahihirapan siyang itaas ang kanyang kamay. Dahil ayoko 'ngang magpakita kay senyora flora. Nagpumiglas ako dahilan upang matamaan ko ang kanyang tiyan. Mabilis niya akong nabitawan sabay sigaw dahil tila ba nasaktan siya sa ginawa ko. "Dvmn you!" halos manggigil siya na para ba'ng sinadya ko'ng tamaan ang tiyan nito. Nais ko sanang humingi ng dispensa ngunit nagsidatingan na ang mga kalalakihan na may mga itim na uniform. Huli na ang lahat bago ako makatakbo dahil mula sa likuran nila ay natatanawan ko na si senyora flora. "Narito ka lang palang bata ka." Muli na lamang akong nagdasal na sana'y lamunin na lamang ako ng lupa, ngayon din. ********* to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD