Chapter 5

1291 Words
Third Person Pov. Alas siete na ng gabi nang maka-uwi si leslie sa kanilang tirahan, sakay ng magarang kotse. Bumaba siya roon at walang tigil na naghatid ng pasasalamat sa mga tagapag-utos ng mga del vega. Gabi man siyang nakauwi ngayon, hindi na ito kinakabahan dahil may maganda naman siyang balitang ihahatid sa ngayon. Pagtapak pa lamang niya sa loob, nadatnan na nitong nakaupo ang kanyang inang sa sala na ngayo'y masama na agad ang tingin sa kanya. Alam niyang sisinghalan siya ng kanyang inang dahil gabi na itong naka-uwi. Ngunit may dahilan naman ito kung bakit ngayon lamang siya nakarating sa kanilang bahay. "Alam mo ba kung anong oras na?" napalunok si leslie bago tuluyang lumapit kay helen. "Pasensya na po, may nangyari lamang kasi kanina kaya hindi ako naka-uwi ng maaga." "Iyan rin ang sinabi mo kanina nang ipaghatid mo ako ng makakain. Ano ba talaga ang inaatupag mo'ng bata ka?" Napayuko ang dalaga. "Patawad po, may nangyari lamang na holdapan sa bayan kanina." "Ano na naman ba'ng kinalaman mo doon! Hindi ba't ang sabi ko sayo ay huwag ka'ng makialam sa problema ng iba! Idadamay mo pa ang sarili mo at ang ama mo rin ang siyang mahihirapan!" "P-pasensya na p-po." "Pagluluto at paglilinis na lamang ang ambag mo sa bahay na 'to, hindi mo pa ginawa! Ano ba'ng gusto mo? Maging palamunin na lang dito habang buhay!" Hindi nakapag-bigay sagot si leslie sa pagbubulyaw ng kanyang inang. Sa senaryong iyon, doon na rin lumabas si ama nito na ngayo'y agarang lumapit sa kanila na tila ba naabala sa boses ni helen. "Gabi na, helen. Bakit ba sumisigaw ka pa?" natawa si helen bago tumayo sabay duro kay leslie. "Itong magaling mo'ng anak, ngayon lamang umuwi galing sa lakwatsya!" Tumingin si leslie sa kanyang ama sabay iling upang ipagtanggol ang sarili. "Hindi po ako galing sa lakwatsya, tinulungan ko lamang po ang mga del vega at binigyang alok nila akong makasalo sila sa hapunan." Tumaas ang kilay ni helen dahil sa narinig, doon na rin lumabas si kassandra mula sa kusina dahil narinig nito ang apelyido ng mga del Vega. "Totoo ba iyon?" tumango si leslie sa tanong ng ama. "Opo, amang. Sa katunayan nga po, inalok nila ako ng trabaho sa hacienda. Maaari na din po akong makapag-aral ng libre." natutuwa ang ama ni leslie dahil sa narinig, ngunit ang mag-ina ngayon ay halos magkumahog sa natamong swerte ni leslie ngayong araw. "Siguraduhin mo lang na trabaho nga ang aatupagin mo sa mga del Vega, leslie. Ayokong mababalitan na tumutungo ka roon dahil lamang sa mga binatang del Vega." "Hindi po ako ganoong babae, inang. Magtatrabaho po ako para makatulong dito." "Edi maganda, mababawasan ang palamunin sa bahay." Hindi na lamang nagbigay tugon si leslie sa sinabi niyang iyon. Inakay na rin ni helen ang asawa nito upang alisin na sa harapan ni leslie. Kahit ubod ng galak ang nararamdaman ni leslie ngayong gabi, para ba'ng may kulang pa rin dahil hindi nito nararamdaman ang suporta sa kanyang pamilya. Gayon man, iwinaglit na lamang ni leslie iyon sa kanyang isipan bago magawi ang tingin sa kapatid nito na lumapit sa kanya. "Naroon na ang mga uniform ko, paki-plantsa na lamang." matapos sabihin iyon ni kassandra, tumalikod na siya sabay pasok sa kanyang kwarto. Samantalang si leslie ay bumaling sa sulok ng bahay kung saan naka-hanger ang mga uniform ni kassandra upang plantsahin ngayong gabi. Napabuntong hininga na lamang si leslie dahil sa nangyari. Sanay naman na siyang inuutusan ni kassandra kaya wala na iyon sa kanya, ang nais lamang sana niya ngayon ay maramdaman ang suporta nila ngunit hindi nangyari. NANG GABING iyon, bago matulog ay naglinis muna si leslie at nagtabi ng kalat. Hindi rin naman na siya agad nakatulog dahil hinahanap niya ang ilang requirements na hinabilin sa kanya ng sekretarya ni senyora. Inihanda niya iyon bago siya matulog, kinuha rin niya ang ipon nito upang kung sakaling makapag-aral nga siya ay makakabili na ito ng kagamitan niya sa pag-aaral. Binilang niya iyon at napagtanto niyang umabot na sa walong libo ang kanyang ipon. Matagal niyang inipon iyon mula sa perang binibigay sa kanya ng kanyang ama. Itinatabi niya iyon at hindi ginagastos dahil umaasa siya na makapag-aaral ito at maaari niyang magamit iyon sa oras na swertihin siya. Hindi nga siya nagkamali dahil ngayong araw na ito, tuluyan ng magbabago ang buhay niya. KINABUKASAN... Maagang nagising si leslie upang magluto at maghanda sa kanyang pag-alis. Alas sais pa lang ng umaga ay nakalapag na ang almusal sa mesa, ngunit nagimbala na lamang ito sa pagdadabog ni helen na para ba'ng may kung ano itong hinahanap. "Leslie!" hindi pa man nakakalabas si helen, dinig na nito ang boses niya na tinatawag ang kanyang pangalan. Dahil doon, lumabas na sa kusina si leslie at doon nga niya nasalubong si helen na halos mamula na sa galit. "Iyong pera na nasa drawer, nasaan!" napakurap si leslie habang nakatingin kay helen. Tila ba matagal itong makasagot bago lumabas ang ama nito sa silid. "H-hindi ko po a-alam." "Anong hindi! Naroon lamang iyon kagabi! Hindi naman mawawala iyon kung hindi mo kinuha!" napaigtad si leslies sa sigaw ng kanyang ina sa mukha nito. Napaatras siya habang umiiling ng ilang beses. "W-wala po akong k-kinukuhamg pera inang, wala po t-talaga..." "Kung ganon sino ang kukuha ng pera! Gagamitin ko iyon ngayong umaga para bayaran ang mga order ko'ng gulay! Ilabas mo na!" "H-hindi ko po talaga alam, i-inang. W-wala po akong k-kinukuha sa inyo." Lumabas si kassandra sa silid nito habang naiiling. "Nakita ko po kagabi si leslie, may binibilang siyang pera sa silid niya. Baka iyon ang pera niyo, ma." Nabaling lahat ang kanilang paningin kay kassandra dahil sa sinabi niyang iyon. "Totoo ba ang sinasabi mo?" tumango si kassandra sa tanong ng ama dahilan upang mabaling muli kay leslie ang atensyon. "Bakit mo naman kinuha iyon, anak?" mahinahon lamang ang boses ng kanyang ama habang umiiling naman na si leslie dahil hindi nga iyon totoo. "Ipon ko po ang perang iyon, amang. Iyong mga perang binibigay niyo sakin ay tinatabi ko, wala po talaga akong perang kinukuha." "Sinungaling ka!" binulyawan siya agad ni helen na ubod ng init nang ulo. Kulang na lang ay sabunutan niya si leslie ngunit naroon si rigor kaya't hindi niya iyon magawa. "Kunin mo ang perang sinasabi mo, kassandra! Nasa walong libo ang pera ko!" dahil sa utos ni helen, mabilis na kumilos si kassandra upang kunin ang perang nasa silid ni leslie. Totoong nakita ni kassandra na binibilang iyon ni leslie kagabi. Dahil likas na naiinggit siya sa dalaga, gumawa ito ng paraan upang mawala kay leslie ang ipon niya. "Narito po ang mga pera." inabot ni kassandra ang perang nasa maliit na kahon kung nasaan nga ang walong libong ipon niya. Dahil doon, halos manlambot siya na tila ba walang kakahayang lumaban sa dalawang mag-ina. "Ninakaw mo ang pera ko para may gamitin ka sa pag-alis mo! Walang hiya kang bata ka!" Tuluyan na naiyak si leslie bago tumingin sa kanyang ama. "W-wala po akonh kinukuhang p-pera, amang. S-sa akin po iyon, ipon ko po ang mga p-perang iyon para sa pag-aaral k-ko..." "Huwag ka ng magdrama pa, leslie! Huling huli ka na, pinag-kakaila mo pa!" Tuluyan ng napayuko si leslie bago tuluyang tumalikod si helen. Habang si kassandra, malaki ang ngisi nito bago sumunod sa kanyang ina. "Kung kailangan mo ng pera anak, magsabi ka lang. Bibigyan naman kita, huwag lang ganon." masama ang loob ni leslie dahil sa narinig nito sa kanyang ama. Sa mga salitang iyon, tila ba pinapahatid ng ama na hindi siya nito pinaniniwalaang ipon niya iyon. Dahil doon, hindi na lamang siya nag-bigay imik at sinarili ang hinanakit ng umagang iyon. ********* to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD