Leslie Pov. Nagtungo pa rin ako ng prisinto upang i-report ang nangyari kay amang. Ngunit hindi rin naman agad ako inasikaso dahil halos abala ang mga officer doon. Naghintay ako sa isang bakanteng upuan dahil may ilang lalake silang nahuli at isang babae na nagrereklamo ukol sa kanyang kotse. Tahimik lang ako na nakikinig ngunit ang isip ko ay nasa bahay. Iniisip ko kung kumusta na ba si amang. Ginagamot na ba siya ni inang ngayon? Sa kalagitnaan ng ingay sa kabuuan ng prisinto. Sumasabay rin ang isang malaking tv sa gilid kung saan kitang-kita mo doon ang balita na maraming nagka-rambolang kotse. Napamaang ako ng makita ang pamilihan dito sa san nicolas. Maraming sugatan at inaasikaso na sila ng mga medical rescuer. Hindi rin ako halos makapaniwala kung bakit nangyari iyon at anong

