Leslie Alegria Pov. Buong maghapon ay wala ako sa sarili. Marami akong iniisip kabilang na doon si amang, medyo sumasakit na ang ulo ko dahil hindi ko alam kung anong uunahin ko. Nakapag-pasa na ang lahat ng mga classmate ko. Hindi ko pa nakumpleto ang mga nahuhuling requirements ko sa katapusan ng midterms. Ang sabi ko ay ihahabol ko na lamang iyon bukas, hindi ko kasi kayang gawin ang plates ko kagabi. Kung pipilitin kong tapusin iyon, baka pangit lamang ang kalalabasan. "Ayos ka lang ba?" nagyaya si diego sa cafeteria bago kami lumabas. Pansin niya kasing namumutla ako dahil nakakaramdam ako ng hilo, alas singko na ng hapon. Palabas na lahat ng studyante dahil uwian na. "O-oo," iyon lamang ang isinagot ko. Naupo ako sa bakanteng upuan habang hawak-hawak ang aking noo. Nagpa-alam din

