CECIL “What is it, Jonas?” Agad na tinawagan ko si Jonas nang makita ang sunod-sunod na missed calls niya sa akin. Nasa meeting ako kanina kaya hindi ko dinala ang phone ko. “Let’s go home early today, Cecil,” sambit niya. Kumunot ang noo ko at inisip kung bakit gusto niyang umuwi kami ng maaga. “Why? Anong gagawin natin sa staff house?” tanong ko. “Gusto mo bang may gawin tayo?” tanong niya. Kahit na kausap ko lang siya sa phone ay parang nakikita ko sa isip ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya kaya napangiwi ako. “Jonas Mijares, may schedule na tayo para gawin yan ‘di ba? Pumayag na nga ako sa four times a week tapos gusto mo pang mag-cheat?!” Mahina pero mariing sita ko sa kanya. Humalakhak siya kaya naiiling na binalingan ko ang monitor dahil may na-received akong email. “

