CECIL Inis na inis ako. Sa totoo lang ay hindi naman ako kay Jonas naiinis. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung paano akong papasok sa lunes at haharapin ang mga kaklase ko na nakakita at nakarinig sa mga sinabi ni Pearl kanina. Kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko talaga alam kung bakit nagawa ni Pearl sa akin ang ginawa niya kanina. We are civil in school. Marami na akong nakaaway sa school pero kahit kailan ay hindi siya nasali sa mga nakaaway ko! “Then why the hell did she do that? Ano bang kasalanan ko sa kanya para ipahiya niya ako?” Dahil kahit anong isip ang gawin ko ay hindi sapat ang pagmumura ko sa hapagkainan para ipahiya niya ako! Ilang sandali pa akong nag-isip bago ko napagtanto na baka dahil kay Orla kaya niya ako pinahiya. Sa gigil ko ay kinuha ko ang phone

