CECIL Habang hila-hila ni Jonas ang kamay ko papunta sa elevator ay kabadong-kabado ako at hindi makapag isip! Hindi ako makapaniwala na kahit siya ay mapapapunta ni Orla para magpanggap na boyfriend niya! Saktong nasa harapan na kami ng elevator ay bumukas ang pinto kaya nakasakay agad kami ni Jonas! Agad na hinila ko ang braso ko mula sa kanya at saka umatras para dumistansya sa kanya! Nakita kong nilingon niya ako pero umingos ako para hindi magtama ang paningin namin! “What the hell were you thinking huh, Cecil?” Narinig kong tanong niya na para bang nanenermon lang ng bata! Hindi na ako nakatiis at agad na nilingon siya at kinunutan ng noo. “How about you? What were you thinking?!” Balik tanong ko. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. “I didn’t know that it’s Kross!” Ma

