CECIL I was too shocked to even react to what my parents have said. Ni hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala at hindi makapagsalita. Kung hindi pa bumulong si Jonas sa akin na uuwi lang siya para magbihis at maligo ay hindi pa ako makakagalaw. He knows how to read the room. Alam niya na hindi siya pwedeng magtagal dito ngayon dahil sa biglaang pagdating ni Kross. Alam niya na may mga bagay na tanging ang magpapa pamilya lang ang makakaintindi. “Babalik ako mamaya. Try to contain your emotions. Don't ask your parents anything for now. Just give this moment to them.” Tuloy-tuloy na paalala sa akin ni Jonas bago niya ako tuluyang iniwan dito sa bahay. Habang palayo si Jonas sa akin ay parang gusto ko pa siyang habulin at sumama na lang sa kanya palayo dito. Hindi ako makahinga

