CECIL Kanina pa ako napapatingin kay Orla dahil dalawang beses na siyang nag “pass” kaya dalawang beses na rin siyang nakainom ng tag limang shot ng alak! “Guys, tama na. ‘Wag na nating isali si Orla. Lasing na siya,” sambit ko at saka sinabihan si Kross na alalayan si Orla para ihatid na sa kwarto namin. Hindi rin nagtagal ay tinapos na namin ang inuman at bumalik na rin kami ni Jonas sa kwarto. “Let us not bother them,” sambit ni Jonas sa akin nang nasa labas na kami ng hotel room naming apat nina Kross at Orla. “Jonas, ano ka ba? Baka magising si Orla tapos isipin niya pinabayaan ko siyang matulog sa isang kwarto kasama si Kross,” agad na reklamo ko pero mapilit si Jonas! Hindi niya ako hinayaan na pumasok sa kwarto namin at nag-book ng panibagong kwarto para sa aming dalawa! “Jona

