CECIL Kanina pa ako gising pero nagtataka ako kung bakit wala pang message si Jonas sa akin. Ilang beses na rin akong napatingin sa oras dahil usually ay gising na siya ng ganitong oras kahit na late siyang nagigising kapag walang pasok. “It’s already eight in the morning, Jonas! Don’t tell me tulog ka pa?” Naiiling na binaba ko ang phone at saka lumabas ng kwarto. Pababa pa lang ako sa hagdan ay papasok naman si Kross dito sa bahay. Sa itsura niya ay mukhang galing siya sa pag jogging dahil halos basa pa ng pawis ang buhok. Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. Ibang-iba talaga ang itsura niya dahil sa bagong gupit niya. “Kross!” Bumagal ang paglalakad niya nang tawagin ko. “Nag-jogging ka?” usisa ko. Tumango siya at saka hinawi ang buhok. “Nilabas ko rin yung aso ni Sir Levin,”

