CECIL Nag-swimming kaming apat hanggang sa golden hour ng hotel kung saan kitang-kita sa mismong infinity pool ang paglubog ng araw! Noong dumating kami dito ay hindi namin naabutan ang sunset lalo na at maulan ang panahon. Ngayon ay bukod sa maganda ang panahon ay kuhang-kuha ang sunset sa pwesto namin! Maganda rin ang naging effect ng papalubog na araw sa picture kaya marami kaming kuha na nasa pool habang papalubog ang araw. “Umakyat na tayo. Kanina ka pa ginaw na ginaw…” Busy ako sa pagtingin sa mga pictures namin nang narinig kong nagsalita si Kross. Nag angat ako ng tingin sa gawi nila at nakita kong magkatabi sila ni Orla. Siya pa ang naglagay ng towel sa katawan ni Orla kaya tumaas ang kilay ko. “How about them?” Narinig kong tanong ni Orla kay Kross. Tumingin si Kross kay Jon

