CECIL Pagkatapos ng proposal ni Jonas ay bumalik na kami sa hotel room pero ayaw ni Orla na maiwan sila ni Kross sa unang kwarto na binook ni Jonas para sa aming apat kaya sumama kami sa kanila. Nagmamaktol tuloy si Jonas kaya kanina pa ako tingin nang tingin sa kanya dahil hindi ako pinapansin! Nakahiga lang siya sa kabilang kama sa tabi ni Kross, ako naman ay katabi ko si Orla dito sa kabilang kama. “Jonas…” muling tawag ko pero sa halip na pansinin ako ay tinakip niya ang unan sa mukha niya para hindi ko siya makita! Natatawang binalingan ko si Orla at pasimpleng tinanong. “Ano bang status ninyo ni Kross?” Mahinang bulong ko. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. “Relationship status?” Mahinang tanong niya. Tumango ako. Saglit na nag angat ng tingin si Orla sa kabilang kama at

