CECIL Simula noong nalaman ng mga kaklase namin na may gusto sa akin si Jonas ay walang araw ang lumilipas na hindi nila kami kinakantyawan. Mas lalo lang akong naiilang dahil feeling ko ay mas nagiging malinaw ang feelings ko para kay Jonas. Ibig sabihin ay hindi nag-wowork ang relasyon namin ni Marion dahil ibang lalaki naman ang palaging laman ng isip ko. So, I decided to end everything between us. Ayaw kong patagalin pa ang relasyon namin kung alam kong wala ring patutunguhan dahil distracted ako sa iba. Pero kanina ko pa tinatawagan si Marion ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Buong maghapon yata akong sumusubok na tawagan siya at i-text pero kahit ang mga text message ko ay hindi niya sinasagot kaya ako na ang kusang pumunta sa block nila para personal siyang makausap. Medy

