JONAS Inabot na kami ng alas syete ng gabi bago natapos sa huling meeting para sa contest. Tinatawagan ko si Cecil para sabihin na pauwi na ako pero hindi siya sumasagot sa tawag ko. I texted her earlier to eat her dinner without me but she didn’t reply. Iniisip ko kung anong ginagawa niya. Did she fall asleep while reading my notes? Napangiti ako nang naisip na baka nakatulog si Cecil habang nag-aaral sa kwarto ko. I am already imagining her sleeping in my bed. Bigla tuloy akong na-excite na umuwi kung gano’n ang madadatnan ko sa kwarto ko. “Mijares! Sandali lang…” Palabas na ako sa admin building nang tawagin ako ni Kross. Naglakad siya palapit sa akin kaya kunot noong tiningnan ko siya. “Why?” tanong ko. Hindi ko alam kung nag-aalangan siya na sabihin ang kailangan niya o talagang

