CECIL Nagising ako sa isang hospital room kaya saglit na nagpalinga linga pa ako sa paligid bago tuluyang bumangon. Napasapo ako sa noo habang inaalala ang mga nangyari kanina. Natatandaan ko na hindi ako makahinga kanina habang ka-chat ko si Cambria. Hindi naman na ako inaatake ng hika. Sobrang tagal na yung huling inatake ako ng hika. That was five years ago when Jonas and I broke up. Hindi ko mapigilan na umiyak nang umiyak noon hanggang sa nahirapan akong huminga at inatake ng hika. And it happened again after hearing the news that he is coming back. Ang alam ko ay hindi na talaga siya babalik dito. At kilala ko si Jonas. Hindi niya haharapin ang isang sitwasyon kung hindi niya pa kaya. Ngayon na babalik na siya ay hindi ko tuloy mapigilan na mag isip. Babalik na ba siya kasi naka

