CECIL Alas kwatro na yata ng hapon nang nakaalis kaming lahat sa airport sa Romblon kaya agad na kaming dumiretso sa hotel. Medyo hindi maganda ang panahon kaya nang sumakay kami ng van papunta sa hotel ay umaambon. Balak ko pa sanang magyaya kay Jonas sa pinakamalapit na beach sa hotel na tutuluyan namin pero dahil hindi maganda ang panahon ay bukas na lang! “Anong nangyari kay Orla?” Mahinang usisa ko kay Kross nang nasa van na kami. Tahimik si Orla at mukhang hindi maganda ang pakiramdam dahil nakasalo sa noo. “Nahihilo siya,” sagot niya. Kumunot ang noo ko at hindi na sila inabala ulit. Napatingin ako kay Jonas nang hawakan niya ang kamay ko at saka hinalikan ng marahan. Nakatingin siya sa labas ng bintana kaya nakatitig naman ako sa side profile niya. “Gwapo ba?” tanong niya na na

