Umuwi muna ako sa bahay namin nagpa-book ako ng grab taxi para mabilis na maka-balik sa bahay. Naabutan ko siya nakahiga sa kama at natutulog lumapit ako sa cabinet namin para kumuha ng mga damit na dadalhin ko. Hinanda ko muna ang susuotin kong damit kasama na ang pang-alis kakausapin ko bukas ang manager ko kung pwede ba i-cancel ang ibang lakad namin para makasama ko ang pamilya ko. Nang makapag-impake na ako at nilagay sa gym bag na dadalhin ko nag-palit na ako ng damit bago ko siya tinabihan sa kabilang side. Gumalaw siya sa tabi ko at yumakap nang dumilat ang mga mata niya ngumiti na lang ako bago ko hinalikan ang noo niya. Pumikit na rin ako at nang magising ako bumungad sa akin ang seryosong mukha niya.. "Morning, hon..." ungot ko sa kanya at inangat ang kamay ko. "Ang galing m

