Keehana “Natawagan na namin si Kuya. Unfortunately, hindi pa siya makadiretso ngayon dito dahil may—” Tumigil ito sandali at nag-isip ng sasabihin. “I guess, sobrang busy talaga sa ginagawa? I don’t know. Sorry.” Nahahapo akong ngumiti kay Ate Thy at napayuko dala ng takot. Hindi ko kasi alam ang gagawin kanina. Bigla na lamang akong natumba at nawalan ng malay habang naglilinis ng higaan ng mga kapatid ko. “O-Okay lang po, Ate. Salamat po sa pagpunta rito.” Gusto ko na lamang umuwi. Nininerbyos ako lalo na at wala rito si Al sa tabi ko. Napatungo ako lalo nang marahang kuhanin ni Ate ang aking nanlalamig na kamay at pinisil iyon. Kanina ko pa halata ang pagkabahala sa mukha nilang mag-asawa ngunit hindi ko naman alam kung para saan. May sakit ba ako? “Keehana, I have a question,”

