Keehana Nag-iwas na lamang ako ng tingin at bumaling kay Ate na nakapamaywang at blangko ang mukha habang nakatingin sa asawa na nang-aasar. Nang mapatingin ito sa akin ay tumuwid ito ng tayo at ngumiti. “Good morning po. . .” “Good morning, too, Keehana. I will be very busy today kaya hindi kita matuturuan. You can work here muna at tuturuan ka naman ni Angela sa mga gagawin mo. Biglaan kasi at rush ang ipapagawang mga bestida ng pinsan ko kaya kailangan naming tapusin agad.” Huminga ito nang malalim at iniharap ako sa mga tauhan nito. “Alright. Kayo na ang bahala sa kaniya. I’ll go upstairs na para makapagsimula na kami ng mga mananahi ko.” Iniwan kami nito kaya napahinga ako nang malalim. Agad naman akong nilapitan ng mga kasama ko at tinuruan ng mga dapat na gawin. Nang magkaroo

