Kabanata 15

1876 Words
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Muli ko itong nilingon at nahintakutan. Malaki nga ang posibilidad na mangyari iyon lalo na at involve sila sa mundo ng droga. Maaari nila akong balikan at patayin, at iyon ang ikinatatakot ko. A-Ayoko pang mamatay. Pinigil ko ang mga luha at napanguso na lamang. “Mananatili kami rito?” paniniguro ko na ikinalawak ng ngisi nito. Nagkibit-balikat ito sa akin at marahang hinimas ang panga niya na bahagya nang tinubuan ng balbas. “Your choice, sweetheart. Ayokong mamilit ng magandang dilag sa bahay ko.” Naglaro ang kakaibang ngiti sa labi nito kaya napanguso ako lalo. Papaano pa ba ako makatatanggi kung nagbabala na siya na nagbigay ng takot sa akin? Napailing-iling ako sa sarili at yumuko. “Pero wala naman akong maayos na trabaho, Al. Magiging pabigat lamang kami rito at dagdag pa sa sakit ng ulo mo. Nakakahiya naman,” kagat-labi kong saad, dahilan para lingunin ako nito na seryoso na ang mukha. “Kapag nasa puder kita, ayokong nag-iisip ka ng mga ganiyang bagay. Money is not a problem here, sweetheart. Kahit ano pa ang gusto ninyo, just tell me. Matutuwa pa akong gastusan kayo—kayo lang.” Bahagyang tumigas ang boses nito na nagbigay pagkabahala sa akin. Nang hindi ko makayanan ang bigat at intensidad ng mga tingin nito ay nagkusa na akong yumuko. Hindi ko maiwasang hindi pansinin ang mukha niya na lalaking-lalaki tingnan. Malalaki ang mga pisikal na katangian nito kumpara sa akin kaya nakadadagdag iyon sa takot ko sa kaniya, lalo na kapag ganitong nandidilim ang mukha niya at ayaw akong tantanan ng tingin. Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko? Wala namang espesyal rito. “S-Sige na nga. Maraming salamat,” ilang kong turan na nagpatawa nang pagak dito. “Ayoko nang tumanggap ng salamat mula sa iyo. Gusto ko labi mo ang kapalit,” pilyong anito na halos ika-igtad ko. Maang ko itong tiningnan at mabilis na umatras. Umalingawngaw sa pandinig ko ang mahinang halakhak nito na tila ba tuwang-tuwa sa naging reaksiyon ko. “Ayoko nga!” Ano ba ang mayroon at gustong-gusto niya ang mga labi ko? Naka-ilang halik na kaya siya! Hindi lang simpleng halik, kundi marahas at mapanghanap! Naguguluhan tuloy ako kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Tuwang pinagmasdan ako nito at inayos ang laylayan ng bestida ko na bahagyang umangat sa paggalaw ko. Tila ba pinipigilan ang sarili na mapatingin sa mga hita ko. “Bakit ayaw mong magpahalik sa akin? Nahihiya ka, hmm?” Lalo lamang akong naasiwa rito. “Siyempre, lalaki ka tapos hahalikan mo ako. Hindi naman kita kasintahan,” pagdadahilan ko na ikinangisi lang nito lalo. Dinakma nito ang kanang pulso ko upang pigilin ako sa pag-atras sa kinauupuan at ipinagpahinga ang malaking kamay sa kandungan ko. Nag-init ang mukha ko at tila ba nakaramdam ng kakaibang takot sa dibdib. “Huwag mo akong inaatrasan, babae. Kanina pa ako nanggigigil sa iyo. Kung maaari nga lang, basagin mo na lahat ng relo ko para matikman ko ulit ang mga labi m—” Namilog ang mga mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig nito sa kahihiyan. Ngumisi ito nang maamoy ang palad ko at ipinulupot ang mga braso sa baywang ko. “You do not know how much I love this position, Keehana...” “Bastos!” inis kong sigaw at tumakbo papunta sa higaan. Agad itong sumunod sa akin na pangisi-ngisi. “Hindi pa ako tapos makipag-usap sa iyo. Come here,” seryoso nang anito at humiga sa kama. Pinanatili ko ang distansiya namin at pinagmasdan ang lalaki na prenteng nakahiga sa kama niyang kulay pink. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong natawa sa lagay nito. Ngumiti ito sa akin at tinitigan ako nang namamangha. “Ano ang tinatawa-tawa mo riyan?” Nagtakip ako ng bibig nang maupo sa tabi nito at niyakap ang unan. “Wala. Bakit kasi kulay pink ang higaan mo? Nahihiwagaan tuloy ako kung—” “Say it, Keehana. Hindi ka makalalabas ng kuwartong ito na hindi pipilay-pilay.” Nangislap ang mga mata nito at lumabas ang kakaibang ngiti sa mga labi. Umismid tuloy ako at kinunotan ito ng noo. “Bakit naman? Bubugbugin mo ang mga hita ko?” Hinimas nito ang panga at tumiim lalo ang tingin sa akin. “Ano sa tingin mo ang mapapala ko kung bubugbugin ko ang mga hita mo?” “Wala, wala naman,” agad kong tugon habang nagtataka sa mga pinagsasasabi nito. Hindi na ito umimik at bumangon na lamang. Sinundan ko ito ng tingin nang abutin nito ang laptop at binuksan iyon. “Sino pala ang nagsabi sa iyo na nabasag ko ang—ang relo mo, Al?” tanong ko at tinangkang silipin ang ginagawa nito sa laptop. Ni hindi ko pa nagagalaw ang ibinigay niya sa aking laptop. Hindi pa ako masiyadong marunong at ayokong mangialam, baka kung ano-ano pa ang mapindot ko. “’Yong kapatid mong si Tania. Natakot daw siya sa akin kaya nagsumbong agad.” Lokong Tania iyon, isinumbong agad ako. “Puwedeng sumilip?” tanong ko na lamang na ikinatigil nito. Hinarap ako nito nang pilyo. “Sisilipan mo ako? Sure, hawakan mo na rin.” “Huh? Hindi ikaw—I mean, patingin na lang ako ng ginagawa mo,” pagtatama ko sa sinabi na agad nitong tinanguan. Naupo ako sa tabi nito at pinagmasdan ang ginagawa nito roon. Natigilan pa ako nang makitang nasa screen nito ang mukha ng tatlong lalaki. Agad na lumabas ang isang singhap sa bibig ko at nilingon ito. “H-Hala!” Hinaplos nito ang ulo ko bago balingan ang laptop. “Sila iyan, hindi ba?” panghihingi nito ng kumpirmasiyon sa akin na ikinatulala ko. Naramdaman ko na lamang na bahagyang humapdi ang ibabang labi ko dahil sa pagdiin ng kagat ko roon. Luhaan akong tumango at mabilis na umiwas ng tingin. “Sinuyod ko ang lahat ng CCTV sa school ninyo para mahanap ’yong video na dinala ka nila sa restroom. Dokumentado ito lahat pati oras ng paglabas nila roon sa banyo. They forced you, right? Tanda ko ang hitsura ng restroom ng boys sa inyo. Doon ka nila tinarantado,” aniya na seryoso sa mga sinasabi. Wala pa akong nababanggit sa kaniya tungkol doon ngunit alam na niya ang ilang impormasiyon. Tumango na lamang ako nang manlabo ang mga mata dahil sa sakit at galit. “I need your cooperation here, Keehana. Don’t worry, hindi ka nila magagalaw kapag nasa tabi mo ako, hmm? Huwag kang matakot,” anang lalaki at hinigit ako upang yakapin. Nagpaubaya ako rito at sunod-sunod na tumango. “Maraming salamat, Al...” “No worries. Basta sa akin ka lang magtitiwala, okay?” anito pa na mabilis kong sinagot ng tango. Nakatulog ako ng gabing iyon dahil sa pagod. Nagising na lamang ako kinabukasan na wala na si Al sa buong kabahayan. Takang hinaplos ko ang kuwintas na nakapalibot sa leeg ko na mukhang mamahalin. May pangalan ko iyon na halatang ipinasadya pa sa akin. Wait, si Al ang nagkabit nito sa akin? Kagabi? Tila ako nanlamig at natulala sa repleksiyon ko sa salamin. Bakit naman kaya niya ako binigyan ng ganito? Nakapagtataka. Tila ba binubusog niya ako sa yaman niya rito. Hinayaan ko na lamang iyon at inasikaso ang mga kapatid ko kinahapunan. Nais kong i-enroll na sila para sa susunod na pasukan, ngunit hindi ko alam kung papaano ako makatatawag kay Al para magpaalam na aalis kami. Dumeretso na lamang ako sa isang guard na nasumpungan ko sa tabi ng gate. Agad kong napukaw ang atensiyon nito na ikinangiti ko nang tipid. “Uhm, saan ho nagtungo si Al, Kuya?” “Sa police station, Miss. May kailangan po ba kayo?” Natigilan agad ako. “P-Police station ho?” natitigilang tanong ko. Tumango ito at ambang magsasalita nang may sumingit na boses mula sa likod ko. “Inaasikaso ni Señorito ang kaso laban sa mga nang-abuso sa iyo kaya siya nasa police station, hija. May kailangan ka ba sa kaniya?” Gulat kong nilingon ang matandang katulong na nakausap ko kahapon. Nawala agad ang agam-agam ko sa sinabi nito, akala ko ay roon nagtatrabaho sa police station ang lalaki. Nahihiyang ngumiti ako rito at saka tumango. “Magpapaalam lang ho sana ako sa kaniya. Ie-enroll ko po kasi ang mga kapatid ko sa school nila.” Hindi nagbago ang ekspresiyon nito at tumango lamang. “Sige, tatawagan ko ang Señorito,” anito bago dukutin ang phone. Pasensyosa akong naghintay rito. Mayamaya ay ibinigay nito sa akin ang phone na ipinagpasalamat ko. “Keehana,” bungad nito sa akin. “A-Ah, hello. Magpapaalam lang ako, Al. Magpapa-enroll lang sa school ang mga bata,” sambit ko at napakagat pa ng ibabang labi habang hinihintay ang tugon nito. Nadinig ko pa sa kabilang linya ang pagbuntong hininga nito. “Alright, sweetheart. Wait me there, sasamahan ko kayo just to make sure you are all safe, hmm?” Namilog ang mga mata ko sa narinig, ngunit tumango na lamang bago ibalik sa ginang ang phone nito. Wala itong naging imik nang pumasok sa loob. Napahinga na lamang ako nang malalim at pinagbihis ang mga bata para makalabas naman. Ayoko na rin namang magmukmok dito sa loob at medyo magaan na rin ang pakiramdam ko. Masiyado ata akong naaliw sa lugar na ito. “Sasama sa atin si Kuya Al, Mama?” tanong ni Lanie habang tinatalian ko ang buhok nito. Tumango lamang ako na ikinatuwa nito. Pansin ko ang paglingon sa akin ni Owen sa tabi na inaayos ang buhok. “Bakit kasama pa siya, Ate?” maktol nito na ikinatigil ko. Agad ko itong sinita sa pamamagitan ng tingin na ikinatahimik nito, ngunit ang mukha ay mababakasan pa rin ng pagkadisgusto. Hindi na lamang ako umimik hanggang sa dumating ang lalaki. Tapos na kaming lahat kaya na-excite akong lumabas matapos ang ilang araw at linggong pagkukulong umpisa pa lamang doon sa bahay namin. Humalik ito sa pisngi ko—na hindi ko inaasahan. Ngunit ang lalaki ay tila wala lang sa kaniya ang ginawa niya. “Let’s go?” Hindi ko naiwasang hindi punain ang pagbuhat nito kay Lanie na aliw na aliw sa kaniya. Sa van niya kami sumakay, siya na rin ang nagmaneho kaya itinuro ko ang school ng mga bata. Pasimple ko pang kinagat ang ibabang labi at sinulyapan ang lalaki na seryoso lamang sa pagmamaneho. “Uhm, ano...” Bahagya akong natigilan nang lingunin ako nito. Hilaw tuloy akong natawa at inayos ang pagkakaupo. “May trabaho ka ba ngayon? Baka nakaka-istorbo kami sa iyo,” nahihiya kong turan. Inilingan ako nito at ngumiti nang tipid. “Tinututukan ko lang ang kaso ng tatlong iyon. Inaasikaso ko ang mga kailangang asikasuhin. Aside from that, gusto ko ring magpahinga muna mula sa trabaho kaya sinamahan ko na kayo sa pupuntahan ninyo. Hindi ako mapapakali kapag lumabas kayo nang kayo-kayo lang.” Tumango-tango ako rito at nagpasalamat. “Para saan pala ito, Al?” tanong ko pa habang hinahaplos ang pangalan kong nakaukit sa kuwintas. Kita ko kung papaano matigilan ang lalaki. Tumigas ang panga nito at hindi ako tinapunan ng tingin. “Nandito na pala tayo,” pag-iiwas nito at agad na inihinto ang sasakyan sa tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD