Napasimangot ako sa naging sagot ni Flavio sa akin. Wala ba siyang tiwala sa kakayahan ko bilang ina? Anak ko si Ruru at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para alagaan ito. "Ruru's getting bigger. Kailangan mo ng makakatulong sa pag-aalaga sa kanya. Especially right now na ako na ang maghahandle ng business. Whaf if mom and I are out of the country? Love, try to understand." Dagdag na paliwanag nito sa akin. Tama naman ito kung tutuosin nasa kakulitan stage na rin si Ruru at nag-aaral na rin ito maglakad. Actually, two months from now ay magbibirthday na ito - one year old na ang baby namin. Minsan nga napapagod din talaga ako sa pagbabantay rito pero dahil alam ko sa sarili ko na trabaho ko iyon bilang isang ina ay wala akong reklamo. Sino ba ang magrereklamo kung mukhang anghel ang

