Katahimikan. Yun ang eksaktong salita na namayani sa aming dalawa ni Senyora ng iwanan kami ni Belen dito sa sala. Hindi ko kasi alam kong paano ito kakausapin matapos niya akong paalisin sa mansion. Wala naman akong sama ng loob para rito. Awkward lang kasi talaga ang sitwasyon. "Joy, I'm sorry.." Ginagap nito ang aking kamay. "Alam kong nagkamali ako sayo, hija. So please forgive me." "Wala po kayong dapat ihingi ng patawad, Senyora. May usapan po tayo. Pumayag ako. Hindi niyo ako pinilit na gawin ang mga bagay na iyon.." "Pero hindi mo tinanggap ang kabayaran mo? Kaya tuloy inuusig ako ng konsensya ko dahil binalik mo ang napag-usapan nating kabayaran. Bakit Joy?" May himig ng pag-uusig ang boses nito. Napayuko ako. Paano ko sasabihin rito na minahal ko ang anak nito sa loob n

