Chapter 17

1214 Words

Sinilip kung maige ang mukha ng kausap ni Darwin. Mukhang nagtatalo ang dalawa at may malalim  na pinag-uusapan. Kanina ko pa hinahanap ang mokong na ito sa loob ng clinic pero bigla nalang nawala yun pala ay may babaeng kinakalantari. "Umalis ka na! Bumalik ka na doon sa inyo!" Halos sumigaw si Darwin habang nagsasalita. Kita na ang litid sa leeg nito sa sobrang pagkainis sa kausap. "Darwin naman..ikaw na nga ang pinili ko umaarte ka pa diyan." Banas na rin ang boses ng babae. Taray ni Darwin hinahabol na ngayon ng chicks. Dati iniisnab ng girls ngayon siya na ang nang-iisnab. "Umalis ka na, Cha..hindi tayo bagay..walang patutunguhan ang relasyon nato." Napataas ang kilay ko sa narinig. May relasyon sila? "Hindi naman talaga tayo bagay kasi tao tayo!" Naiiyak na yung kausap ni Darwin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD