Home Alone - 2nd day "Romualdez Residence, how may I help you?" Nakangiti ako habang nagsasalita. Ganun daw yun para kahit di ka nakikita ng kausap mo nararamdaman niya pa rin. "Come inside my room now!" Napangiwi ako ng bagsakan niya ako ng telepono. Galit pa rin ito dahil kagabi? Papunta na ako sa servant's quarter ng tawagin na naman ako nito. Kaming dalawa lang dito sa mansion pero parang feeling ko ay sampung katao ang pinagsisilbihan ko. "Yes, Sir?" "Ihanda mo ang kotse ko at aalis tayo." "Anong ihahanda Sir? Hindi ako marunong mag-drive?" Nagpapadyak na sabi ko rito. "Really?! Wait.. Change your clothes and follow me. Aalis tayo." Sabi nito ulit. Alas dyes na ng gabi, saan pa kaya pupunta? Tumingin ako sa suot ko. Naka-pajama na ako kasi handang-handa na akong matulog

