HINDI ko maiangat ang tingin ko habang tahimik na kumakain sa Youan’s kasama ang pamilya ko at ang pamilya ni Tatay Ben. Aliyah called Papa awhile back and told them that I am here, without wasting so much time, my parents, and of course Youan, decided to go here. “Ben, sa tingin ko ay kailangan mong magpaliwanag?” paninumula ni Papa na matamang nakatingin kay Tatay Ben ngayon. “Sir, pasensiya na po. Nagbabayad lang po ako ng utang na loob kay Alison,” bumuntong hininga si Tatay Ben at ngumiti sa akin, “Naalala niyo ho ba sir noong pinagalitan niyo siya sa pagaaksaya ng pera? Sa amin ho niya ibinigay iyon para sa operasyon ng asawa ko.” Nakita ko kung paano nagulat si Papa sa narinig at agad siyang nag-iwas ng tingin. “Maraming salamat sa pagtulong niyo sa anak namin.” Mahinang saad n

