–Nicoleen's Play– WALA AKONG ideya kung gaano na 'ko katagal na nakatitig sa kawalan. My mind is all jacked up and it's not functioning well right now! Sa lahat ng araw na papalpak ang delivery ng refreshments, bakit ngayon pa sa mismong araw ng event? Gusto kong sumigaw at umiyak para ilabas lahat ng galit at inis ko sa mundo pero sinalubong ako ng yakap ni Justin. Akala ko mapapakalma ako ng yakap na 'yon tulad ng dati pero – hindi. Lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko kaya marahan ko siyang tinulak palayo. It's not like I dislike him hugging me, it's just that we're in public. Nararamdaman ko na ang mga mata ng staff sa paligid kaya ko ginawa 'yon. "Are you alright now?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. His eyes are full of concern and worries. Pinilit kong ngumiti at tumango para

