Chapter 17

2592 Words
"Salamat." Kinuha ni Celine ang papel na binigay ng waiter. "Si lab lab talaga, may ganito pa," sabi nito sa kanyang sarili. Kinikilig pa ito dahil sa ice cream sa kanyang harapan. Abot tenga rin ang ngiti nito. Pagtingin nito sa papel ay laking gulat ng dalaga sa nakitang sulat kamay sa papel. Ang kaninang kilig na kilig na pakiramdam ay naglaho. "I really miss your smile," ito ang nakasulat sa papel. Nanglaki rin ang mga mata ni Celine ng nabasa ang nakasulat. Agad itong lumingalinga at pilit tinitignan ang bawat taong na sa pagilid. Napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan. "Wait, a....anong itsura n'ya?" nagmamadaling tanong ni Celine sa waiter. Paalis na dapat ang waiter para asikasuhin ang iba pang costumer ng bigla itong hinawakan ni Celine sa braso. "Po?" tanong ng waiter. "Anong itsura noong nagbigay nito." Itinaas pa nito ang papel na kanyang hawak. Seryoso at may halong pagkataranda ang pagkakasabi ni Celine sa waiter. Kaya naman nakaramdam ng nerbyos ang waiter sa pagsagot sa tanong ng dalaga, kaya hindi ito kaagad nakapagsalita. Kumakabog ang dibdib ni Celine, hindi nito akalaing dadating ng ganito kaaga ang pinakakinatatakutan n'yang araw. Hindi nito namalayang nakahawak pa rin ito sa braso ng waiter. "Ano po, ano, ma," hindi makapagsalita ng maayos ang waiter. "Ma," "Ano! Magsalita ka!" sabi ni Celine at lumapit pa sa waiter. Sobrang natatakot na ang waiter sa kinikilos ni Celine. Namumutla na rin ito at malalim ang paghinga. "Ma'am ma... masakit na po 'yung braso ko. Ma'am a....aray po." Itinuro nito ang kanyang braso na pinipisil ni Celine. Nagulat si Celine, agad nitong binitawan ang waiter. Wala sa isip ni Celine na masaktan ang waiter, hindi lang talaga nito napansin na pinipisil na nito ang braso ng kausap. "Ay, sorry sorry. Hindi ko sinasadya," paghingi ni Celine ng paumanhin sa waiter. "Ayos lang po ma'am," sagot ng waiter habang hinihimas nito ang kanyang braso. "Ma'am matangkad po s'ya, mga ganito, tapos" Naramdaman ni Celine na may biglang humawak sa kanyang balikat. Lalong kinabahan si Celine, ilang minuto itong 'di nakahinga, ngunit kailangang kontrolin n'ya ang kanyang emusyon. Kaylangan n'yang kumalma kung tama nga ang kanyang kutob kung sino ang taong na sa likuran nito. "Ano pa ba? Ano po," patuloy pa rin ang pagsasabi ng waiter ng itsura ng lalakeng nagbigay kay Celine ng ice cream. 'Di na naintindihan ng dalaga ang sinasambit ng waiter. Pinapakiramdaman na lamang nito kung sino ang humawak sa kanyang balikat. Napahinto sandali ang waiter sa pagsasalita. "Ma'am s'ya po!" Itinuro pa ng waiter ang lalakeng na sa likuran ni Celine. "S'ya po 'yung nagpapaabot nitong ice cream!" Wala pa ring imik si Celine, hindi ito makagalaw at para bang binuhusan ito ng malamig na tubig. "'Di ka pa rin nagbago," sabi ng lalakeng na sa likuran ng dalaga. "Chill Celine, relax," "Waiter!" tawag ng isang costumer. "Sige po ma'am, sir," paalam ng waiter at umalis na ito upang puntahan ang tumatawag na costumer. Hindi lumilingon si Celine. Inalis na ng lalake ang kanyang kamay sa balikat ni Celine at pumunta ito sa harapan ng dalaga. "Celine, relax, tapos na ang lahat. 'Wag kang matakot, 'wag kang magpasindak. Kaya mo 'to. After four years, ito ang unang pagkikita n'yo, ipakita mo sa kanya na parang wala lang ang lahat. Ibang Celine ka na, remember. Celine na mas pinatapang ng panahon and this time, ipakita mo na marami ka ng pinagbago. Tandaan mo, wala ng kayo mula ng iniwan ka ng taong 'to sa altar. Wala na, tapos na ang lahat, tanging si Gael na lang ang naguugnay sa inyong dalawa," sabi ni Celine sa sarili, inilagay nito ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang uniform at sinimulang hawakan ang kanyang panyo. "Hi," bati ng lalake kay Celine. "Hi Lanz," sagot ni Celine. "Can I join you?" tanong ni Lanz. "Sige lang," maiksing sagot ni Celine. "Tama isang tanong, isang sagot. Nothing more, nothing less, relax. Kaya mo 'to para kay Gael. Para ito kay Gael," pagpapakalma ni Celine sa kanyang sarili. Umupo na si Celine gayundin si Lanz. May ilang na nararamdaman si Celine kay Lanz. Kaya naman walang balak imikan ni Celine si Lanz. Ayaw lang ni Celine magmukhang bastos kaya hinarap nito ng maayos si Lanz, kahit na naghuhumiyaw na ang galit nito sa kanyang puso. Alam din nito ang ugali ng dating kasintahan kaya para iwas gulo ay s'ya na lang ang nag-adjust. Kahit sa totoo lang ay 'di nito gustong makita si Lanz, ni anino nito ay ayaw n'yang masulyapan. Lalo na't kakatapos pa lang n'yang iayos ang kanyang sarili dahil sa stress na kanyang naramdaman nitong mga nakaraang araw. Magkahalong galit at inis ang nararamdaman ni Celine sa mga oras na ito. 'Di rin ito makatingin ng maayos kay Lanz ngunit kaylangan n'yang pilitin ang ang kanyang sariling tignan ito. Malalim na din ang kanyang paghinga upang makontrol ang emusyong naghuhumiyaw sa kanyang puso. Sinimulan na rin nitong pigain ang kanyang panyo, upang doon ibuhos ang galit na kanyang nadarama. "Kamusta? Long time no see," preskong tanong ni Lanz. Normal lang ang ikinikilos ni Lanz. Komportable pa ito sa kanyang pagkakaupo sa kanyang kinauupuan, nakasandal at diretchong pinagmamasdan si Celine. Walang halong ilang o hiya ang inaasal ni Lanz. Parang wala itong malaking atraso sa dalaga. "Its been what, two? Three years seens then," mulang imik ni Lanz. May paghawi pa ito ng buhok. Maangas at mayabang ang dating ni Lanz. "Four years," pagtatama ni Celine sa sinabi ni Lanz. Lakas loob na tumingin si Celine kay Lanz. Nakahugot na ito ng lakas ng loob upang harapin si Lanz. Diretcho sa mga mata nito ang tingin ni Celine upang isipin ni Lanz na normal lang para sa kanya ang kanilang pagkikita. Itinatak rin ni Celine sa kanyang isipan na sa kanilang dalawa si Lanz dapat ang magkaroon ng hiya hindi s'ya. Napatingala si Lanz at hinawakan ang kanyang baba. "Yeah right. Four years," nakangiti nitong sabi. Muli itong tumingin sa dalaga. Ipinatong nito ang kanyang dalawang braso at pinagkrustang mga daliri. "Ang tagal na rin pala. Four years. So hows life?" sumunod na tanong ni Lanz. "Okay naman," muling sagot ni Celine. "Oh, I see. So, ano ba." Napansin nitong hindi ginagalaw ni Celine ang cookies and cream na ice cream sa harapan nito. Ni kunin ang kutsa para sandukin ay 'di ginagawa ng dalaga. Kung paano ito inilapag ng waiter ay ganoon pa din ito hanggang ngayon. "Bakit 'di mo ginagalaw 'yang ice cream? Cookies and cream is your favorite flavor right?" pagkumpirma ni Lanz. Hindi umimik sa Celine. Nakatingin lang ito kay Lanz, sumandal na rin ito sa kanyang kinauupuan matapos ay inilihis ang kanyang tinging sa bintanang kalapit ng kanilang lamesa. "Oh wait." Ibinaling muli ng dalaga ang mga mata kay Lanz. "It's not cookies and cream." Napahawak pa ito sa kanyang noo. "Its Vanilla, yeah, how stupid of me. Vanilla is your favorite ice cream flavor. Wait let me change it," sabi nito. Itinaas ni Lanz ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Kaagad na may lumapit na waiter upang tumugon sa pagtawag ni Lanz. "Sir," sabi ng waiter kay Lanz. "Can you give me another ice cream, vanilla flavor," utos nito. "Sure sir, anything else sir?" tanong muli ng waiter. "Nothing," sagot ni Lanz. "Okay sir." Umalis na kaagad ang waiter, upang ikuha ng vanilla ice cream si Lanz. Wala paring imik si Celine, pasimple itong tumingin sa kanyang relo. Maaga pa para bumalik sa opisina ngunit gusto na nitong tumayo at umalis sa kanyang kinauupuan. Ramdam kasi nito ang sobrang pagkahangin ni Lanz. Parang malakas na bagyo kung umasta. "How stupid of me. I thought you love cookies and cream with chocolate syrup. Any way, do you have a job or business that is managing right now?" tanong muli ni Lanz. "Working, sa isang publishing company," sagot ni Celine. "Oh, nice. As a? Supervisor? Head, manager?" May pagkumpas pa ito ng kanyang kamay. Sobrang naiirita na si Celine sa kanyang kausap. Ngunit wala itong maisip na idahilan upang umalis. May takot din itong naramadan kung 'di nito hahayaang matapos si Lanz sa pakikipagusap sa kanya. Ayaw ni Lanz na 'di sinasagot ang kanyang tanong o 'di kaya ay puputulin ang kanilang usapan para umalis. S'ya lang dapat ang puputol ng kanilang usapan at walang karapatan si Celine na sumagot nang 'di naayon sa gustong marinig ni Lanz. Gusto nito na sa kanya lang ang atensyon ng lahat. "Editor," maiksing sagot ni Celine. Nahahalata na ni Lanz ang malamig na pakikitungo ni Celine sa kanya. Sa pagsagot nito sa kanya. Nagsisimula na nitong 'di magustuhan ang ikinikilos ng dating kasintahan. Ngunit isinangtabi nito ang mga napupuna kay Celine at patuloy na nagsalita. "Nice, but you know what if you persue engineering or sa course kong archi noon, mas okay ang." Biglang tumayo si Celine, nagulat si Lanz. "Wait, sit down," utos nito. Kinuha ni Celine ang kanyang bag. "Tapos na ang lunch break ko. Kaylangan ko ng bumalik sa opisina," sabi ni Celine sa kanyang pinakamahinahong boses ng mga oras na 'yon. 'Di pa man lang nakakasagot si Lanz ay tinalikuran na ni Celine si Lanz at humakbang na paalis. Nagulantang si Lanz sa ginawa ni Celine kaya naman tumayo rin ito. "Celine, sit down. 'Di pa ako tapos makipagusap sa 'yo," sabi ni Lanz na medyo mataas ang boses. Napuna ng ilang mga kumakain ang pagtawag ni Lanz kay Celine. "Its to early to end this conversation," dagdag pa nito. Napapikit si Celine sa inis. Huminga muna ito ng malalim at saka pinakalma ang sarili. Humarap ito muli kay Lanz. "Lanz, wala akong panahon sa mga kwento. May trabaho ako, so please. 'Wag mo kong diktahan sa gagawin ko," sabi nito kay Lanz. Pigil na pigil si Celine sa galit na kanyang nararamdadan. Habang tumatagal ay mas pinipiga nito ang panyo sa kanyang bulsa. Nararamdaman na rin nito ang kanyang mga kuko na bumabaon sa kanyang mga palad. Unti unti na rin itong namamanhid dahil sa tindi ng kanyang pagkakapiga. Ang kaninang maingay na kainan ay bahagyang tumahik dahil sa eksenang ginagawa ni Lanz, sa paraan ng pagtawag nito kay Celine at sa pagpigil nito sa dalaga sa pag-alis. 'Di na alam ni Celine kung hanggang saan aabot ang pasensya n'ya dahil sa pagtrato sa kanya ni Lanz. 'Di kasi ito makaramdam na ayaw s'yang kausapin ng dalaga. At sobrang naiirita na ito sa paraan ng pagsasalita nito. Kaya minarapat na lang nito na magpaalam. Alam ni Celine na ito ang magiging reaksyon ni Lanz. Nainsulto na rin kasi ito sa pagpuna ni Lanz sa kanyang trabaho. Noon pa lang ay pinagtatalunan na nila ang kurso ni Celine. Laging pinipilit ni Lanz na mag-shift na ito sa ibang kurso dahil walang kahihinatnan ang pagiging journalist nito. Mababa ang kita at walang mararating. Noon ay natitiis pa nito ang pang-aalipusta ni Lanz sa kanya. Kahit na ito ang gusto n'yang gawin. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Binaon na sa limot ni Celine ang pagiging martir at ang pasensya n'ya sa ugali ni Lanz. "Celine!" sabi nito na may kalakasan ang boses, hinampas din nito ang lamesa kung kaya napatingin ang karamihan sa dalawa. Pumukaw na talaga ang atensyon ng mga tao na kumakain sa mga oras na iyon. Tuluyan na ring tumahimik sa kainan dahil sa malakas ng pagkakatawag ni Lanz sa dalaga. "'Wag mo subukang talikuhan ako ng pangalawang beses. Alam mong pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yang tatalikuran ako habang kausap pa kita," banta ni Lanz. Diretcho lang tingin ng mga mata ni Celine. Walang emusyon, walang pagaalinlangan at walang takot. "Umupu ka," muling utos ni Lanz sa dalaga. At itinuro pa nito ang upuan. Hindi nagpatinag si Celine sa utos ni Lanz. Hindi ito umupo at hindi rin nagsalita. "Magpakatatag ka Celine, para kay Zeki. Para kay Gael. Kaylangan mong maging matapang," sabi ni Celine sa sarili. Wala na itong maramdaman sa kanyang kamao. Namanhid na ito sa kanyang pagkakapiga, ngunit patuloy pa rin ito sa pagpisil sa panyo. Dito n'ya binubuhos ang iyamot kay Lanz ito ang kanyang paraan upang hindi mapakawalan ang galit na kanyang nararamdaman. Hindi ito ang tamang lugar para gumawa ng eksena. Matalim na rin ang mga titig ni Lanz kay Celine. Hindi ito ininda ng dalaga at nakipagtitigan din sa dating kasintahan. "Sit down," muli nitong utos. Hindi na umimik si Celine, kung kanina ay tinalikuran nito si Lanz at bahagyang nasindak sa mga sinasabi nito. Ngayon ay buong tapang na itong naglakad sa harapan ni Lanz upang umalis. Dirediretcho lang ito sa paglalakad hanggang makalayo sa kinaroroonan ni Lanz. "Celine!" sigaw ni Lanz. Inis na inis na ito sa pinapakitang ugali ni Celine. "Celine, 'wag na 'wag kang lilingon, malapit ka ng makalabas," sabi nito sa sarili. Palabas na ng pinto si Celine. Pinagbuksan ito ng guard. "Thank you for coming ma'am. Come again," sabi ng guard. Pilit na ngumiti si Celine sa guard. "Thank you," sagot nito sa guard. Naglalakad na si Celine sa kalsada. Mabilis itong naglalakad, pakiramdam ni Celine ay may humahabol sa kanya. Nungit ng nakakita ito ng upuan sa nadadaanan nitong mini park ay nakaramdam na ito ng panginginig ng tuhod. Bigla itong nanglambot at nanghina ng lubos. Bumagal din ang kanyang paglalakad. Pakiramdam din nito ay nanglalabo ang kanyang mga mata at ano mang sandali ay maari itong bumagsak. Pinilit nitong pumunta sa pinakamalapit na upuan. Isang hakbang na lang ang kaylangan upang makaupo si Celine ay bigla ng nangdilim ang kanyang paningin at tuluyan ng bumagsak. Naiwang mag-isa si Lanz sa kainan. "Damn it!" sabi ni Lanz. Tinanaw na lang ni Lanz si Celine palabas ng kainan. "Sir here's your." Tinaliman ng tingin ni Lanz ang waiter. Napahinto ang waiter sa pagsasalita. "Just put it there," galit na sabi ni Lanz. Agad na umalis ang waiter. Naupo padabog si Lanz. Sobrang ang nararamdaman nitong bwisit dahil sa nangyari. "Ang lakas ng loob n'yang gawin sa 'kin 'to. She is just a low class girl! Damn!" sabi ni Lanz sa sarili. Kinuha nito ang kanyang cellphone, nagdial ito ng numero. "Hello," sabi ni Lanz ng sinagot na ng kabilang linya ang kanyang tawag. "Go look for Ezikiel dela Cruz. Yes, yes, all information about him. And send it on my email. Gusto kong malaman ang lahat lahat sa lalakeng 'yan," utos nito sa kausap. Galing sa mayang pamilya si Lanz. Bunso sa tatlong magkakapatid at s'ya lamang ang nag-iisang lalake. Sunod sa layaw at maangas. Lumaking si Lanz na nakukuha ang lahat ng kanyang nais. Walang sumusuway sa kanyang gusto at makasarili. Matalino rin ito at malakas makakuha ng atensyon lalo na sa mga kababaihan. Madalas itong mapaaway noon dahil kayabangan nitong taglay. Hindi rin malaman ni Cheska kung paano nito napasagot ang kaibigang si Celine. Na kung tutuusin ay no body sa kanilang college noon. Madalas na parang sunud sunuran si Celine kay Lanz. Tuwing may practice ang mga ito ng swimming ay parang alalay n'ya si Celine. Lagi itong ipinagtatanggol ni Celine, maalaga raw si Lanz at mahal na mahal s'ya nito. Halos masira ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa pagtatanggol ni Celine sa mga masamang kumentong nababanggit ni Cheska. Dumating na lang araw na sinuportahan na lang ni Cheska ang kaibigan dahil kahit na anong payo nito ay mahal na mahal pa rin ng kanyang kaibigan si Lanz. Pinapanalangin na lamang ni Cheska na isang araw ay mauuntog na lang si Celine at matatauhan sa kat*ng*han nito. Dumating naman ang araw na 'yon sa pagdating ni Gael sa buhay ni Celine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD