"Brad bukas wala ako ha, nasa Batangas ako. Ikaw lang ang nandito sa studio, okay lang ba? At saka may pupunta dito mamaya," tumingin si JR sa kanyang relo. "May client kasi na pupunta rito para kausapin kayo ni Zeki. Pero mamaya pa naman kaya makakapag-ready pa kayo hintayin mo na lang si Zeki on the way na raw s'ya. Kaylangan ko pa kasing mag-ayos ng mga gamit," bilin ni JR kay Vincent. Tumatango lang si Vincent bilang pagtugon, tulala at nangingi mag-isa na parang ewan. Naapapahawak pa ito sa kanyang baba habang nakatulala. "Vincent saka pala---." Natigilan si JR sa pagsasalita, ramdam kasi nitong parang wala s'yang kausap at nagsasalita lang s'yang mag-isa. "Brad!" Pumalakpak ito sa harapan ni Vincent at napabalikwas ito, bumalik sa riyalidad si Vincent dahil sa gulat. "Mahipan ka d

