Matapos kumain ay dumiretcho na sina Zeki sa pangatlong simbahan upang tignan ito at makapagdisisyon na kung alin sa tatlo ang kanilang pipiliin.
"Lab lab, what do you think?" tanong ni Zeki sa kasintahan.
"Mas gusto ko dito," sagot ni Celine.
Kung ikukumpara ito sa dalawang naunang simbahang kanilang binisita, mas maliit ito ngunit mas maaliwalas tignan.
"Para kasing pagpasok ko pa lang sa pinto nitong simbahan, ang gaan at kakaiba 'yun feeling," dagdag pa ni Celine.
Inakbayan ni Zeki ang kanyang kasintahan. "E 'di ito na ang piliin nating simbahan," agad na sagot ni Zeki.
Napatingin ang dalaga sa kanyang kasintahan. "Wa...wala kang angal? Oo kaagad?" tanong nito.
Tumango si Zeki at itinulak si Celine paharap. Na sa may pintuaan ang dalawa ng simbahan.
"Pumikit ka, huminga ka ng malalim. Imagine mo, na sa dulo ako nitong aisle. Naghinhintay sa 'yo sa harapan ng altar. Andyan sina papa, mama, dad at mommy. Naglalakad si Viel sa iyong harapan at katabi mo si Gael para ihatid ka papunta sa akin. Naghihintay din sa pagpasok mo sina Cheska at ang buong tropa. Kakaunti lang ang tao pero punong puno ang simbahan ng puting bulaklak at mga berdeng dahon," bulong ni Zeki.
Ginawa at inisip ito lahat ng dalaga, gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi ng dalaga. "Ang ganda, Zeki ganitong ganito ang gusto kong mangyari," sabi nito habang nakangiti.
Pagmulat nito ay na sa harapan na n'ya ang kasintahan.
"Ano? Tara, magtanong na tayo sa loob?" tanong ni Zeki.
Tumango ang kanyang kasintahan sa galak. Pinuntahan muna nila si Rose upang abisuhan sa kanilang disisyon.
"Great! You know what sir and ma'am, karamihan ng couples na nag-ocular ng mga simbahan ay ganyang ang sinasabi kapag nakapili na sila ng church. Hindi ko gets kung bakit ganoon, pero sabi nila may kakaiba raw na vibes," sabi ni Rose.
Nagkatinginan ang magkasintahan. Ganoon kasi ang kanilang naramdaman pagkapasok pa lang nila ng simbahan.
Agad nilang kinausap ang secritary na andoon upang malaman na ang mga papel at requirements na kaylangan nila sa pagpapakasal. At pagkumpirma na rin na dito nila gustong magpakasal.
Inihatid na ni Zeki ang mag-ina. Binuhat ng binata si Gael papasok ng kwarto at inihiga sa kama. Binihisan din ito kaagad ni Zeki upang maging komportable sa pagtulog.
Pumasok si Celine sa kwarto. "Lab lab, ako na d'yan," sabi ng dalaga sa kasintahan.
"Okay na, iaayos ko lang." Ipinwesto ni Zeki si Gael sa kanyang pesto at iniyapos sa kanyang unan. Tinapik pa ng kaunti ang pwetan nito upang mapahimbing lalo ang tulog nito. "Ayan." Tumayo na si Zeki at nilapitan si Celine. "Lab lab, magpahinga ka na rin pag-alis namin okay?" sabi ni Zeki sa kasintahan.
Tumango si Celine at yumakap sa kanyang kasintahan. "Mahal na mahal kita Zeki," sabi nito. At binigyan ng matamis na halik ni Celine si Zeki sa kanyang mga labi.
"Bye! Ingat kayo. Lab lab chat ka pagnakauwi na kayo ni Viel. Ingat pag-drive," paalala ni Celine sa dalawa.
"Bye ate!" paalam ni Viel.
Kinawayan na lang ni Zeki at nagbusina hudyat ng pag-alis.
Pumasok na ang dalaga sa bahay at dumiretcho sa kanilang kwarto.
"Dada, tama na po. Nakikiliti ako," mahinang sabi ni Gael.
Nilapitan ni Celine ang kanyang anak at hinalikan sa noo. "Hanggang panaginip, dada pa rin? Hindi na mama?" Ngumiti ito at hinaplos ang buhok ng kanyang anak. Ilang sandali pa at tumayo na ito upang makapagpalit ng damit pangtulog. Papunta na dapat ito sa kanilang higaan ng nasagi ito ang isang drawer na bukas.
"Aray," tumama ang binti nito. Isasara na dapat ni Celine ang drawer pero bigla nitong naisip na tignan muli ang laman nito.
'Ano na kaya ang mga pinaglalagay ng batang 'to dito,' sabi ni Celine sa sarili.
Ugali kasi ng mag-inang ilagay sa isang lalagyan ang mga bagay na may halaga sakanila. Ulti mo gift wrapper man ito o 'di kaya ay card. Sa pananaw kasi ni Celine, itong mga bagay na ito ang nakakapagpaalala sa kanya ng mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay. Na naipasa ng dalaga sa kanyang anak.
Pagbukas nito ng drawer, may mga papel, crayola at mga drawing na nakakalat. Ngunit ang ilalim na bahagi nito ay maayos at nakasalansan. Tuwang tuwang tinitignan ni Celine ang mga drawing ng kanyang anak. Muli rin nitong tinignan ang photo album ni Gael. Nakakaaliw tignan ang mga pictures ng nakaraan. Ang mga litrato ni Gael mula baby, hanggang sa kasalukuyan.
Napansin nito ang nakaipit na litrato ni Lanz, pati na rin ang litratong nilang tatlo ang kanilang family picture. Napailing na lamang si Celine ng makita ang mga litrato. Lalo na ang picture ni Zeki na nakadikit sa family picture nila nina Lanz. Tumingin ito sa kanyang anak at bumuntong hininga.
"Anak sorry kung sa maling tatay kita pinanganak," tumulo na ang mga luha nito. Parang bumalik lahat ng sakit na kanyang pinagdaanan sa nakalipas na panahon. Ang sakit bilang ina ng isang musmus na batang nawalan ng ama. Nadudurog muli ang kanyang puso tuwing naiisip n'ya ang ginawa sa kanila ni Lanz.
Iniharap nito ang litrato ni Lanz at pumatak ang mga luha nito sa larawan.
"'Wag ka ng manggugulo sa aming mag-ina. Masaya na kami ng wala ka," sabi nito sa larawan.
Inilagay na muli ni Celine ang mga gamit sa loob ng drawer. Ipinailalim nito ang dalawang larawan kung saan kasama si Lanz. Tinabihan na nito ang kanyang anak.
"Gael, mahal na mahal ka ni mama. Walang iwanan okay, kasi kung wala ka 'di ko alam kung paano pa uusad ang mundo ko." Niyakap nito ang kanyang anak hanggang sa nakatulog na ito.
Ilang araw na ang lumipas, ngunit 'di mawaglit sa isipan ni Celine ang nauliligang boses ni Lanz. Kahit naman mahigit apat na taon na silang 'di nagkikita ay alam pa rin nito ang boses ni Lanz. Malaki ang naging parte ni Lanz sa buhay ni Celine. Kaya 'di n'ya malilimutan ang lahat ng tungkol sa kanya.
"Girl!" Nagitla si Celine sa pagkakatawag ni Cheska sa kanya.
Na sa opisina sila at nakita ni Cheska na nakatulala ang kaibigan sa monitor ng kanyang computer.
"Ano 'to girl! Stress out na sa kasal?" Naupo ito sa lamesa ni Celine.
"Oo... Oo ganoon na nga," 'yon na lang ang sinagot ng dalaga.
"Nako girl, ano gusto mo bang mag-halfday?" Tinanaw ni Cheska ang kanilan Head. "Mukha namang good mood si ma'am, magpaalam ka na. You need to take a rest," payo ng kaibigan.
"E, paano 'tong mga 'to? For deadline na 'to," Itinuro ni Celine ang mga papel sa tabi ni Cheska.
Binuklat nito ang mga papel at niyugyog ang kaibigan. "Girl! Next month pa ang deadline ng mga 'to! Ang advance mo naman masyado. Ako nga me for submission mamaya nakikipagchikahan pa," pamamayabang ni Cheska.
Natawa na lang si Celine sa kaibigan. "Sige na po, mag-halfday na. Ikaw na bahala paghinanap nila ako. Magpapaalam na ko kay ma'am," sabi ni Celine kay Cheska.
"Good, sige na. Take a rest!" sabi ni Cheska.
Tumayo na si Celine at nagpaalam sa kanyang boss. Mabilis namang pinayagan si Celine at nag-out na ito sa kanilang opisina. Habang na sa byahe ang dalaga ay 'di ito mapakali. Alam nitong si Lanz ang dahilan ng kanyang pagkabalisa. Wala itong mapagsabihan ng kanyang nararamdaman dahil sa takot na ma-misinterpret nila ang kanyang nararamdaman.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone, pagtingin nito ay nag-text pala ang mommy ni Zeki.
'Anak kamusta ka na?' sabi ni to sa text.
'Si mommy talaga, ang bilis makaramdam,' sabi ni Celine sa sarili.
Agad na tinawagan ito ni Celine, wala na s'yang ibang mapagsabihan ng kanyang dinadala. Hindi ito makapagsabi sa kanyang magulang dahil hindi ito komportable sa mga ito pag tungkol kay Lanz ang pinag-uusapan.
"Mommy, pwede po bang dumaan sa inyo d'yan sa ospital?" tanong nito matapos bumati sa kanyang mommy Eliz.
"Oo naman, sige magsabi ka pagmalapit ka na," sagot ni Eliz.
"Sige po mommy, papunta na po ako salamat po," sabi ni Celine at binaba na nito ang kanyang cellphone.
Marahil ay nakakapagtakang si Eliz ang napiling pagsabihan ni Celine ng kanyang dinadalang problema. Alam kasi ni Celine na tanging ang mommy lang ni Zeki ang makakaintindi sa kanyang pinagdadaanan.
Nakarating na si Celine sa ospital kung saan nagtatrabaho ang mommy ni Zeki. Isa s'yang pharmacist sa isang ospital.
"Miss nandyan po ba si Mrs. dela Cruz. Elizabeth dela Cruz," tanong ni Celine sa naka-duty na pharmacist sa window ng butika.
"Ay kayo po si Celine?" tanong nito.
"Yes po," sagot ni Celine.
"Tawagin ko lang po si Ma'am," nakangiting sabi nito.
Ilang sandali pa at bumalik na ang babae.
"Ma'am Celine, pasok na po kayo. Na sa loob po si Ma'am," sabi nito.
Tumango si Celine at pumunta sa pintuan papasok sa botika ng ospital. Sinamahan ng babae si Celine hanggang makapasok sa loob.
"Ma'am," tawag ng babae.
"Celine, sandali lang ha. May mga kailangan lang ako pirmahan," sabi ni Eliz.
"Sige lang po mommy," sagot ni Celine.
"S'ya nga pala Celine, si L.A. ang kasama ko rito. L.A. si Celine ang mapapangasawa ng kuya Zeki mo," pakilala ni Eliz. "Paki kuha naman s'ya ng maiinum at samahan mo muna s'ya," utos ni Eliz kay L.A.
"Okay po Ma'am, nice meeting you Ma'am Celine. Tara po," aya ni L.A.
Lumakad na ang dalawa, pinaupo ni L.A si Celine at ikinuha ng maiinum.
"Ma'am ang ganda ganda n'yo po pala talaga," papuri ni L.A.
"Nako 'di naman, pero salamat. Pero 'wag ng ma'am, nakakatanda. Ate, ate Celine na lang," sabi ni Celine.
"Ang humble n'yo pa ma'am. Ay este ate pala. Ate Celine," sabi ni L.A.
Nagkakwentuhan sandali ang dalawa, wala kasing gaanong pasyente at orders kaya malaya ang dalawang mag-usap.
"Ikaw talaga, ikaw pala 'yung sinasabi ni Gael na ateng madaldal," sabi ni Celine.
"Ako nga po, ang cute cute po kasi ni Gael," papuri ni L.A.
Tumayo na si Eliz sa kanyang lamesa. "Syempre mana sa mama n'ya. Ikaw talaga L.A.," singit ni Eliz sa pag-uusap ng dalawa.
Nagitla bahagya si L.A. "Ay opo naman po Ma'am Eliz, s'yang tunay," sabi ni L.A.
"Nako ikaw talaga bata ka, o s'ya aalis na kami. 'Yung mga bilin ko ha, kontakin mo na lang ako kung may kaylangan kayo. Pagbalik nila ikaw naman ang mag-lunch," bilin ni Eliz sa kasama na si L.A. Bitbit na rin nito ang
"Don't worry Ma'am kami ng bahala dito sa pharmacy. Ingat po kayo Ma'am," sabi ni L.A.
Lumabas na ang dalawa ng ospital.