Chapter 29

2025 Words
"Ipapakasal namin kayong dalawa," sabi ng ama ni Lanz. Nanglaki ang mga mata ni Lanz. "Pero daddy!" pagtutol nito. "Walang pero pethat'slook final! Look, makakasira ito sa reputasyon ng kumpanya. At hanggang kaylan mo balak itago ang bagay na 'to! Tapos na ang usapan 'to, bukas na bukas ay pupunta tayo sa bahay nina Celine upang pag-usapan ang kasal," nagagalit na sabi ng daddy ni Lanz. Umalis na ang daddy ni Lanz. Naiwan sina Lanz at Celine. "Nakita mo na ang nangyari? Kasalanan mo 'tong lahat," inis na sabi ni Lanz. "Kung una pa lang sinunod mo na lahat ng sinabi ko, e 'di sana hindi tayo namomoblema ng ganito! Mahal kita alam mo 'yan, pero hindi pa ako hanada para sa bagay na 'yan! D'yan sa batang 'yan!" dagdag pa nito. Abot langit ang dasal ni Celine na matapos na ang kanyang pagdurusa. Sama ng loob at paghihirap, hindi nito akalaing s'ya pa ang sisisihin ni Lanz. Kahit silang dalawa naman ang gumawa ng bagay na ito. Hindi nito akalaing masasabi ni Lanz lahat ng 'to sa kanyang sariling anak. Dito na unti-unting natauhan si Celine. Namumuo na ang galit nito kay Lanz, mas nanaisin nitong palakihin na lang mag-isa ang bata kaysa lumaking kinasusuklaman ito ni Lanz. Subalit sa isang banda ay nakokonsensya ito na ipagkait ang buong pamilya sa kanyang anak. Kaya sa huli ay napagdisisyonan nitong ipagpatuloy ang relasyon kay Lanz at magsakripisyo. Umasang balang araw ay mahalin ni Lanz ang kanyang anak. Kinabukasan ay nagpunta ang pamilya nina Lanz, inareglo ang lahat at nagkasundo na ipakasal ang dalawa. Sa umpisa ay tutol ang mga magulang ni Celine, ayaw nilang ipakasal ang kanilang anak dahil lamang nabuntis ito ni Lanz. Ngunit nakapagdisisyon na ang dalaga, nais nitong magpakasal kay Lanz at bumuo ng sariling pamilya. Hindi problema ang pera, ngunit ang presensya at atensyon ni Lanz ay ang malaking problema. Wala itong pakialam sa mga preparasyon at tanging si Celine lang ang kumikilos, s'ya lang mag-isa ang gumagawa ng lahat para sa kasal. Abala raw kasi s'ya na pag-aralang patakabuhin ang kanilang kumpanya, wala na raw s'yang panahong asikasuhin ang kanilang kasal na si Celine at ang kanyang mga magulang lang ang may nais. Tutol talaga siguro ang tadhana sa pagpapakasal ng dalawa. Nausad ng nausad ang kasal dahil naging maselan ang pagdadalang tao ni Celine. Sa stress at pagod na inaabot nito sa lahat ng bagay. Sama ng loob na dulot ni Lanz, wala kasi itong pakialam sa batang dinadala ni Celine. Ni hawakan o kamustahin ito ay hindi ginagawa ni Lanz. Labis itong dinadamdam ni Celine, subalit nananaig pa rin ang kanyang kamartiran kay Lanz. Pinursige pa rin nitong magtyaga at tiisin ang lahat. Umabot pa sa puntong ayaw makita ni Lanz ang malaking tyan ni Celine, kaya napipilitan itong ipitin ang kanyang tyan upang pakisamahan s'ya ng maayos ni Lanz. Hinintay ng makapanganak si Celine bago ituloy ang kasal. Planado at malapit na ang nakatakdang araw ng kasal. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay naudlot muli ang kasal sa pagkamatay ng lolo ni Lanz. Ayaw ipatuloy ng mga matatanda ang kasal dahil sukob ito sa patay. Muling nausad ang kasal sa sumunod na taon. Lumalaki na rin ang kanilang anak, at pinangalanan ito Night Gael ni Celine. Mas umalingasaw ang masamang ugali ni Lanz. Pagkapanganak kasi ni Celine ay mas gumanda ang dalaga. Mas nahumaling si Lanz. Nabago ang trato nito kay Celine at itinuring na itong prinsesa. Ngunit pagdating kay Gael ay wala itong amor, ni alagaan at kargahin ang bata ay hindi nito magawa. Sumasama ang kanyang timpla tuwing nakikita si Gael at bumabalik ito sa kanyang masamang pag-uugali. Nang sumunod na tan ay natuloy na rin ang kasal ng magkasintahan. Sa pangatlong pagkakataon ay dumating na ang araw ng kasal nina Lanz at Celine. "Sus maryosep! Celine, ano na 'yang mapapangasawa mo? Mismong sa araw pa ng kasal ninyo s'ya nawawala!" puna ng papa ni Celine. "Papa para sa akin na lang please," pagmamakaawa ni Celine. Wala ng magawa ang papa ni Celine kung 'di huminahon. Hindi mahagilap si Lanz, ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal. Pati ang mga magulang ni Lanz ay lubos ng nababahala sa ginagawang eksena ng kanilang anak. Lumabas ang papa ni Celine upang makibalita kung na saan na si Lanz. "Anak hindi mo kaylangang gawin 'to," sabi ng mama ni Celine. "Hindi kasal ang sagot sa lahat ng 'to. Anak 'wag mo ikulong ang sarili mo sa sitwasyon na 'to. Nakapanganak ka na, nakaya mong ikaw lang sa buong pagbubuntis. Alam kong kakayanin mo rin na wala si Lanz habang pinapalaki si Gael. Nandito kaming lahat para sumuporta," dagdag ng mama ni Celine. "Ma paano si Night? Ayaw ko pong lumaki s'ya walang tatay. Kasalanan ko 'to kung sana," umiyak na ng tuluyan si Celine. "Anak 'wag mo isisi ang lahat ng 'to sa sarili mo. Napakagandang regalo sa atin ni Night. Hindi n'ya kasalanan ang lumabas s'ya ng maaga sa mundong 'to. May dahilan ang lahat kung bakit s'ya dumating sa atin. Malalagpasan natin 'to." Niyakap ito ng kanyang mama. Una pa lang ay tutol na ang mga magulang ni Celine. Sa relasyon ng dalawa, lalo na ang kanyang mama. Ramdam nito ang pagkadominante ng nobyo ng kanyang anak. Hindi rin nito gusto ang paraan ng pagsasalita nito kay Celine at lalong lalo na sa musmus na batang si Gael. Ngunit walang magawa ang mag-asawa dahil si Lanz ang minahal ng kanilang anak. Kay Lanz ito masaya at kung saan maligaya ang kanilang anak nakasuporta sila bilang magulang. Hindi na rin bata si Celine, may sarili na itong disisyon kaya naman sinuportahan at ginagabayan na lamang ito ng kanyang mga magulang. "Mama Gael pogi!" biglang sabi ni Gael habang tinititigan ang kanyang sarili sa salamin. Nabaling ang tingin ng mag-ina kay Gael. Lumapit si Celine sa kanyang anak. "Oo naman pogi si Gael. Mag-walk ka mamaya kasama ni mama ha, tapos pupuntahan natin si papa sa dulo," sabi ni Celine sa kanyang anak. Tumango si Gael, tumingin muli itonp tumingin sa salamin at namamangha sa kanyang itsura. Niyakap ito ni Celine at muling tumulo ang kanyang mga luha. Nakaramdam na ito ng matinding pagod at gusto na nitong sukuan ang mga nangyayari. Ramdam n'yang pinipilit na lang n'ya ang lahat at nagiging makasarili. "Mama iyak mama? 'Wag iyak mama," napapaluhang sabh ni Gael. "Gael iyak na Gael." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Gael. Pinunas ni Gael ang mga luha ng kanyang mama. "Mama dito lang Gael, hindi aaway Gael mama. 'Di Gael alis, kahit walang papa basta dito lang mama, masaya na Gael," Nadurog ang puso ni Celine, dito tuluyang natauhan si Celine. Humahangos sa pagpasok sa pinto ang papa ni Celine. "Anak! Nakita na si Lanz!" balita nito. "Na sa loob ng kanyang sasakyan, tulog sa sobrang kalasingan." Nabasag ang emosyonal na pag-uusap ng mag-ina, nang marahang pumasok ang kanilang wedding coordinator. "Sir, ma'am excuse mMa'amNakita Celine, nakita na po namin si Sir Lanz. All set na po ang lahat kaya don't worry na po. Sir Lanz is getting ready for the wedding. Maya maya po ay bumaba na po tayo para sumakay sa bridal car," sabi ng wedding coordinator. Tumango si Celine, pinahi ang kanyang mga luha at iniayos ang sarili. "Salamat," tugon ni Celine. "Okay po ma'am, babalikan ko po kayo pag-ready na ang lahat," paalam ng wedding coordinator. Lumapit si Cheska sa kanyang kaibigan ng isinara na ng wedding coordinator ang pinto. "Girl sure ka bang itutuloy mo pa 'to? Walang mawawala sa 'yo, sila lang naman ang nagpupumilit na ituloy pa ito dahil sa pesteng reputasyon na 'yan! Girl, pwede mong gamitin ang 1% ngayon para sa sarili mo," sabi ni Cheska. "Ito na 'yung huling pagkakataon mo para makakawala kay Lanz. Girl hindi ko kayang makita kang sunud sunuran sa lalakeng 'yon. Hindi mo ba napapansin ang daming naging abirya ng kasal n'yo? Baka sign na 'yon na hindi dapat matuloy ang kasal." Panay ang pagpunas ni Cheska sa kanyang mga luha. Ang dapat ay masayang okasyon na umaapaw sa kaligayahan ay napuno ng luha ng pagpapasya. Luha ng hinagpis ang mga iyakang nagsasabi kay Celine sa pag-atras sa kasal. Pagpapasyang nakasalalay ang kinabukasan ng isang  walang  kamuwang muwang na bata. Bilang ina, hindi alam ni Celine ang pipiliin. Gusto na nitong kumawala sa relasyong s'ya lang ang nagpupumilit na itago ang sakit at mga sugat. Hindi n'ya maatim ang pangbabalewala ni Lanz sa kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit pakiramdam nito ay nagiging makasarili ito dahil ang kapalit ng kanyang kalayaan ay ang paglisan at hindi pagkilala ni Lanz kay Gael. "Paano si Gael, ayaw kong maging makasarili. Paano pagkatapos ng kasal na 'to, mabago ang lahat? Malaki na ang pinagbago ni Lanz pakapanganak ko. Hindi na tulad ng date ang pagtrato n'ya sa akin. Alam mo 'yan Cheska. Paano kung dahil sa kasal na 'to maging maayos ang pagsasama naming dalawa at magkaroon kami ng masayang pamilya? Ayaw kong ipagkait kay Gael ang lahat ng 'to, handa akong magsakripisyo mabigyan lang si Gael ng buong pamilya," paliwanag ni Celine. Wala ng humpay ang pagpatak ng kanyang mga luha. Itinatak na nito sa kanyang isipan na s'ya ay para kay Lanz para kay Gael kahit na matagal na itong nahihirapan. Mahal pa rin nito si Lanz kahit na paulit ulit na nitong sinasaktan ang damdamin ng dalaga. Bulag pa rin si Celine sa mga ginagawa ni Lanz. Ginusto n'yang manatili sa ganitong sitwasyon kaya naman wala s'yang karapatang umangal kung ano mang gawin ni Lanz. "Celine naiintindihan kong para kay Gael lahat ng pagsasakripisyo mo, pero napakaliit ng tyansang mabago pa ni Lanz ang pakikitungo n'ya sa 'yo tuwing nandyan si Gael. Dominante pa rin si Lanz sa relasyon n'yo. Paano kung walang mangyari sa lahat ng 'to at ang malala pa mamulat si Gael sa ganitong sitwasyon. Makikita ni Gael na napipilitan lang ang daddy n'ya, mas gusto mo ba 'yon?" pagpupumilit ni Cheska. Kinukumbinsi pa rin nitong umatras na si Celine sa kasal. "Pagkatiwalaan n'yo ako sa huling pagkakataon. Huling huli na 'to," seryosong sabi ni Celine. Tinawag na ng coordinator si Celine, bumaba na ito at sumakay sa bridal car. Kasama nito ang kanyang mga magulang, si Gael at si Cheska. "Anak lalabas na kami, sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ng papa ni Celine. "Opo pa, okay lang po ako," sagot ni Celine. Lumabas na sila at naiwang mag-isa sa loob ng sasakyan. "Lord isang sign pa, kaunting kaunti na lang talaga. Bigyan n'yo po ako ng lakas ng loob para makakawala sa pinagdadaan kong ito," dalangin ni Celine. Nagsimula na ang kasal, naglalakad papuntang harapan ng altar ang mag-ina. Si Gael ang pinili ni Celine upang maghatid sa kanya sa altar. "Night-Night, kapag ba hindi ni mama tinuloy 'tong kasal at iniwan tayo ni papa, magagalit ka ba kay mama?" tanong ni Celine sa kanyang anak. Alam ng dalagang hindi pa naiintindihan ni Gael ang mga bagay na ito. Ngunit alam ni Celine na mas mapapanatag s'ya kung malalaman n'ya ang opinyon ng kanyang anak. Tumingin si Gael sa kanyang mama. "Hindi po mama, ayaw po ni Gael na umiiyak si mama. Mama love na love ka po ni Gael. Ikaw lang po mama happy na si Gael. I love you mama," sabi ng kanyang anak. Nagumpisa na ang misa, at sa huli ay naiwan na ang dalagang mag-isa sa altar. "Celine alam mo kung gaano kita kamahal, alam mo kung paano kita pinaglaban sa mga magulang ko. Pero ikaw lang, ang batang 'yan, hinding hindi ko matatanggap. Mahal na mahal kita Celine pero hindi pa ako handa. Sabi ni Lanz sa akin, gabi bago ng kasal," pagtatapos ng kwento ni Celine. Napatulala na lang si Viel sa kanyang mga narinig. "Iyak ako ng iyak sa harapan ng altar. Akala ng lahat, umiiyak ako dahil sa tuluyan na akong iniwan ni Lanz. Ngunit ang totoo, para akong nabunutan ng tinik sa nangyari. Pinalaya ko na rin sa wakas ang sarili ko kay Lanz. Alam kong sa pag-alis n'yang 'yon ang hudyat na wala na talaga s'yang pakialam sa aming mag-inga," kwento ni Celine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD