Chapter 3
Maria Aihla'sPov
5 Taon ang nakalipas…
“Maria Aihla.”Tawag sa akin habang naglakakad ako dalampasigan.
“Magandang umaga po Aling Bebang akala ko naman sino po yung tumatawag sa pangalan ko po.” Wika ko sa kanya
“Napakaganda mo na ngayon at ang aliwalas na talaga ng mukha mo dati neneng nene ngayon napaka sexy mo at napakaganda mo na Maria.” Wika ni Aling Bebang sa akin
“Salamat po Aling Bebang sa pagpupuri.” Wika ko sa kanya na naka ngiti
“Siguro marami ka na din manliligaw ngayon Maria?” Tanong ni Aling Bebang sa akin
“Ay, wala po masyado Aling Bebang. Ayuko muna pumasok sa isang relasyon trabaho muna po.” Wika ko sa kanya
“Eh, saan ka nagtatrabaho naman ngayon Maria?” Tanong ni Aling Bebang
Natahimik ako saglit at nag iisip ano isasagot.
“Ahh.. Sa bayan po banda Aling Bebang.” Utal kong sagot sa kanya
“Maganda ata trabaho mo doon kasi mas lalo kang gumaganda simula pumasok ka doon.”Aniya niya sa akin
“Ay, ganun po ba Aling Bebang salamat po.” Sabi ko sa kanya
“Sige at ako'y aalis na napadaan lang ako dito ang ganda kasi ng tanawin dito sa tabi ng dagat.” Wika ni Aling Bebang
“Opo nga hu! Kaygandang pagmasdan po talaga ang karagatan po.” Wika ko sa kanya
‘Ingat po kayo Aling Bebang.” Wika ko sa kanya nag paalam
Dami niyang tinatanong sa akin kung hindi ko magpaalam agad mahaba haba pa pag uusapan naming dalawa.
Nag lakad lakad ako sa dalampasigan ng maaga. Ang ganda talaga ng tanawin kitang kita ang isla bughaw ang kulay ng dagat at sobrang tahimik ng karagatan.
Dumertso ako sa cottage para umupo muna ako doon at magtambay para magpahangin.
Napa sulyap ako sa malayong kado sa bandang bungad ng entrance ng resort.
Maraming parating na mga dayo galing sa ibang lugar para dumayo dito.
Karamihan mga lalaki ang mga duma dayo dito. Sana may ma customer ako mamayang gabi para may pera ako maipon.
Nagtagal muna ako doon nagtamabay para ma relax ko ang sarili ko.
Maya maya may mga dumadaan na dayo at naglalakad sila sa dalampasigan.
May lumapit na isang lalaki sa kinaroroonan ko .
“Miss pwede magtanong saan banda yung sinasabi Underground River dito?” Wika ng estranghero ng lalaki
“Doon po yun banda sa isla na yun. Meron bangkero nagpupunta doon para maka punta kayo doon sa isla.” Wika ko sa kanya
“Magkano kaya mag arkila papunta doon pwede bang samahan nyo kami doon po?” Wika ng estranghero na lalaki
“Pwede naman mahal ang bayad sa akin pag nag tour doon.” Wika ko sa kanya
“Magkano naman yun Miss?” Tanong niya sa akin
“2 thousand lang naman pero ok na ako sa 1500 total gwapo ka may discount kayo.”
“Hmmm..sige game kami basta samahan mo kami doon Misss..Ano nga name mo?” Tanong niya sa akin
“Aihla , nalang tawag mo sa akin.” Sagot ko naman sa kanya
“Mga anong oras ba gusto nyong pumunta doon sa Underground River?” Tanong ko sa kanya
“Mga 1pm ng hapon .” Wika niya sa akin
“Sige mamayang 1 pm babalik ako dito para samahan kayo.” Wika ko sa lalaking estranghero
“Okay sige po sasamahan ko kayo uwi muna ako babalik ako.” Wika ko sa lalaking estranghero.
“Asahan ka namin na sasamahan mo kami mga 1pm ng hapon.” Wika ng estranghero
Umuwi muna ako para maligo at mag ayos
para maka handa mamaya sa pag tour ko sa kanila. Nakita ako ni nanay na naglalakad sa kalsada sabay bulyaw na naman sa akin.
“Maria Aihla saan ka ba galing aga mo naman nag lakwatsa wala pa tayong makakain?” Bulyaw na naman sa akin
“Nanay, Nag hahanap ako ng sideline nay para may pera ako ngayon araw.” Sagot ko sa kanya
“Kaya mag bibihis na ako at maghahanda dahil may mag papasama na mga bisita doon sa Underground River.” Wika ko kay nanay
Pumasok ako sa loob ng bahay para maghanap ng isusuot at para maligo na.
Namili ako ng pang itaas na damit napili ko off should na crop at skirt na mahaba na bulaklakin.
Kinuha ko ang tuwalya at naligo sa maliit na banyo namin. Tinanggal ko lahat ng damit ko para makaligo ng maayo. Hubad hubad akong naliligo sa banyo hanggang natapos na din ako.
Kinuha ko ang lotion with sunblock para mailagay ko sa katawan ko. Sinuot ko ang tube bra at panty ko. Isinuot ko na din ang napili kong off should at skirt na maxi.
Pinunasan ko ng maigi ng tuwalya ang mahaba kong buhok at sinuklayan ito.
Naglagay ako ng sunblok sa mukha para hindi masyado mahapdi sa init. Nag lagay ako ng liptint sa labi para mapula pula kaunti sa labi.
Kinuha ko ang pabangong nagpapaakit pag ako'y na amoy nito . Nilagyan ko ng clip sa aking buhok sa bandang tenga at saka na tapos din.
Saktong sakto na tapos na din ako mag 1pm na din ng hapon. Kaya umalis na ako sa bahay para pumunta doon sa resort para tulungan silang e tour doon sa kabilang isla.
Nakita ko na sila naka upo sa cottage at naka handa na silang pumunta doon.
Pinuntahan ko na sila baka hinihintay na lang nila ako doon.
“Hello po okay na po ba kayo?” Wika ko sa kanila
“Ah, okay na kami akala nga naman hindi mo kami sisiputin na ngayon.” Wika ng lalaking kausap ko kanina.
“Wait lang tanong ko muna kakilala kong bangkero kung magkano arkilahin nating bangka doon.” Wika ko sa kanila
Naglakad ako papuntang bangkero at kinausap ito kung magkano mag arkila doon.
“Manong bangkero magkano po pa arkila ng bangka ninyo papunta doon sa Underground River ? Tanong ko sa kanya
“Ilan ba sila ne?” Tanong niya sa akin
“Ahmm.. mga lima pang 6 po ako manong.” Wika ko sa kanya
“Yung malaki gagamitin natin ngaon mga 1 thousand ne balikan na yun.” Wika niya sa akin
“Saglit manong sasabihin ko sa kanila.” Wika ko sa bangkero
“Pinuntahan ko ulit sila at sinabing 1thousand ang singil ng bangkero daw balikan na kasi yun.” Wika ko sa kanila
“Okay walang problema miss ganda.” Wika ng lalaking naka usap ko kanina
“Oh, Tara na alis na tayo.” Wika ko saka kanila
Sumakay na sila sa malaking bangka isa isa at ng suot life jacket . Paakyat na din ako biglang ina bot ang kamay ng kausap kong estranghero.
“Halika tulungan kita kapit ka sa kamay ko.” Wika niya sabay abot sa kamay niya
“Salamat sa pagtulong.” Wika ko sa kanya
Habang paalis na kami pina suot ko muna sa kanila ang mga live jacket ng maayos.
Pina andar na ni manong bangkero ang bangka para maka alis na kami at mag palaot na din.
Habang nakaupo ako tingin ng tingin ang lalaking kausap ko kanina sa akin.
Napatingin na lang ako sa ibang dayo para maiwasan ko.
Nakarating na kami sa tinatawag na Underground River sobrang ganda ng view sa labas nito. Napaka linaw ng tubig sa palig kitang kita ang mga batong nasa ilalim nito.
“Nandito na po tayo sa bungad ng Underground River. Kung may mga flashlight or phone na pwedeng gawin liwanag sa loob para makita ninyo ang ganda ng limestone and landscape sa loob nito.” Wika ko sa kanila
“Tama talaga napaka ganda pala dito mahiwaga ang kweba napa kalawak pala dito sa ilalim.” Wika ng isang lalaki
“Naririnig ko ang bawat patak galing sa mga bato nito.” Wika din ng isa lalaki
Lumabas na kami sa kabilang daan at umikot kami sa likod para maikot din namin sa paligid nito.
“Grabe napakaganda pala dito sulit din pala pinunta namin dito buti na lang sinamahan mo kami dito miss Aihla.” Wika ng lalaking estranghero
“Opo kilalang kila po ito dito sa Puerto Princesa kaya maraming nag pupunta dito.” Wika ko sa kanya
Biglang lumipat siya ng pwesto sa tabi ko na parang may gustong sasabihin.
“Ahh.. Miss Aihla pwede ba tayong lumabas para kumain mayang gabi?” Wika niya sa akin na pa bulong
“Ahmm..pwede naman pero tignan ko may trabaho ako mayang gabi.” Sagot ko sa kanya
“Pwede ko naman bayaran araw mo wag ka na lang pumasok sa trabaho mo labas tayo dinner.” Wika niya sa akin
“Eh.. kung kaya mong bayaran why not.” Wika ko sa kanya
Sige maya hintayin kita sa cottage miyang gabi.” Wika ng estranghero sa akin
“Okay sige.” Wika ko sa kanya
Dito na po tayo sa bandang likod iikotin po natin para sulit naman po pagpunta at pagpasyal dito.
Kinuhaan nila ng picture ang magagandang views para may remembrance sila doon sa isla.
Pinuntahan din namin ang malapit na maliit na isla at pwedeng bumaba doon banda.
Ng malapit na kami sa maliit na isla bumaba sila at nagsilanguyan silang lima.
Naiwan ako mag isa sa bangka.
Isa isa na silang nag akyatan sa bangka at isinuot uli ang kanilang life jacket at dumayo na pabalik sa resort dahil mag takipsilim na.
Napakagandang pagmasdan ang pagbaba ni haring araw.
Nakarating na kami sa harapan ng resort. Masaya at sulit naman silang bumaba sa bangka kaya nagpapasalamat sila sa akin dahil sa pag sama ko sa kanila.