CHAPTER THIRTEEN – Mad
***Cindy’s POV
It’s been an hour since we arrived in the hospital. Kasama ko pa hanggang ngayon si Gabriel at si Neil naman ay mukhang nasa labas ng hospital at nagpapahangin. Mas pinapairal talaga namin sa isa’t isa ang pride kaya ayan, medyo malabo kami ngayon.
Mga ilang minuto ang nakakalipas, biglang may dumating na isang babae. Nasa mid thirtees na ito at may kasama itong lalaki na mukhang nasa 40’s na ang edad kung tutuusin. Dumaretso sila sa nurse station mula sa lobby ng hospital at narinig ko ang boses ng ginang na iyon na nakikipag-usap sa isang nurse.
“Miss, dito ba dinala si Felix? Felix John Amestoso ang complete name niya.”
Dito ako naging curious. Siguro ito na ‘yung mga magulang ni Felix. ‘Yung babaeng nakikita ko ngayon, siya yata yung nakausap ko sa phone a while ago. Hindi na ako magdadalawang isip na siya kasi magkaparehas yung boses nung babae sa nakausap ko sa phone kanina.
“Room 102, ma’am,” sabi ng nurse sa ginang. Narinig ko pa na nagpasalamat ito sa nurse bago ito lumakad papunta sa room number na sinabi ng nurse kanina. Nung malapit na sila sa akin, dito ko sila tinawag at binigyan ng atensyon.
“Ikaw po ba ang parents ni Felix?” tanong ko doon sa ginang.
“Yes. Ako nga. Ikaw ba ‘yung nakausap ko kanina sa telepono? Where is he? Gusto namin siyang makita ng papa niya.”
Napatingin ako doon sa papa ni Felix na nasa likuran lang ng asawa nito na kausap ko ngayon. Mata at labi pa lang nito ay maihahawig na talaga kay Felix. Lalo na ‘yung mata at kilay ng mama niya. Kaya siguro naging maganda ang characteristics ni Felix dahil na rin sa magulang nito. Ano ba ‘tong pinagsasabi ko!?
“Ahh… Nandito po siya. Tara po.”
Nauna akong naglakad at nakita ko na sumunod si Gabriel at ang mga magulang ni Felix na ngayo’y sobrang nag-aalala para sa kanilang anak.
Pumasok kami sa room 102 kung saan doon na-confine si Felix. Lumapit kaagad ang mama nito sa bed niya at nag-aalalang hinawakan ang mukha nito, habang ang asawa naman nito na si Mr. Amestoso ay katabi ko ngayon.
“Kahit papaano ay nadala siya sa hospital. Thank you sa iyo, iha,” sabi ni Mr. Amestoso sa akin. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. I feel guilty kasi alam kong kasalanan ko kung bakit nasaksak si Felix at kung bakit nandito siya ngayon sa hospital. Hindi lang ako nagsalita bagkus tahimik kong pinakinggan ang kasunod na sasabihin niya sa akin.
“Pasaway talaga ang batang iyan.”
Napatingin ako kay Mr. Amestoso at doon na ako naka-decide na sabihin sa kanya ang totoong nangyari kung bakit nasaksak ang anak niya.
“Ang totoo po niyan ay niligtas po ako ng anak niyo.”
Napatingin si Mr. Amestoso sa akin at makikita sa mukha niya ang pagkunot ng kanyang noo. “What do you mean?”
“Una po sa lahat, sorry po dahil ako po ang may kasalanan kung bakit nasaksak ang anak niyo. Na-hold up po kasi ako tapos niligtas niya ako. Dahil po doon, aksidente na nasaksak siya nung holdaper. Sorry po.”
Para sa akin, feeling ko magagalit si Mr. Amestoso sa confession ko sa kanya pero nung bigla siyang ngumiti, biglang nabunutan ng tinik ang puso ko ngayon. Hindi siya galit sa akin. Why?
“Don’t say sorry. Wala kang kasalanan. Pareho lang kayong biktima sa aksidente. And besides, there’s nothing to worry to Felix. I know his strong enough.”
Biglang kumunot yung noo ko dahil hindi ko ma-gets yung sinabi ni Mr. Amestoso sa akin. Bakit parang wala lang sa kanya na nasaksak ang anak niya ngayon? And besides, parang tuwang tuwa pa siya sa lagay niyang iyan. Para bang ang laki laki ng tiwala niya sa anak niya ngayon.
Hindi na lang ako nagsalita. Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil wala na rin akong maibukang-bibig ngayon.
Maya-maya biglang nagpaalam si Gabriel sa akin na lalabas muna siya sandali. Nang makalabas na si Gabriel mula sa kwarto, nagsalita na naman si Mr. Amestoso sa akin.
“Who’s that?” tanong niya sa akin.
“Hah?”
“Sino ‘yung binata na iyon? Boyfriend mo?”
Bigla akong natawa sa tanong ni Mr. Amestoso. Tsk. “Hindi po. Kaibigan ko lang po siya. SI Gabriel po iyon.”
“Hmmm… Ganun ba.”
“Opo.”
“Si Felix. Wala pa ‘yang girlfriend. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinapakilala sa akin na girlfriend niya. Kailan kaya siya magkaka-girlfriend?”
It’s getting odd here na. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng mga sinasabi ni Mr. Amestoso sa akin ngayon.
Pero wait lang! Teka!? So hindi alam nina Mr. at Mrs. Ametoso ang tungkol sa kanila ni Apple? Ganun? Nalilito na ako.
Sasabihin ko na ba kay Mr. Amestoso tungkol doon?
“Ahmm… Sir?”
“Mmmm…”
Magsasalita na sana ako nung biglang nagsalita si Mrs. Amestoso at tinawag ang kanyang asawa. Doon ko na-realized na gising na pala si Felix mula sa hinihigaan niyang bed roon. Nakatingin siya sa akin lalo na sa papa niya na katabi ko lang.
Lumapit si Mr. Amestoso kay Felix habang ako naman ay umalis na lang sa kwarto para bigyan sila ng time na mag-asawa na kausapin si Felix. Besides that, nakatingin kasi si Felix sa akin at sobra akong naiilang kapag tumitingin ako sa kanya.
Iniwan ko muna silang tatlo doon ng privacy. Habang nasa labas ako, nadatnan ko si Gabriel na nasa labas rin. Mukhang nauna na siyang umalis sa loob kaya biglang siyang nawala doon.
“Okay ka lang?” tanong ni Gab sa akin.
Tumungo ako. “Oo.”
Magsasalita na sana si Gabriel ng biglang naputol iyon dahil dumating si Neil. Tinatawag pa niya ako ng malakas.
“Cindy!!?”
Sabay na napatingin kami ni Gabriel kay Neil nang tawagin niya ako. Kumunot yung noo ko sa ngayon. Ano na naman ba ang problema ng lalaking ‘to?
“Come on! I’ll take you home! Gab, umuwi ka na sa inyo,” sabi pa ni Neil sa aming dalawa at kaagad na hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinila iyon papalabas ng hospital. Habang hinihila naman niya ako ay pinipigilan ko naman siya. Ang higpit kasi ng hawak niya sa kamay ko. Kakaiba.
“Wait muna, Neil! Masakit!”
“No! We have to go!”
Sa labas ng hospital, nadatnan namin ‘yung motor ni Neil na nakaparada na doon katabi sa sasakyan ni Gabriel. Paano napunta ‘yan dito!?
“Neil, nasasaktan si Cindy!” sabi naman ni Gabriel na hindi ko alam na sumusunod pala siya sa aming dalawa ni Neil. Huminto siya at hinarap si Gab.
“I don’t care. Umuwi ka na at malalim na ang gabi. Here’s your car key.”
Wala ng naisalita pa si Gabriel. Binigyan kaagad ako ni Neil ng helmet at matigas na ipinasuot niya ito sa akin. Nauna siyang sumakay sa motor niya bago ako. Bago pa man niya ako mapasakay, matigas pa rin niya akong pinipilit na pinapasakay sa motor. Sa huli, napasakay na ako dahil sa tono ng boses pa lang ni Neil sa akin ay mukhang galit na ito. Ayoko pa naman magalit itong sa Neil. Nakakatakot.
Nagpaalam na ako kay Gabriel bago umandar at umalis ang motor na sinasakyan ko doon sa hospital. At ang masaklap pa, napaka-awkward ng position ko ngayon kay Neil dahil nga sa nangyari kanina. Tsk.
Dumating kami sa bahay. Hinatid niya ako roon. Pagtingin ko sa phone ko ay pasado alas onse na ng gabi. Shocks! Bukod doon, ang daming missed calls nina mama at papa ang natanggap ko. Kasama na doon ang mga missed calls nina Gabriel at Neil na hindi ko nasagot kanina. Tsk. Another round na naman sa lecture! Papagalitan na naman ako nito dahil late akong umuwi.
Bago ako pumasok sa gate ng bahay namin, hinarap ko muna si Neil na sa ngayon ay nakasakay pa sa motor niya at hawak-hawak ang manibela nito. Hinubad ko ang helmet at ibinigay ito sa kanya.
Imbes na kuhain niya ‘yung helmet, tinanggihan niya ito. “Sa iyo muna iyan. Bukas mo na isauli sa akin.”
Naibaba ko yung kamay ko na may hawak na helmet. Galit pa rin talaga siya sa akin. Nalulungkot ako.
“Thank you kasi hinatid mo ako.”
Napailing lang siya at walang tingin na ginawa man lang sa akin. “Aalis na ako.”
Umalis kaagad si Neil at hindi na nya hinintay ‘yung pagpapaalam ko sa kanya. Tsk. Galit talaga siya sa lagay na ‘yan.
Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng bahay dala dala ‘yung helmet ni Neil. May duplicate naman ako sa pinto ng bahay kaya malaya akong nakakapasok kapag sarado na ito.
Sa pagkakataong ito, pagkapasok ko pa lamang sa sala, biglang bumukas ang ilaw at lumiwanag ang kabuuan ng bahay. Doon ko nakita sina mama at papa na nakaupo sa sofa habang galit na galit na nakatingin sa akin. Ayan na naman tayo ngayon. Sermon na naman ang mangyayari ngayon.