CHAPTER THREE

1599 Words
CHAPTER THREE – The Open-heart Key Chain The class started. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over yung mga classmate kong babae sa bago naming classmate na ngayon lang pumasok. Sabi niya ay transfer student daw siya but he didn’t mention any school kung saan siya nagmula bago siya lumipat dito sa school. Nagiging curious na naman ako ngayon. Today’s topic is all about social norms. Palapit na matapos yung discussion niya nung biglang mag-flash sa kanyang projector screen ang nakasulat na PROJECT TO BE SUBMITTED AT THE END OF SEMESTER. “Okay class. As we agreed on the first day of school, you will make your project and this will pass at the end of the semester…” panimula ni Ma’am Gomez. She really told us that thing last week pero ang hindi lang namin alam kung anong klaseng project ang ipapasa namin sa kanya. “For your project, all you need to do is to make your own prank video or any video that conceptualize the social norms. Just to remind everyone that this project is not individual but rather you have to choose your own partner kung saan kayo comfortable. Be sure that your video will not harm any individuals if you do pranks or anything. Just record their expression when they see something wrong. Let’s see how will they react if they see something wrong in their surroundings. Choose your partner now and give me your names today in a 1/8 sheet of yellow paper. Then make a report after the video in A4 size of paper and this will also submit together with the video that already burn in the CD. Understood? So choose your partner now.” Pagkatapos niyon ay kaagad na umingay yung classroom namin. Syempre, hindi kaagad ako kumilos kasi wala naman akong kakilala sa mga ito. I never interact with other people lalo na kapag hindi ko sila kilala. Pero friendly naman ako kapag comfortable na ako sa mga tao. Nahihiya lang talaga ako sa mga ganitong panimula. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Wala kasi akong makitang isang estudyante na willing makipag-partner sa akin for the project. Hinihintay ko pa yung iba na tumingin sa akin at sabihin na “Uy! Partner tayo ah” pero reality versus expected tayo dito ngayon eh. Mga ilang minuto ang nakakalipas, nakita ko na nagsilabasan na yung mga may partner sa project ng 1/8 sheet of yellow paper. Tapos ako naman ay kinakabahan na ako na baka wala akong partner sa project. Okay lang naman ako lang mag-isa ang gumawa ng project pero kailangan ko lang talaga siguro ng man power nina Neil at Gabriel para matapos ito kung sakaling magi-individual ako di ba. These two guy were already my best buddies kapag may assignments and projects ako. Tinutulungan nila ako sa mga ganitong bagay at nakaka-appreciate ang kanilang effort. Mga ilang minuto pa ang nakakalipas, doon na ako nag-conclude sa sarili ko na magi-individual ako kasi wala akong partner. Okay lang ba kay Ma’am Gomez? Itataas ko na sana yung kamay ko para makuha yung atensyon ni Ma’am Gomez pero hindi iyon natuloy nang biglang may nagsalita sa likuran ko. “Miss, wala kang partner?” Napaigtad ako sa upuan ko at biglang napatingin sa likuran para makita ko kung sino yung nagsalita. Doon ko na-realized na si Felix pala yung lumapit sa akin. Doon ako biglang kinabahan at nagulat nung biglang lumapit siya sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita bagkus tumingin lang ako sa kanya na parang nagulat. “Wala akong partner. Pwede tayo na lang?” tanong pa niya sa akin. Pwedeng TAYO na lang? Ano ibig niyang sabihin. “Ahmm what I mean is… pwede tayo na lang mag-partner for the project. I know something friend na pwede tumulong sa atin just in case kung mag-gagawa na tayo ng video for the project.” Sinubukan kong magsalita kahit feeling ko nauutal ako. Nakita ko na umupo siya sa katabi kong upuan. Kumuha siya ng notebook sa kanyang bagpack at may kinuha ulit doon na 1/8 sheet of paper na nakaipit sa isang pahina ng notebook niya. “Are you willing for my offer?” tanong pa niya sa akin. “Sure ka?” tanong ko sa kanya. Tapos bigla siyang natawa ng mahina. “Wala akong choice kasi wala naman akong kakilala dito sa classroom. And then I saw you na parang wala ka pang partner kaya I encourage myself na lumapit sa iyo at tanungin kung pwede kang maging partner para sa project.” Kahit ang pangit pakinggan yung lumapit lang siya sa akin dahil wala na siyang choice, still I accept his reason. Napaka-assuming ko naman if above his reason ang gusto kong mangyari di ba. Hindi pa kami magkakilala ng lubusan. We’re just classmate in this subject at kailangan rin naman mag-interact just to have this project. “Okay,” mahina ko pang sabi sa kanya para sabihin na ina-accept ko yung alok niya as his project partner. “So, what’s your name?” “Cindy… Cindy Bediones.” “Ahh okay…” and he write my name on the paper kasunod yung name niya. VIDEO PROJECT ABOUT SOCIAL NORMS Cindy Bediones Felix John Amestoso Ganito yung nakasulat sa 1/8 sheet of paper na hawak niya. I looked on his writings. Napataas yung kilay ko nung makita yung sulat niya. A little bit awkward kasi… honestly speaking… hindi sa nakikialam ako pero ang panget ng sulat niya. Totoo nga pala na ang mga lalaking panget magsulat, kadalasan handsome hehehe. After he wrote our names, kaagad niya na itong ipinasa sa unahan para yung classmate ko na nasa unahan ang mag-pasa. He smiles at me afterwards and then he maintains to sit beside me pagkatapos niyang magpass ng papel. Akala ko babalik pa siya doon sa dati niyang upuan kung saan siya nakaupo. While he was sitting beside me, naaamoy ko yung pabango niya. Napaka-lalaki ng amoy niya at parang napakamahal ng pabango ng lalaking ito. Tapos ki-nompare ko ito sa pabango ko. Hmmm… tamang baby cologne lang ako dahil hindi maka-afford ng mga branded na cologne hahaha. Then sabayan mo pa na ang damit mo ay may fabric conditioner with smell of perfume. Nagsalita naman si Ma’am Gomez pagkatapos makapagpass ng mga papers ang mga classmate ko. Lahat kami ay may partner na. So walang magi-individual. Kaagad na nag-dismiss kami sa klase. Biglang tumayo si Felix at kaagad na naglakad papalabas ng classroom. Nung nawala na siya sa paningin ko ay doon ko namataan na may nahulog sa sahig mula sa pinanggalingan niya kung saan siya umupo katabi ko. Kaagad kong pinulot ‘yun at nakita ko na susi ng motor ito. Mula sa susi na ito ay may key chain roon. Isang malaking heart na color gold at parang may nakalagay doon sa loob niyon na kung ano dahil open key chain siya. Na-curious naman ako kaya kaagad ko itong binuksan. Napaka-pakialamera ko na talaga. Pagbukas ko sa golden open key chain na puso na iyon, bumungan sa akin yung picture niya together with a girl. Dalawang maliit na litrato na pinagkasya sa magkabiyak na open key chain heart ang nakita ko doon. I saw Felix… with a girl. Ang ganda ng girl. Aaminin ko na mas maganda pa sa akin. They are so very sweet on the picture. Napakasaya siguro ng araw nila sa mga oras na iyan kaya may picture sila. Sa puntong ito, parang biglang sumikip yung dibdib ko. Napangiwi ako sa hindi sinasadya. Nadismaya rin ako. Kanino? Kay Felix siguro. Hindi ako sure. Sa pagkakataong ito, I conclude to myself na mukhang taken na si Felix. Siguro girlfriend niya ito. Ang swerte naman ng babaeng ito. Bakit ba bigla na lang akong nasaktan kahit wala naman akong link kay Felix? Ang landi ko naman. “Excuse me. That’s mine.” Napaigtad ako sa kinatatayuan ko nung biglang bumalik si Felix sa classroom at nagsalita sa unahan ko. Mukhang nakita pa niya na binuksan ko itong open key chain niya. Sorry! Napahiya tuloy ako sa kanya. Nahihiya akong tumingin ngayon kay Felix. Kaagad kong isinarado yung open key chain at inabot sa kanya. “Wala akong nakita. Sorry.” Mabilis kong sabi sa kanya. Kinuha niya yung sa akin inabot kong susi na may key chain. Tapos he looked at me. Napaka-seryoso niya kaya kaagad akong napatungo at napatingin sa sahig. “Next time you will find something, just return it to the owner. Don’t ever try to look some other private stuffs because it’s sensitive. By the way, thanks for this,” sabi niya sa akin habang nakatungo ko. Kahit nagpapasalamat siya sa akin ngayon dahil nakita ko yung susi ng motor niya na may open keychain, still nararamdaman ko pa rin yung tono ng boses niya na parang galit siya sa akin na ewan hindi ko matantya kung galit ba siya or hindi. Napaka-seryoso niya kasi kung tutuusin. Sorry talaga, Felix! Sorry! Kanina lamang ay nakangiti siya sa akin tapos ngayon naman ay parang galit na siya sa akin dahil sa ginawa ko. Ba’t ba kasi napakapakialamera ko sa bagay na hindi akin? Pagkatapos niyon ay kaagad na siyang lumabas sa classroom. Habang naglalakad siya ay umiilang siya. That’s the sign na parang ayaw niya yung ginawa ko. Tsk. Sorry talaga, Felix. Hindi ko sinasaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD