Umaga na nang magising ako. Maayos na rin ang pakiramdam ko dahil wala na ang kakaibang init sa aking katawan na naramdaman ko nitong nakaraang beinte kwatro oras. Kahit nanghihina, tumayo na ako para magtungo sa banyo ngunit nahagip ng paningin ko ang tray ng pagkain sa ibabaw ng mesa. May kasama iyong bulaklak at kapirasong papel. Napangiti ako, ang sweet ni Chuck. Matapos amuyin ang bulaklak kinuha ko ang papel saka binasa: "Eat your breakfast, sweetheart. May kukunin lang ako sa office. I will be back in an hour. Feel at home. I love you." -Chuck Mainit pa ang pagkain, ibig sabihin kakaalis pa lang ni Chuck. Nagmadali akong pumunta ng banyo para maligo. Kailangan ko ng umuwi. Ayoko ng maabutan pa ni Chuck dito. Nakakahiya sa kaniya pagkatapos ng nangyari sa amin. Hindi ko alam kung m

