"Hi, sweetheart," nakangiting wika ni Chuck nang imulat ko ang sariling mga mata kinaumagahan. "Good morning." Nakadapa ito sa tabi ko at tila kanina pa ako pinagmamasdan. Wala na naman itong suot na damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang namumutok nitong muscles sa magkabilang braso. Tumagilid ito at itinukod ang kanang kamay sa kanang bahagi ng kaniyang ulo kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang malapad nitong dibdib pati na ang mala-pandesal niyang abs. Lintik na lalaking ito! Kay aga-aga ibinabalandra sa harapan ko ang hubad niyang katawan. Bakit ba kasi ang hilig-hilig nitong maghubad? "Why am I here?" Inilihis ko ang paningin dahil masyadong mainit sa mga mata ko ang hubad na katawan ng lalaking ito. Naupo ako at mabilis na hinawakan ang aking sentido dahil sumasakit iyon. "Huli

