"Sweetheart, I have to go. I need to attend this meeting but don't worry I will make it up to you as soon as the..." Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Chuck dahil ibinaba ko na ang phone. Kailangan kong um-attend sa annual meeting na iyon pero male-late ako kung uuwi pa ako sa bahay para magbihis. Leche! Bakit ba kasi pumayag pa ako na dito matulog sa condo niya. Nagsisisi tuloy ako. Dapat pala sa bahay ako umuwi kagabi. Tatayo na sana ako para pumunta sa walk-in closet nang mahagip ng paningin ko ang isang 'di kalakihang paper bag sa paanan ng kama. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman. Laking pasasalamat ko nang makitang damit pambabae ang laman niyon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, kinuha ko iyon para isuot nang may malaglag sa sahig na maliit na papel. Kinuha ko

