"Oh! That's Jimrel right? Ang cute nya talaga! Earl Kailan ba siya babalik dito sa pinas?" Wika ni Edz nang madatnan niya akong nakatingin sa picture namin ni Jimrel. Oo nga pala, 8 years na ang nakalipas. Senior high na kami pero wala parin siya. Yung promise nya na sabay kaming magse-senior high. Makakauwe kaya siya dito sa pinas? Bigla akong nagulat nang agawin niya sakin ang wallet ko. Kinuha niya ang picture sa wallet ko.
"Edz?" Pagtatanong kong banggit sa pangalan niya.
"Akin nalang ito, please!" Pa-cute niyang sabi. Seryoso ba siya? Gusto niya yung picture namin ni Jimrel? Kumuha ito ng scissor at ginupit niya ang picture ni Jimrel saka niya ibinalik ang picture ko sa wallet. Kinuha lang niya ang picture ni Jimrel. Hindi nalang ako nakaimik sa ginawa niya. Mahirap siyang kontrahin sa gusto niya dahil bigla siyang nagtatampo at magwa-walk out. Tumabi ulit siya sakin saka yumakap.
"Kelan ba kasi babalik ang childhood best friend mo? Namimiss ko na kasi siya." Bulalas niyang sabi sakin. Napatingin ako sa braso ko. Gosh! Saan ko naiwan iyon? Nasan ang bracelet? Importante pa naman iyon! "By the way, sa iyo ba ito?" Tanong niya sakin. Napatingin ako sa suot nyang bracelet. Nagtaka ako kung bakit nasa kanya ang bracelet ko. Tumango ako at ngumiti naman siya.
"Sabi na e!” nakangiti parin siya habang nakatingin sa bracelet na suot nya. “Sinong nagbigay sayo? O kaya saan mo nabili 'to? Alam mo ba na hinanap ko pa ito sa lahat ng boutique pero wala na daw ganito.” Nag-sad face siya. “Nag-iisa lang daw ito. Amp, pwede bang akin muna ito?” Itinaas niya ang braso. “Ang ganda kasi e!" Request nyang sabi. Gustuhin ko mang sabihing hindi pwede dahil bigay ni Jimrel iyon, hindi ko na nagawa. Baka kasi biglang magbago ang mood nya na ngayon ay nakatingin sa salamin at tinitingnan ang braso nya na nakasuot ang bracelet ko. "By the way, magmo-mall ako. Sama ka ha." Sabi niya saka lumabas ng kwarto ko.
Tumayo na ako at nag ayos ng sarili. Simula ng maging magkaibigan kami ni Edz. Nangako kami na walang makakapaghiwalay samin. Mahalaga sakin ang friendship na meron kami ngayon kahit na ang totoo ay mahirap siyang pakisamahan dahil puro sarili lang niya ang mahalaga at wala siyang pakealam sa damdamin ng iba pero lahat iyon ay natiis ko to save our friendship.
Bumaba na ko at nakita ko sila na nasa dining table.
"Oh Iha! Akala ko mamaya ka pa bababa e, have a sit?" Alok ni Auntie sakin. Ngumiti naman ako at naupo sa upuan na malapit kay Edz. Inutusan ni Auntie ang isang maid na kumuha ng isang plato para sakin. Nang magsimula na kong kumain, nagsalita si Auntie. "Iha, balita ko ay napili ka ng isang sikat na University na doon i-transfer.” Wika ni Auntie. Napatigil naman ako sa pagkain at tumingin kay Auntie. Nakangiti ito at mukhang ang saya-saya nya dahil sa balitang iyon. “Congrats iha. I am so proud of you." Bati pa niya sakin.
“Salamat po, Auntie.” Ani ko. Oo nga pala! Sa Brown Hills University na ko papasok. Pinadalhan kasi ako ng E-mail at luckily, I'm one of the selected senior high na napili sa sikat na paaralan na iyon. Napatingin ako kay Edz na busy parin sa pagkain. Medyo nalungkot ako kasi until now wala paring E-mail sa kanya.
"I'm done! Let's go na Earl?" Pagkasabi niya non ay tumayo na siya. Lumapit siya sa mom nya upang kumiss. “We are going outside.” Paalam niya at saka lumakad palabas.
"Hay naku! Pagpasensyahan mo nalang si Edz ha? Brats talaga sya e." Malungkot na sabi ni Auntie sakin.
"Okay lang iyon Auntie." Sabi ko at saka tumayo.
"Sayang nga at wala akong anak na katulad mo. Napakabait mong bata." Dugtong pa ni Auntie. Ngumiti nalang ako then,
"Bye Auntie" Kumiss din ako saka lumabas.
Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Edz na nasa loob na ng kotse at hinihintay ako. Lumapit ako at saka sumakay.
"Super-duper yung closeness niyo ni mom ah.” Habang nagda-drive siya. “Para bang ikaw yung anak tapos ako yung nakikitira lang.” dere-deretso nyang sabi sabay ngisi. “Okay iyon, atleast hindi niya ako pagbabawalan sa mga gusto ko." Dugtong pa niya.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Nagseselos ba siya sakin dahil sa pagiging close namin ni Auntie? Para bang may laman ang mga sinabi niya sakin. Hindi nalang ako nagsalita. Nase-sense ko narin naman kasi na may halong selos ang tono ng mga sinabi niya. Habang nasa kotse kami papunta sa destinasyon naming Mall. Patingin-tingin ako sa bracelet ko na nasa braso ni Edz. Sorry Jimrel! Iyan na lamang ang nasabi ko sa sarili ko. Mahalaga sakin ang bracelet na iyon, bigay sakin ng kauna-unahang lalaki sa buhay ko. Ang childhood best friend ko.
Nagpark na si Edz sa parking area ng Mall saka kami bumaba at naglakad papasok sa mall.
"Earl, sana mas maging close pa kayo nang husto ni mom." Seryoso niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya at huminto pa siya saka humarap sakin. Ako naman, nablanko sa sinabi nya. Bakit naman? Bakit gusto niya na mas maging close pa kami ng mom niya?
"Alam kong nagtataka ka pero don't worry. Gusto ko lang naman magawa yung gusto ko kaya sinasabi ko sayo na sana mas maging close pa kayo ni mom. Ayoko kasi na kada galaw ko, tanong ng tanong si mom. Gusto kong maging kagaya mo, independent. I hope, matulungan mo ko? Kung di mo mamasamain." Dere-deretso nyang sabi saka ngumiti sakin at nagpatuloy sa paglakad.
"Teka lang Edz.” Naglakad na din ako para maabutan siya. “Eh bakit naman?” Seryoso kong tanong. “Ayaw mo ba na may guardian ka na laging andyan para sayo? Nakakainggit ka nga ie. Your mom is always there for you unlike me, walang malapit kapag nandyan na si problema. Saka, sobrang mahal ka ni Auntie kaya siya ganon sayo. Kaya kada galaw mo gusto niya malaman. Ganon talaga ang mga mom, protective sa anak nila." Explain ko sa kanya.
"No!” Pagdi-disagree nya at saka ngumiti ng pilit sakin. “That's not true. Why?” Tinaasan niya ang isa niyang kilay. “Eh satin dalawa, mukhang mas gusto ka pa niya kesa sakin na anak niya. Kaya paano mo nasabi? Hindi mo nga nararamdaman yung nararamdaman ko.” Saka siya tumawa ng mahina habang may luha sa gilid ng mata niya. “Kaya, wag mo nang idepensa yung side ni mom sakin kasi hindi ko man nakikita.” Tinuro niya nang dibdib nya. “I feel. Nararamdaman ko yun, Earl." Saka siya nagpatuloy lumakad. Hindi na ko nagsalita sa mga sinabi nya at sumunod nalang ako sa kanya hanggang sa pumasok kami sa elevator.
Then, may pumasok ding dalawang lalaki kasunod namin. Pareho silang may itsura at attractive ang aura. Si Edz naman ay panay ang pagpapa-cute. Napapaisip tuloy ako! Bakit hindi nya naa-appreciate yung halaga ng ginagawa ng mom niya for her? Kung ako yun, sobra-sobra siguro ang pagte-thank you ko kay God for giving me a mom like her pero hindi ako si Edz. Magkaiba kami! Kung pwede lang na baguhin ko si Edz, ginawa ko na kaso hindi e. Wala akong kakayahang baguhin si Edz, Ganyan na talaga siya.
Napansin ko na madalas ang tingin ng isang lalaki sakin pero dinedma ko nalang. Gwapo siya! Bumukas ang elevator, Lumabas na kami. Naglakad na kami nang,
"Gusto ko kasi na magawa ko yung gusto ko kaya ako ganito, Earl. Yung tipong hindi ako pakekealaman ni mom. Hindi nya kasi ako naiintindihan, Earl.” Huminto siya sa paglakad kaya napahinto din ako. “Tulad kanina, alam ko na ako yung pinapatamaan ni mom dahil hanggang ngayon wala parin akong Email mula sa BHU. Eh anong magagawa ko? Ee sa wala pa. Ayokong nape-pressure pero iyon iyong pinaparamdam niya sakin.” Inis niyang wika. “Kaya please Earl, help me.” Pagmamakaawa niya. Hinawakan pa niya ang makabilang kamay ko. Hindi ko alam kung tatango ba ko o iiling sa request nya. “Advance thank you.” Sabay yakap nya sakin.
Ang dami palang problem ni Edz sa mom niya. Nakakalungkot naman! Ngayon ko lang siya narinig na nagreklamo ng ganyan about sa mom nya. Naalala ko tuloy yung dati na nag-boyfriend sya na hindi alam ng mom nya. Secret on sila nung guy. Ako ang taga-explain niya sa mom nya sa lahat. Hanggang sa nalaman at nagrounded siya ng almost 2 weeks. Walang allowance at gadgets, tapos ngayon gusto nya na sakin matuon ang atensyon ng mom niya. Parang ang hirap naman non!
"I will try Edz." Iyon lang ang naging reply ko sa mga sinabi nya. Napansin kong bigla siyang nagbago. Then,
"Iyong bracelet" Pagkasabi niya non, napatingin ako sa braso nya. Bigla akong kinabahan, bigay ni Jimrel iyon. Gosh!
"Huh!" Reply ko at biglang kinabahan.
"Yung Bracelet nawawala, nawawala Earl." Bigla siyang tumakbo pabalik sa elevator. Sumunod naman ako. "Sorry Earl." Pahabol pa niyang sabi habang tumatakbo. Yung bracelet ko!
Sumunod ako sa kanya at nakita namin yung dalawang lalaki sa tapat ng elevator. Hingal na hingal ako ng tumigil sa pagtakbo at nakita ko si Edz na kausap yung dalawang lalaki na kasabay namin kanina sa elevator.
"Mga kuya, may nakita ba kayong bracelet dito, yung may design na couple hearts?" pagtatanong ni Edz. Then bigla akong nagulat sa nakita ko. Bumilis ang t***k ng puso. Hindi ko alam ang gagawin.