February 13, 2014 (4:32 pm)
Aila Farrel's POV
Isa na ata ako sa maseswerteng babae dahil nagkagusto lang naman sa akin ang nag iisang gwapong lalaki sa university namin. Well, swerte rin naman s'ya sakin kase, you know, I'm so beautiful and gorgeous! Need proof? Sampal ko sa inyo yung pictures ko!
Nagkaroon tuloy ako ng boyfriend bago mag Valentine's Day.
OY! UMABOT AKO! Kaya sa mga walang jowa d'yan, shout out sa inyo, maghanap na kayo ng kalandian kase hindi kayo magiging belong sa February 14!
Madaming nagtataka at nagseselos dahil sa dami-dami raw na magaganda, fresh na fresh, clear skin at nagpapapansin sa kanya ay ako pa ang naging "chosen one".
'Di lang sila marunong mag appreciate ng kagandahan ko kase natuto silang i-appreciate ang kapangitan nila. Yah!! Louder!!
Ang mga sabi-sabi nila ay dahil daw meron akong ginagamit na agimat o love potion para ma-attract ang isang tao. Ang iba naman ay naniniwala na ako raw ay isang totoong diwata na nagpapanggap na tao. Alam ko naman na nonsense ang mga sabi-sabi nila. Magagaling lang gumawa ng mga fake news ang mga 'yon. Yah!
Pero maganda nga kung naniniwala sila na diwata ako kase, yes, inaamin ko na gorgeous ako!
Ang pangalan pala ng boyfriend ko ay si Frost Vallejo. Nakilala ko siya noong nagkaroon kami ng Prom Night. Nakatira talaga siya sa Manila pero last year, lumipat siya rito sa Attrahere.
Matangkad, check! Gwapo, check! Magaling magbaseball, check! Englishero, check! Malagong at pleasing sa tainga ang boses, check!
"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad," reklamo ko kay Frost habang naglalakad kaming magkahawak ang kamay.
"We're almost there, Aila babe," kalmang sagot niya kahit pinagpapawisan na.
"Eh bakit ba tayo bumaba sa taxi kung wala pa pala tayo sa restaurant na tinutukoy mo?" Medyo naiinis ako kase basang basa na likuran ko na parang binuhusan ng tubig. Isa pa, pinagpapawisan din siya. Kawawa na yung mukha niyang fresh, nagmukha na siyang nabasang tuta.
"Exercise 'to."
Exercise?! Tirik na tirik ang araw tapos mag e-exercise sa daan? Mukha ba akong mataba para mag exercise? Pati hindi rin naman s'ya mataba ah. Ano bang kalokohan nito ni Frost. Kitang kitang nahihirapan na rin siya sa paglalakad.
Tumingin nalang ako nang maigi sa kanyang katawan dahil hindi ako makaget over sa soot niyang damit.
Naka cyan and white V collar sweater vest, gray skinny jeans na may baltik na color black, may silver earring sa kanang tainga, may soot-soot pa siyang necklace na color blue at light green na sapatos.
Pinunasan ko ang pawis sa tagiliran ng ulo ko bago magsalita. "Wala pa namang Valentine's Day ah, masyado kang excited."
"Madami naman akong pera kaya no worries."
Madami ka palang pera eh, edi share mo sakin. Baka kase 'di na kasya sa wallet mo. Tinutulungan lang kita ha.
Maya maya pa ay tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Naglakad siya papunta sa harapan ko. "Here we are."
Tumingala ako para makita ang pangalan ng restaurant. Hana Restaurant.
Dinala niya ako sa mamahaling japanese restaurant kung saan hindi pa ako nakakapasok ever since bata pa ako kahit na medyo malapit lang sa bahay namin.
"Magugustuhan mo ang japanese food. For sure," nakangising sabi niya.
Hindi ako ready! Bakit naman biglaang japanese restaurant. Andaya mo ha! Pero masaya naman kapag sinusurprise kaya go lang!
Pagkapasok namin ay naramdaman ko agad ang hangin ng Japan. Yung mga upuan at lamesa ay parang pang japanese, isama pa ang plating at utensils. Yung pinapatugtog nilang kanta japanese din.
Lumapit ang isang babaeng waitress sa amin na may hawak na menu. "Good morning po sa inyo."
Oh. Teh. Nasa japanese restaurant ka, baka nalilimutan mo. Umusap ka ng japanese words. Kahit yung basics lang! Ako nalang papalit sayo teh, magaling ako mag salita ng basics.
Nang iabot niya sa amin ang menu, tiningnan ko nang maigi ang mga pictures at ang presyo nito.
Nako po! Sobrang mamahal ng mga pagkain! Nakakalula! Ganito ba talaga sa japanese restaurant? 70% kanin lang naman yung sushi tapos mahigit 200+ na?! Tapos yung lemon juice na nasa maliit na baso 50 pesos?! Galing America ba yung lemon n'yo? Feeling special kayo? Hindi naman ata natural lemon yan, baka chemical! Bili-bili n'yo lang naman yan sa tyangge! Yah!
Niloloko lang tayo ng mga 'yan! Bwiset kayo! Hindi naman ata authentic lahat tapos ang tataas ng mga presyo! Mas mataas pa sa height ko!
Well, nasa pang mayaman na restaurant pala kami kaya dapat hindi na ako nagtataka.
Halatang puro mayayaman ang mga nakain dito. Yung mga nanay oh, galit na galit yung make up, tapos yung mga soot nila parang pang dalaga. May Prom Night ba rito? Bakit 'di ako nainform?
Yung mga tatay naman pormang porma: naka shades, sumbrelo at naka neck tie?
Ano naman yang katangahan n'yo? Gwapo ba kayo guys?! Oo nga 'no.
Sugar daddeee...
At syempre, hindi magpapahuli ang mga spoiled brat. Hindi mawawala yan sa mga mamahaling restaurant.
Oh, nag aaway-away na sila. Mukhang nag aagawan sila sa isang pagkain. Patayan na yan.
"HEY THAT'S MINE!"
"MAMEEEEE!!"
"FOR YOUR INFORMATION, THIS FOOD WAS ORDERED BY ME!"
Yung isang lola naman, grabe naka tube? Saan tayo pupunta teh? May binyagan po ba? Lalaban po ba kayo sa Miss Universe? Ang tapang niyo po, saludo ako.
Si Frost kase hindi man lang sinabi sa akin, hindi tuloy ako nakapagprepare ng sosootin. Well mali ang kinalaban ninyo mga bata at matatanda because Aila is the best girl here!
Binuksan ko ang aking mahiwagang shoulder bag saka kinuha sa loob ang isang red hair extension at sinabit sa buhok ko.
Mamahalin 'to fyi! 'Di yon yung tag pipiso na nabibili lang sa tabi--tabi.
Titingnan ko sana ulit ang menu nang biglang hinawakan ni Frost ang kamay ko. "Let's go."
-------------------------------------------
Habang hinahain ng waiter ang mga pagkain sa lamesa namin, kinuha ko ang chopstick na nasa harapan ko.
Paano yan, hindi ako maalam magchopstick. Hingi nalang kaya ako ng kutsara at tinidor. Kaso nakakahiya, plus nasa Japanese restaurant ako kaya kailangan act as a japanese.
Tinanong ko si Frost kung maalam siya magchopstick. Sabi niya ay oo kaya dinemo niya sa akin ang tamang paghawak ng chopstick pero nalilito parin ako kaya hinawakan niya ang kamay ko habang hawak ko ang chopstick para i-guide ako. Napafocus nalang ako sa kamay niya.
Yung kuko n'ya nakaka attract hehe. Tapos ang haba ng daliri. AHE! Maugat! Ang cute ng singsing n'ya!
"Babe? Are you still there?"
Napatingin tuloy ako sa nagkikislap na mata niya. "O-oo babe. Sorry na-distract ako dun sa lamesa, ang shiny kase. Ulit uli tayo!" palusot ko.
"Ok, madali lang 'to."
After minute or two niyang pagtuturo, natuto narin ako, pero hindi perfect. Minsan nalalaglag yung sushi sa lamesa. Minsan nakakaya.
Habang inaayos ko ang posisyon ng chopstick sa aking kamay, inilapit ni Frost sa bibig ko ang isang maki gamit ang chopstick. "Aila babe, say 'AAAHHH...'"
Ang cute ng boses n'ya nung nag sabi s'ya ng "AAAHHH" WAHHHHHHH!! AKKK! Ano ba nangyayari sayo self! Gusto mo sampal?! Want mo?!
Teka, nang hi-hypnotize ba siya sa lahat ng mga babae? Or baka ganito talaga kapag pangit ka tapos nakatapat mo yung pinakagwapong lalaki. Parang may powers tuloy si Frost.
Huy! Nawawala na tayo sa focus!
Agad kong ibinuka ang bibig ko kaya inilagay niya ang maki doon.
Mmmm.... Ang, sarap. Ok naman siya. Malasa kahit papaano.
Yung sashimi lang hindi ko nagustuhan. Kadiri! Ang dulas sa bibig. Para akong nakain ng dila! Yah, nakakasuka. Ang gusto ko lang na dila ay yung dila n'ya AAAKKKK! Joke lang!
Kaya ang ginawa ko nalang, patago kong ibinalot sa tissue ang mga sashimi sabay shoot sa loob ng mahiwagang shoulder bag para kunwari nakain ko lahat. Nakakahiya kase kay Frost.
Tapos yung kulay green na-- wasabi! Nakakainis kala ko yema, yun pala ang anghang sa bibig. Pasok na pasok sa ilong ko! Napaiyak agad ako habang si Frost tawa nang tawa.
Ayoko na mag explore ng ibang pagkain. Tangkilikin nalang ang sariling atin. Yah!
Nang matapos na kaming kumain, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera. Nakita ko si Frost na nagta-type sa phone n'ya. "B-babe, selfie tayo." Itinaas ko ang phone patapat sa amin.
Tumingin naman siya sa camera. Bago ko macapture, naramdaman ko ang labi ni Frost sa kanang pisngi ko.
Halatang nagulat ako kaya nakita ko si Frost na kinakamot ang ulo habang nakangiting labas ang nagpuputiang ngipin.
Agad na i-pinost ko ito sa f*******: para i-flex. Hindi nagtagal, nag comment agad ang isa kong pinsan ng "Walang forever!"
Papansin ka teh? Galit na galit? Want mo sapak? Wala ka lang jowa dyan eh. Yah! Yung mga single kase d'yan, manahimik nalang kung naiinggit! Kasalanan ba namin na wala kayong jowa?! Kasalanan ba naming panget kayo?!
Ang sarap sa feeling na may kasama kang gwapong boyfriend, na may kasama kang magkokompleto ng buhay mo, isang tao na pinapasaya ka araw-araw, isang tao na binibigyan ka ng kung ano-ano kahit hindi ka humihingi. Feeling ko kase may missing part sa puso ko kaya ayaw ko nang mawala siya sa bu--
Teka, bakit ganon? May something-- may naaamoy akong mabaho.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy. Wala naman ito sa pagkain na binili namin, wala rin kay Frost kase amoy strawberry siya. So sa akin?
Sinubukan kong amuyin patago ang kili-kili ko.
Hala! Why naman sa akin nanggaling! Ang baho ng kili kili ko! AMOY TINAPA HUHUHUHU!
"Can I smell my Aila babe?" sabi ni Frost habang iniisod ang kanyang kinauupuan palapit sa akin.
Hala bwiset 'wag kang lumapit!
Pinatigil ko siya bago pa niya tuluyang maamoy ang kili-kili ko. "B-babe maya na, wait lang."
"Why Aila babe? Something's wrong?"
Inisod ko nang kaunti ang upuan ko papalayo sa kanya dahil mangangamoy na 'to for sure pag lumapit pa siya.
Napapunta ang atensyon ko sa isang pinto na malapit sa table ng mga spoiled brat. Isang CR. "Punta muna akong CR babe. Wash muna ako ng kamay." Agad akong tumayo at nagsimulang umalis sa lamesa.
Dali dali akong naglakad dahil baka maamoy pa ng ibang tao rito ang putok ko. Tamang iwas lang na para bang nasa obstacle course.
Hay nako, sa dami-daming malilimutan, yung kili kili ko pa. Siguro kaya ko nalimutan dahil sa sobrang abyad sa pag make up.
Pagkapasok sa CR ay inamoy ko ulit ito. JUSKO PO! Ang sakit sa ilong, pwede nang panglahok sa pangpatay ng ipis, daga at sa mga kabit.
Binuksan ko ang mahiwagang shoulder bag para tumingin kung anong pwedeng pampabango.
Hala! Nalimutan ko rin magdala ng perfume, sanitizer o sabon! Ano ba nangyayari sa'yo Aila?!
Huy, ano nang gagawin natin? Hays! First date namin 'to kaya kailangang hindi maging disaster!
Inilibot ko ang aking mata sa CR, nagbabakasakaling may makitang sabon man lang. Nakakita ako ng isang bathroom deodorizer na nakasabit sa bakal ng bintana.
Do or die. Minsan kailangan nating maging resourceful sa buhay.
Kinuha ko ito saka isinabit ang hook sa gilid ng bra na malapit sa kili-kili ko. Sinubukan ko ulit itong amuyin. Yah, amoy lemon! Ang bango bango na n'ya!
Pagkatapos ay bumalik ako sa table namin with full confidence.
"Wow I love your smell," compliment ni Frost habang itinataas ang bangs niya.
"I know right!" taas noo kong sabi.
"What perfume did you use?"
Napatitig nalang ako sa kawalan. Napalunok ako at dahan dahang tumingin sa tagiliran ng mukha niya. "Uhm, mumurahin yun basta hehe."
Yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Anong klaseng girlfriend ka ba Aila, sobrang balasubas mo. Kailangan huwag mong kalimutan lahat-lahat.
Ilang segundo ang lumipas, tumingin ulit ako sa kanya para i-check ang kanyang mukha. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil nakatingin din pala siya sa akin habang nakapalumbaba. Kitang-kita ko ang pagkafierce ng kanyang mukha.
Jusko, para akong aatakihin sa puso.
Sinubukan kong suklayin ang kanyang buhok gamit ang kanang kamay samatalang siya ay inakbayan ako sa balikat.
Hindi ako sanay sa mga ginagawa ng mga magjowa, buti nalang nasanay na ako sa panonood ng love stories, pero hindi ako naging expert. Ang hirap palang i-apply sa totoong buhay.
Sa holding hands naman ay ayoko. Kase PASMADO AKO! Parang may gripo sa kamay ko, lagi nalang pinagpapawisan! Paano ba to alisin? Mag ga-gloves nalang ako. Bakit ba kase pinagpapawisan yung kamay? Sakit ba yun?
Sobrang imperfect ko samantalang si Frost sobrang perfect. Para ba talaga kami sa isa't-isa? Sure na ba talaga siya sakin? Tanungin ko kaya.
Parang ang rude naman kapag magtatanong ng ganun. Obvious naman na mahal n'ya ako ah! Sino ba namang tao ang ililibre ka pero hindi ka mahal. Ah, yung crush n'yo na pin-riendzone lang kayo HAHAHAHA!
Ikalma lang natin Aila, nagsisimula palang tayo sa love story natin. Gagawa tayo ng magandang history.
Nasira ang katahimikan nang ipatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko sabay yumakap. "So how's your day?"
WAAAHH ano ba babe! Ang cute n'ya! Para s'yang puppy na kulang sa pagmamahal. Naging straight tuloy ang pagka upo ko habang nag iisip ng sagot sa kanyang tanong.
Naglabas siya ng saglit na pagtawa. "Hey, anong problema? Bakit parang 'di ka nagalaw?"
Hindi parin ako natingin sa mukha niya. "K-kase hindi ako sanay. Pati ang gwapo mo, bwiset hahaha," napasampal ako sa bibig ko pagkatapos kong sabihin 'yon.
Nakakahiya ka Aila, bahala ka d'yan!
Kita ko sa tagiliran ng mata ko ang malawak niyang ngiti. "I see. So pwede bang magkita ulit tayo mamayang gabi sa ibang restaurant? Para masanay ka?"
Napataas ang kilay ko kasabay ng bahagyang pag isod ng aking ulo pakanan. "Date nanaman?"
"I want to see you every day. Is there any problem?" Kinuha niya ang kaliwang kamay ko saka hinalikan ito nang tatlong beses.
OOOOOMMMYYYGGGGAAASSS! NAKAKALOKAAAA!
Si Frost kaya kinikilig din ba sakin? Baka pag hinalikan ko yung pisngi n'ya baka mandiri pa s'ya, tapos pag wala na ako, kukuha s'ya ng madaming wet wipes para ipunas.
Hoy! 'Wag kang mag isip ng ganyan.
Pagkaalis niya sa katawan ko, tumahimik ng ilang segundo. Bubuksan ko sana ang phone ko pero sumulyap ako sa kanya para malaman kung ano ang ginagawa niya. Nakita ko nalang siyang kumakain ng natitirang chicken.
Ang cute naman kumain ng chicken ni Frost hehe-- HOY AILA! Lahat na pinansin mo ha! Die-hard fan ka teh? Oo sayong sayo na si Frost, irelax mo lang puso mo!
K.
"Gusto mo ng chicken?" Inilapit niya sa akin ang chicken na kinagatan niya.
Eto na nga ang pag iisang pagkain namin ni Frost. Chicken, na may kagat, na may laway ni Frost. LAWAY NIYA!
"You don't lik--" kinuha ko agad ito at isinubo.
OOOOHHHMMM, ang sarap! Ng laway ni Frost! Matamis-tamis. Frost! Pengeng laway mo, kahit konti lang. For experimental purposes only! Mag co-collect lang ako ng mga rare treasures galing sa nag iisang Frost. Bigyan mo narin ako ng isang hibla ng buhok mo, ididikit ko sa journal ko.
Kumuha ako ng tubig para sa kanya. "Inom ka muna babe."
Kinuha naman niya ito. "Thanks Aila babe."
Habang umiinom siya ay minasdan ko ang kanyang mukha. Ang cute gumalaw ng adam's apple ni Fr--
OO NA AILA, WALANG NAGTATANONG!
"Guys, nakita n'yo ba yung deodorizer sa loob ng CR? Nawawala kase eh." Narinig ko ang sinabi ng isang waitress sa kanyang kasamahan.
"Hindi ko alam pero nangangamoy lemon dito."
Alis na 'ko!
-------------------------------------------
Pagkatapos ng isang oras, nagdesisyon na kaming lumabas sa restaurant.
Grabe nabusog ako. Nabusog ako sa pagmamahal ni Frost.
Titingnan ko sana yung phone ko para malaman kung anong oras na nang biglang niyakap niya ako.
OMG! YAS! ANG SARAP SA FEELING!
Niyakap ko rin siya. Gusto kong higpitan pagyakap ko kaso baka hindi na siya maging komportable.
Sana ganito nalang forever. Pero walang forever. Pero sa amin ni Frost may forever, sa iba lang wala! Nyenye!
Wala akong pakielam kung may nakatingin sa amin, wala akong pakielam kung bumagyo man o lumindol-- joke lang, syempre aalis na ako sa pagkayakap kay Frost. Hindi kaya ng power of love yung mga sakuna na yan. Pati baka may mga chismosa na nakatingin sa amin. Alam mo naman, mga chismosa dinaig pa ang mga journalist.
Kaya yung mga pinopost ko sa social media naka "friends only"
Sobra sobra ang ngiti ko ngayon dahil ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend, ngayon ko lang nalaman kung ano ang feeling na may kaholding hands at may kayakap. Hindi ako ganito dati, sobrang lungkot talaga ng buhay ko.
Kakaiba talaga pag may minamahal ka, na may special one ka. Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko, kahit saan.
Ipinapanalangin ko na sana ay tumagal kami. Lahat ng parte ng katawan niya ay akin lang. Madamot ako. Kunin n'yo na lahat, 'wag lang ang Frost ko.
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay nagsimula akong maglakad habang binabalikan ang mga nangyari kanina.
Gusto ko now na kami mag date pero ayos lang, lagi naman kaming nagkikita. Mahahawakan ko parin naman s'ya araw-araw, sino ba naman ang makakapaghiwalay sa amin?
Sana tumagal kami. Sana tumagal kami.
God, bigyan niyo naman po ako ng sign! Sana may dumating sa harapan ko na sign! Now na! Ito ang makakapag sabi na magtatagal kami ni Frost.
Mataimtim kong pinagmamasdan ang langit nang biglang may nanggulat sa kaliwang bahagi ko. "HOOOOY!"
"AYY PESTE!" gulat na pagkasabi ko sabay napatingin agad sa taong sumigaw. Hindi na ako nagulat kung sino ang nakita ko.
Si Steel. May gusto s'ya sa akin simula noong nagkita kami sa university kaya lagi n'ya akong sinusundan. 23 years old na pero isip bata at sobrang bobo parin. Matangkad pero mas matangkad si Frost. Maayos naman pormahan niya pero hindi maayos mukha niya lalo na't maitim ang kanyang balat kaya tinatawag ko siyang "sunog na kaldero" In short, isa s'yang weird and ugly stalker.
Ang ganda naman ng sign.
Hinarangan niya ako na para bang nakikipag laro sakin ng patintero. "HELLO BABI SAAN KA PUMUNTA?!"
Inirapan ko siya habang nakameewang. "'Wag mo nga akong gulatin! Bakit ba lagi mo 'kong sinusundan? Umalis ka nga sa harapan ko, sunog na kaldero!"
May kinuha siya sa bulsa ng kanyang short. "Eto oh rose, fresh na fresh pa!"
"Rose ba yan, eh gumamela yan. Bobo ka ba?! Balik ka muna ng elementary!"
Nakangiti parin siya na sobrang nakakainis. "May pick up line ako, uhm-- Aila ka ba?!"
Hindi ako umimik.
"Kase, kase-- ay wait lang nalimutan ko," Hinigit niya ang isang index card sa bulsa ng damit saka binasa ito. "Kase, AILA-byu! NYEHEHEHEHE!"
Kadiri amp! Ang sarap ibalibag sa malapad na pader yung mukha niya.
Tinatanong ko sa sarili ko kung attractive ba talaga ako pero yang tangang yan?! Hindi yan sagot sa tanong ko. Kung sino-sino na nga lang nagugustuhan n'yan. Pati nga pusang gala kina-crushback n'ya.
Humakbang ako papuntang kaliwa pero hinarangan parin niya ako. "Pwede ka bang sumama sakin?! Tera na at mag saya! WHOOOOOO!!" sabay sumayaw-sayaw na parang bata.
"First of all may jowa na ako, second sobrang ganda ko."
"Maganda ka? Sang banda?"
"Syempre sa mukha."
"Ah kala ko sa pwet," bulong niya pero narinig ko parin.
"Anong sabi mo, sunog na kaldero?!" inihanda ko ang aking kamao sa mukha niya.
Hindi siya umimik kundi may kinuha ulit siya sa kanyang bulsa. "Oh chocolates, 3 pieces na nakalagay sa heart-shape container! Ang cute 'diba?!"
Tiningnan kong maigi ang mga chocolates. "Hindi ko yan matatanggap kase ang tinatanggap ko lang ay mga Ferrero Rocher, Kitkat, at Maltesers, yung chocolate mo bili lang sa bangketa. Pati yuck bakit may kagat!"
Sinubukan niyang tingnan ito. "Hala kinagatan pala ng kapatid ko!"
Nag aaksaya lang ako ng oras dito. Makaalis na nga. Nagsimula akong maglakad paalis sa kanyang harapan. Mabuti naman at hindi na niya ako hinarangan.
"Bye bye babi! Kita tayo mamaya!"
Kung pwede lang ipadala sa mental hospital yung baliw na 'yon. Kakainis lagi nalang paepal sa buhay, lagi nalang ako sinusundan kahit saan ako pumunta. Nagtataka nga ako kung paano n'ya nalalaman ang lokasyon ko.
Teka...
Nagpapanggap ba s'yang isang childish and innocent na lalaki pero isa pala siyang anak ng mafia boss tapos may mga futuristic hidden cameras sila sa Attrahere kaya nalalaman niya kung nasaan ako?
Nevermind. Nasobrahan lang ako sa pagbabasa ng tungkol sa mga mafia. Yan maglalakad na ulit ako. Yung maganda ganda namang sign!
Oo nga pala, yung sashimi!
Napatigil ako sa aking paglalakad. Binuksan ko ang mahiwagang shoulder bag saka kinuha ang sashimi na nakabalot sa tissue. Inihagis ko ito isa-isa sa damuhan.
Nang ibinalik ko ang aking mukha sa daan, biglang may nang bunggo sa aking balikat. Napatingin agad ako sa kanya. "Hoy ano b--"
Nakakita ako ng matandang baliw na babae. Ang creepy ng mukha niya at magulo ang buhok, dumagdag pa ang masangsang niyang amoy at maduming damit. Napansin ko rin na may dala-dala siyang plastik. Nang tumingin siya sa akin ay nanlaki ang kanyang mata at sumigaw nang malakas. "AAAAHHHHH!"
Luh, ano ginagawa mo teh? Nagulat ka ba sa kagandahan ko? Sorry na.
"IKAW! IKAW!" tinuro-turo niya ako.
Kanina may baliw akong nakita, ngayon may baliw uli? Puro baliw nalang ba ang sign?! May galit ba si God sa akin?
Nagpatuloy akong maglakad papaalis sa kanyang harapan pero laking gulat ko nalang na kumapit siya sa braso ko.
Tumingin ulit siya sa aking mata. "BUKAS! BUKAS AY MAY MANGYAYARING MASAMA SA ATIN!"
Buong pwersa kong inalis ang braso ko sa kamay niya. Nakakita ako ng duming naiwan sa braso ko.
Nakakabad trip naman! Bastos tong baliw na 'to. Makakailang scrub ako nito para matanggal ang 99.9% germs.
Tingnan mo nga kung sino ang hinahawakan mo!
Maya maya pa ay may kinuha siya sa loob ng plastik at sunod-sunod na pinagbabato ito sa akin. Mga magnets.
"Hoy! Ano ba yan!" mataas na sigaw ko sa kanya habang hinaharangan ang mga magnets na lumilipad papunta sa akin gamit ang kamay ko.
Nainis na ako nang sobra kaya pagkatapos niyang mamato, kinuha ko ang mga magnets sa baba at ibinato rin ito sa kanya.
Kala mo 'di ako pumapatol ha! Well, mababae, malalaki, matanda man o bata, matino man o baliw, lalaban ako. Wala akong pinipiling kalaban!
"Bwisit ka, ano bang problema mo!" Mas lalong bumilis ang pagbato ko sa kanya.
Ang ganda ng signs talaga!
Habang kami ay nagbabatuhan sa tabi ng kalsada, nag pakita sa amin ang isang barangay tanod. "Hoy miss ano ba yan. Tigilan mo yang pamamato!" sigaw niya sa akin na para bang ako ang may kasalanan.
Humarap ako sa kanya para mag explain. "Siya nauna, namamato ng magnet! Ipa DSWD niyo na nga yan, purwisyo pa rito!"
Pagkatapos n'yang awatin ang baliw ay humarap ang tanod sa akin. "Hayaan mo na yan, sira utak niyan kaya iwasan mo nalang."
"Tao din ako teh, at isa akong mamamayang Pilipino so it means may karapatan akong lumaban! According to Republic Act 10630, an act strengthening the juvenile justice system in the Philippines! And yes, bata pa ako!"
Laking gulat ko nalang nang napatingin ako sa kabilang side ng kalsada. Mayroong kumukuha ng video sa aming tatlo.
Agad ko siyang tinuro at sinigawan. "Hoy! Tigilan mo yan! Napakaliit lang ng problema tapos vi-videohan pa!? Kulang ka sa pansin teh? Kulang ka sa aruga? Anong gagawin mo? Ia-upload sa f*******: at Youtube, tapos ang title 'Baliw na babae binabato ang baliw' tapos sisikat ka, tapos magkakapera ka, tapos magiging kayo ng crush mo? Kung gusto mong sumikat, kumain ka ng tae!"
Agad na ibinaba niya ang kanyang cell phone at naiwan ang kahihiyan sa mukha.
Tumakbo nalang ako nang mabilis na kunyari ay walang nangyari.
Bwiset na mga taong 'to. Nasira ang araw ko! Buti nalang at wala si Frost, baka hindi pa n'ya magustuhan ugali ko.
Lesson learned: wag nang humingi ng signs.
-------------------------------------------
1 - A