Chapter Two

1532 Words
“HIJA, mukhang nariyan na ang kuya Rendell mo!” Nagmamadaling sinipat ni Ereny ang sarili sa kanyang full-length mirror. All, right, this is it, nakangiting usal niya sa isip. Suot niya ang nabili niyang dress sa mall kasama si Ryujei at naglagay rin siya ng manipis na make-up sa kanyang mukha. She knows she looks pretty right now. Sana ay mapansin iyon ni Rendell. Agad siyang lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Nakita niya agad ang kanyang mommy Edith na nakatingin sa labas ng bintana nila. Ito ang sumigaw kanina na dumating na si Rendell. Nakita niya nga agad sa tapat ng bahay nila ang pulang sasakyan ng pamilya Martinez. Katapat lamang kasi nila ang bahay nina Ryujei at tuwing nasa bakasyon si Rendel ay doon ito naglalagi. “Mommy, punta lang ako kina Ryu,” paalam niya sa ina. Napangiti ang kanyang ina ng makita siya. “Dalaga na talaga ang anak ko. Go, Ereny. And behave, okay?,” bilin nito sa kanya. Pagkalabas ni Ereny ng kanilang gate ay nakita niya agad si Ryu na tumutulong sa paglabas ng mga maleta sa likod ng sasakyan. Agad siyang lumapit at kinalabit ang kaibigan. Napatingin ito sa kanya at tinitigan siya. She smiled widely. “I look pretty, right?” “Yeah,” tila wala sa loob na sagot nito habang nakatitig pa rin sa kanya. Nag-init ang pisngi niya dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng kababata. She expected him to tease her. And what is this awkward silence? What is happening with them? “Eny?!” Ang boses na iyon ang nagtanggal ng paningin nila sa isa’t-isa. She immediately turned to the voice who called her. A handsome, familiar tall guy with a very warm smile greeted her. Her crush. Rendell. “Rendell!,” napatili siya at nilundag ito. Rendell laughed and hugged her back. Ginulo-gulo nito ang buhok niya at kumalas sa sa kanya. “How are you, my Eny?,” masuyong tanong nito. She smiled. Rendell is still very sweet and warm to him. Isa sa maraming rason kung bakit nahulog ang loob niya sa binata. “I’m good! How about you? How’s your flight? And wait, medyo pumayat ka yata. Baka naii-stress ka sa work ha?!,” sunod-sunod na tanong niya rito. Natawa si Rendell. “Easy, my Eny. I’m okay and I’m very happy to see you. I have a lot of pasalubong for you.” “Of course! Mas marami dapat akong pasalubong kaysa kay Ryu, ha?,” tila batang sabi niya at tiningnan ang kababata na nakatingin na rin pala sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nakita niya sa mga mata nito pero dagli itong umiwas ng tingin at nilabas ang maleta ng Kuya Rendell nito. “Babe.,” isang mabining tinig ang nagtigil sa kamustahan nila ni Rendell. Napakunot ang noo niya ng isang babae ang sumulpot sa likod ni Rendell. Did this lady just called Rendell “babe”? The woman looks so stunning and mature, just like Rendell. Nilingon ito ni Rendell at tumahip ang kanyang dibdib ng makita ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa babae. Something that she longed from him. Right then and there, she realized, na may inuwing kasintahan si Rendell. Nadurog ang puso niya. “Hey babe,” malambing na sabi ni Rendell at hinarap siya. “Eny, I want you to meet my fiance, Katerine. Babe, meet Ereny, Ryu’s childhood friend. She’s also like a little sister for me,” nakangiting pakilala nito sa kanya, habang siya ay parang sinampal ng malakas sa magkabilang pisngi sa mga sinabi nito. Kahit na alam naman niya, masakit pa rin na marinig iyon mismo sa bibig ni Rendell. Mas masakit na nakahanap na ito ng kasintahan — ah mali, ng fiance na pala nito. Namatay na lahat ng pag-asa niya na mapansin pa siya nito. Despite all the efforts she put through to look at her best today, it’s all for nothing. “Hi Ereny, it’s so nice to meet you,” nakangiting wika ng babae at inilahad ang kamay sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya nahanap ang kanyang boses pero tinanggap niya ang kamay nito at pilit na ngumiti. “Hello, Katerine.” Tumikhim si Ryujei at naramdaman niya ang marahang paghawak nito sa kanyang balikat. “We should go inside. Naghihintay na sina Lolo,” pagkatapos ay inakay na siya nito papasok ng bahay ng mga ito. Tahimik na sumunod siya at nagpasalamat siya ng lihim dahil tila iniligtas siya ni Ryujei. Dahil kung nagtagal pa ay baka bigla na lamang siyang pumalahaw ng iyak. Tila isang torture ang mga sumunod na pangyayari kay Ereny. Pagpasok nila ng bahay kanina ay naroon din pala ang ibang mga kamag-anak nina Ryujei na dumayo talaga dahil sa pagdating ni Rendell. Kaya naman pinilit niyang magkunwaring okay siya kahit na gustong-gusto na lamang niyang umuwi ng bahay nila. And now she is sitting at the dining table together with Ryujei’s family. At nasa harapan lang naman niya sina Rendell at fiance nito na manaka nakay nagsusubuan pa ng pagkain. In front of her. Halos hindi niya tuloy magalaw ang pagkain niya kahit alam naman niyang masarap iyon dahil luto iyon ni lolo Rod - ang lolo nina Ryujei at Rendell. “Eat, Eren. Or they’ll notice you staring at them,” bigla ay bulong ni Ryujei na katabi lamang niya. Inalis niya ang tingin kina Rendell at tiningnan ang kaibigan. He’s looking at her intently. She wanted to get out of here. She wanted to cry in Ryu’s arms. ASAP. “Ryu, get me out of here. Please,” ganting bulong niya rito. Inilagay niya ang kaliwang kamay sa ilalim ng mesa at balak sanang yugyugin lang ang kamay nito. Ngunit sa gulat niya ay hinuli nito ang kamay niya at ginagap iyon. Nag-init ang kanyang mga pisngi at napunta ang lahat ng kanyang atensiyon sa mga kamay nila.Sa tinagal nilang magkaibigan ay ngayon lamang sila nag-holding hands. And now that they did, she felt like it’s not a bad idea after all. His hand brought comfort and warmth to her. Tumikhim si Ryu. “Ah lolo, kuya Rendell, punta lang kami ni Ereny saglit sa kuwarto. May hiniram nga pala ako sa kanyang gamit na kailangan niya ngayon,” anito at tumayo. At dahil magkahawak pa rin pala ang kanilang mga kamay ay napatayo rin siya kasabay nito. “Are you sure may kukunin lang kayo, pinsan?,” nakangiti at nanunudyo ang boses ni Rendell. Sinubukan niyang kumalas kay Ryujei ngunit mas hinigpitan nito lalo ang hawak sa kanya. Hindi rin ito tumawa sa panunudyo ni Rendell. “Naku eh kung si Ereny naman ang makakatuluyan ni Ryu ay ako na ang pinakamasaya sa lahat. Kilalang-kilala ko na si Ereny at magkasama na sila ni Ryujei simula pa noong maliit sila,” komento naman ni lolo Rod. Tuloy-tuloy sa paglakad si Ryujei at walang nagawang nagpaakay siya rito. Isang alanganing ngiti na lamang ang isinukli niya sa komento ng mga kamag-anak nito sa kanila. Nasa ikalawang palapag lamang ang kwarto ni Ryujei at ng makapasok sila roon ay agad niyang pinalis ang kamay nito. “What was that, Ryu?” He looked at her coldly. “What? You told me to get you out of there, right?” “But why did you have to hold my hand? And you looked so pissed off. Ni hindi mo sinagot si Rendell at lolo Rod,” nakasimangot na sabi niya. “I’m just— ah, forget it. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis.” Then he looked at her. “You okay? Thought you wanted to cry kaya gusto mong umalis kanina,” lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Ah, oo nga pala. It’s funny that she forgotten about that. All because of Ryujei holding her hand. Naupo siya sa tabi ni Ryujei. “Tell me, Ryu, did you know that Rendell’s gonna bring a fiance today?” Umiling ito. “I had no idea at all. Kilala mo naman si kuya Rendell, mahilig siya mang-surprise.“ Bumalik na naman ang pinong kirot sa puso niya. Rendell was her first crush and she really liked him a lot. Hindi niya talaga lubos maisip na maari ngang makakila si Rendell ng isang babaeng tulad ni Katerine na maganda, sexy at kaedad nito. Pumihit si Ryu paharap sa kanya. His expression has softened and he gently wiped her tears. Ni hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Ah, the lost of first love. She froze when Ryujei hugged her. Another first for their friendship. She felt so safe. Gumanti siya ng yakap at isinubsob ang ulo sa balikat nito. Her best friend smells so good. “Cry it all out today then promise me to move on afterwards and try to see another guy who might be just waiting for you to notice them,” mahinang wika nito sa tainga niya. “W-what?,” utal na sabi niya at tinangkang kumalas dito upang makita ang mukha nito. But he stopped her and continued to hug her. “W-what I’m saying is try to notice me, Ereny. I’m always here. Always have been.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD