"Who gave you the right to call my name?" seryosong tanong niya habang papalapit sa akin.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at binaggit ko pa ang name niya?
"Sorry. Hindi ko sinasadya..." kinakabahang saad ko habang napapaatras na rin. Matatalim ang mga mata niya. Para akong natutunaw.
Hanggang sa nawalan ako ng balanse dahil may baitang pala na maliit kaya napakapit ako sa isang babasagin at bumagsak kami pareho. Kahit na masakit dahil nasugatan ako ay hindi ko ininda dahil walang pagbabago ang tingin niya.
Para siyang papatay sa tuwing titingin siya. Napaatras akong muli sa corner. Umupo siya para magkapantay kami.
"Im sorry hindi ko talaga sinasadyang banggitin ang pangalan mo," sambit ko.
"Do you know how much this cost?" Nabaling ang tingin niya sa nabasag kong vase. "Babayaran ko na lang—"
"Then how? You're my slave. You can't go to work to pay me?" mataray na tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Muli siyang tumitig sa akin. Yung titig na kakaiba. Magkalapit lang ang mga mukha namin ng ilang inches. Napalunok ako dahil napatingin siya mismo sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit. Kusa na lang akong napalunok.
"You're lucky, hindi ko pa nasasabi ng lahat ng rules ko," sambit niya. "And also, you're so clumsy," dagdag niya bago tumayo.
Para naman akong tanga na nakatulala lang sa kaniya. Bakit ganito ako? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Hindi ko maintindihan.
Lumakad na siya ulit paalis pero ako nanatiling Nakatunganga dito. "Hindi mababayaran ang utang ng papa mo kung tutunganga ka lang diyan," mataray na sabi niya kaya mabilis akong tumayo. Hindi ko ininda ang nagdudugo kong sugat sa kamay.
Nakarating ako sa isang kwarto. Hindi ko pinahalata kung gaano ako namangha. Hindi gaanong malaki pero napakaganda.
"You'll sleep here," saad niya at may kinuha sa mesa na isang paperbag at inihagis iyon sa akin.
"Change your dirty clothes, and burn it," utos niya kaya napakunot ang noo ko. Hindi naman madumi ang suot ko.
"What? Anong susuotin ko sa mga susunod na araw?" nagtataka na tanong ko.
"Did I ask your opinion?" Huminga ako ng malalim para kumalma. Napakasama ng ugali niya!
"Asan ang banyo? Magpapalit na ako," tanong ko at walang ganang hinawakan ang paperbag.
"Change here." Napanganga ako sa sinabi niya. Dito? Di ko alam kung may pagkaabnormal ba siya or what. Hindi agad ako nakakilos.
"What are you waiting for?" mataray na tanong niya habang naka-cross arm.
"Are you joking, right?" medyo natatawa pa na sabi ko.
"Stop being dramatic. You're a slave not a princess," sagot niya kaya naman napapikit na lang ako.
Calm down, Zara.
"Or maybe you want me to change your clothes?" Napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras. Hindi ko alam pero bakit ganito siya? May something sa kaniya.
"No thanks. Kaya kong magpalit," naiilang na sabi ko. Yung nga tingin niya para akong natutunaw hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal.
Huminga pa ako ng malalim bago unti-unting binuksan ang paper bag. Nagulat ako nang makita ang laman non. Agad akong napatingin sa kaniya na nakatingin sa akin.
"Seryoso ka bang ito ang susuotin ko?" nagtataka na tanong ko at iniangat pa ang black na tela. Baka kasi nagkamali lang sila maglagay dito.
"Of course," casual na sagot niya. Muli kong tinignan ang damit. Ano ba tong pinasok ko?
"Mag-t-tshirt na lang ako—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"No. You will wear that," utos niya na animoy isang reyna.
"Pero—"
"I'm your boss here. You are my slave. You don't have a right to complain." Halos mamura ko na siya sa sobrang inis ko. Bakit kasi pumayag pa ako sa ma sa ganito set up. Hindi pa kami nagtatagal ay para na akong aatakihin sa inis dito.
"Pwede ka bang tumalikod muna?" naiilang muli na tanong ko. Ang dami niya kasing demand!
Tumayo lang siya at ang buong akala ko ay tatalikod siya pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Na para bang sinusuri ang buong katawan ko. Napataas ang kilay niya.
"I'm bored. Gusto mo bang ako na ang magbihis sayo? Masyado kang maraming arte," sambit niya.
"Sorry, ha? Hindi kasi ako sanay na may ibang taong nakatingin habang nagbibihis ako," sarcastic na sagot ko sa kaniya. Bigla namang nagbago ang awra niya. Muli niya akong tinitigan nang nakakapaso. Napaatras na lang ako nang wala sa oras.
Patuloy naman siyang lumapit sa akin. "Then masanay ka na," saad niya. Malapit ang mukha sa akin. Iba talaga ang kabog ng dibdib ko sa tuwing lalapit ang mukha niya sa akin.
Dahil sa ilang ko napalayo ako sa kaniya at huminga nang malalim. Mukhang wala talaga siyang balak lumabas para bigyan ako ng privacy.
Unti-unti kong hinubad ang suot kong uniform ng coffee shop. Ngayon ko na lang ma-realize na ito pa rin ang suot ko. Hinubad ko ang t-shirt. Tanging bra lang ang suot ko. Hindi ko alam pero nakatingin lang siya sa akin. Walang emosyon.
"Ano tutunganga ka na lang ba diyan?" mataray na tanong niya habang prenteng nakaupo.
Pumikit ako at sunod na hinubad ang pants ko. Ngayon ay naka-bra at panty na lang ako. Huminga muli ako at isinuot ang binigay niyang damit.
Mabilis ko iyong nagawa. Pero medyo uncomfortable dahil hindi ako sanay sa ganitong mga damit. May tatlong butones iyon sa bandang dibdib. Under knee siya na kulay itim na fitted dress.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Nakatitig sa mga mata ko na para bang hinihigop ang lakas ko.
Hindi ko magawang makipagtitigan. Kaya napaiwas ako ng tingin. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Hinawakan ang mukha ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumingin muli sa kaniya.
Sobrang lapit ng mukha niya. Kitang-kita ko ang mapupungay niyang mga mata na mas lalong nagpapalambot sa akin.
Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napakalakas ng kabog dibdib ko sa tuwing magtititigan kami.
Naramdaman ko ang kamay niya na nasa waistline ko. Hanggang umabot iyon sa dibdib ko. "You're like a kid who doesn't know how to button up," sambit niya na halos tatlong inches na lang ang agwat ng mga mukha namin. Kasunod noon ay ipinasok niya ang butones ng damit ko sa butas.
Sunod-sunod na paghinga ang nagawa ko nang tumalikod siya at lumabas ng kwarto. Napasapo na lang ako sa noo at tinuloy ang pagbotones ng damit.
May aircon naman dito, pero bakit ang init? Isang malalim na paghinga ang ginawa ko at naupo na lang sa kama.