SAGLIT kong sinulyapan ang babaeng walang malay na nasa tabi ko saka nagbuga ng hangin. Iniwan ko si Andrei sa bar kapalit ng concern na ipinarating sa akin ni Marcus. Walang duda na siya ay empleyado ng TAC. Nakita ko siya kanina sa rooftop na aliw na aliw sa mga halaman na ako mismo ang naglagay. Ipinatawag ako ni lolo at dahil napaaaga ang dating ko ay doon muna ako nagtungo. Nang makita ko ang nag-iisang upuan ay agad akong tumawag upang bumili ng iba’t ibang klase ng halamang namumulaklak. At first, hindi ko na sana gusto pang pansinin ang ginagawa niya ngunit tila may nagtulak sa akin na lapitan siya then the rest is history. I maybe out of my mind dahil dinala ko siya sa isang hotel. Hindi ko alam kung saan siya umuuwi at hindi ko siya maaaring dalhin sa bahay. My mom would freak

