KAHIT na tinawag ako nina Jessica at Catherine ay tuloy pa rin ako sa paglakad. Si Vince ang laman ng isipan ko hanggang sa makalabas ako ng gusali ng TAC. Kinailangan ko pang sumakay ng taxi papunta sa restaurant kung saan siya naghihintay Nagpupuyos pa rin ang galit sa dibdib ko. He literally blackmailing me! Dahil sa takot na madiskubre ng mga taga-TAC ang koneksiyon namin sa isa’t isa ay gagawin niya ang lahat para sumunod ako sa gusto niya! The nerve! Hindi porke’t ikakasal kaming dalawa ay madali na lang para sa kanya na paikutin niya ako sa palad niya! “Good morning, Madam.” Yumuko pa ang lalaki nan aka-all white ang suot pagkatapos akong batiin. May ilang mga tao na ring pumasok sa restaurant ngunit nanatili siyang nakayuko sa harap ko. “Let me guide you inside, Madam.” “Is this

