NAGMAMADALI akong bumalik sa opisina. Pero bago 'yon ay mabilis akong naligo sa banyo kung saan may nangyari na naman sa amin ni Vince. Pagkatapos kong magbihis ay basta ko nalang siya iniwan doon. Hindi na rin naman niya ako pinigilan. Wala na rin kahit isang bodyguard ang sumalubong at humarang sa akin. Maluwag akong nakahinga. Di ko akalain na hayaan niya akong walang kasama pabalik sa opisina. Pagpasok ng building ay halos takbuhin ko ang elevator. Wala na akong pakialam sa ibang kasabay ko dahil ang buong isip ko ay nakatuon pabalik sa trabaho. Bagama't hindi ako komportable ay balewala akong dumiretso papasok sa opisina at naupo sa desk ko. Ramdam ko pa rin kasi ang init ng mga labi ni Vince sa buong katawan ko kahit na naligo ako ng maayos at kinuskos ang buong katawan ko ng sabon

