ALAS NUEBE na ng umaga nang sipatin ko ang wristwatch ko. Saglit kong sinulyapan ang phone ko, nagbabakasakaling may natanggap akong mensahe sa inbox…ngunit wala. Malamang ay naabisuhan n ani Lolo Winderson sina mama at papa gayundin si Lolo Ramon kung nasaan ako. Pati sa opisina ay wala akong natanggap na kahit na ano samantalang mawala lang ako ng saglit sa paningin ni Miss Yna ay hindi na ito mapakali. Madalas niya akong hinahanap to do certain tasks which I’m very glad to do. Masaya akong nagtatrabaho sa bawat araw ng pagpasok ko sa TAC. Wala akong nais na sayanging pagkakataon dahil sa pangarap kong magtagal sa aking dream job and workplace. Pakiwari ko may isang invisible trophy na akong natanggap dahil sa pagiging bahagi ko ng TAC. Napaarko ang dalawa kong kilay nang biglang humint

